MALALAKAS na tawanan na pumailanlang sa kabuuan ng guestroom ang nagpagising kay Katarine kasabay ng pagtunog ng mga kubyertos sa pinggan. Ngayon niya lang ulit narinig ang malutong na tawang iyon ni Gracie mula nang pumanaw ang ina nito. The last time she heard her laughing so hard was when they were at her Aunt Tere’s place in Batangas, which she inherited. “Sino’ng kamukha mo? Si mommy o si daddy mo?” tanong ng binata sa bata. “My Mommy Kata,” sagot nito saka uminom ng gatas. “How come you looked like her more than your real mommy?” makalipas ang ilang segundo ay tanong ng binata na tila wala sa loob na sinagot naman ng bata. “Of course, she’s my mommy’s sister. It’s just natural,” balewalang katwiran ng bata. Narinig niyang humalakhak si Nicholo saka iniba ang usapan. “So, do yo

