PAGKAKUHA ng gamit sa bag ni Tony ay nagpaalam si Nicholo kay Katarine para gamitin ang banyo at doon magbihis. Mabilis namang sumunod sa kaniya ang kaibigan saka pabulong na nagsalita habang naghihilamos siya. “Alam mo ba kung ilang beses akong tinawagan ng girlfriend mo? Why don’t you answer your freaking phone, man?” tanong nito habang nakahalukipkip at nakamasid sa kaniya. Hindi siya kumibo at nagpatuloy lang sa pagbibihis. Masyadong maraming laman ang utak niya ngayon at wala siyang panahon sa pangungulit nito at ng nobya niya. “You two are getting into my nerves, do you know that? No wonder I’m still single dahil tuwing may LQ kayo, idinadamay n’yo ako,” inis na patuloy nito saka sumandal sa hamba ng pintuan ng banyo. “Talk to Van, Cole. I mean it,” pagtatapos nito at saka isinara

