CHAPTER 1.2

1400 Words
HALOS isang oras nang naghihintay si Katarine sa cottage nila ni Yuri ngunit hindi pa rin bumabalik ang babae. Nauna na itong bumalik sa kaniya kanina dahil masakit daw ang ulo nito ngunit nakapagtatakang hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin nagpapakita ni anino nito. Ilang beses na rin niyang tinawagan ang cellphone nito pero hindi ito sumasagot sa mga tawag at nagrereply sa mga text messages niya. She started to get worried… until she saw a note tucked under Yuri’s pillow beside Yuri’s clothes. Meet me at the entrance of the B-Cottages in front of the beach. I love you, Yuri… - C. Nanlaki ang mga mata niya sa nadiskubre, saka niya panandaliang naalala ang sinabi ni Yuri kanina matapos siyang makeup-an. ‘You should practice putting on makeup, Kata. Paano kapag wala na ako?’ Ipinilig niya ang kaniyang ulo at inalis ang ano mang hakahaka. ‘No. Yuri will not do that,’ kontra ng isang bahagi ng isip niya. Katulad niya, may mataas na pangarap si Yuri. At katulad niya, wala na rin itong pamilyang pupuwedeng tumulong dito kung sakaling umalis ito sa pagbabanda. The band is their bread and butter. Iyon ang unang rason kung bakit panatag ang loob ni Brian na hindi sila magloloko at basta-basta na lang iiwan ang banda. Bagama’t mahigpit si Brian sa kanila pagdating sa pakikipagrelasyon, alam naman nilang maiintindihan sila nito kung sakaling dumating ang panahon na magseryoso sila ni Yuri sa tawag ng pag-ibig. Siguro nga, kung sakaling nakipagtagpo man si Yuri sa lalaking may initial na ‘C’, malamang ito na rin ang sandali na magsabi ito kay Brian. Oo, tama. Mali lang siguro ang pagkakaintindi niya sa sinabi kanina ni Yuri. Marahil, iba ang ibig nitong sabihin. No… Yuri will not leave the band! Nagpakawala siya ng hininga saka ibinalik ang sulat sa ilalim ng unan ni Yuri. Tumayo siya at nagpasyang lumabas. There’s no reason for her to stay in their room since Yuri’s not there anyway. It seems that Yuri is in the arms of a man she likes. Tutal ay nasa B-Cottages din ang cottage na tinutuluyan ni Nicholo, kung sakali mang makita niya ito, siguro ay saka niya ito kakausapin. Bigla siyang kinilig nang maalala si Nicholo. She might as well take that chance to be with him. She’ll enjoy her time with him cuddling, kissing and, well… “Punyemas, nag-iinit ako!” kinikilig na anas niya sa sarili saa kinagat ang pang-ibabang labi para pigilin ang sariling mapairit. Just thinking that she’s spend the whole evening with him, have a nice bottle of wine then a healthy breakfast in bed, makes her heart go ballistic. She made sure that she’ll be unnoticeable while walking the path going to the B-Cottages. Naging malikot din ang mata niya dahil nagbabakasakali siya na baka makita niya sa banda roon si Yuri. Ngunit hanggang sa marating niya ang cottage ni Nicholo ay hindi niya nakita ang kaibigan. Muli pa niyang iginala ang paningin bago nagpasyang buksan ang pintuan ng cottage na inookopa ni Nicholo. Madilim ang kuwarto nang buksan niya ang pinto. Well he likes his room that way whenever he sleeps. He likes it dark as he couldn’t sleep properly with lights on. Minsan na nga niya itong tinawag na Dracula dahil sa habit nitong ganoon. Napangiti siya nang marinig ang paghilik ng lalaki. Ibig sabihin ay malalim na ang tulog nito. Maingat niyang isinara ang pintuan at saka kinapa ang switch ng ilaw sa kanang bahagi ng haligi bago iyon pinindot. Nang kumalat na ang liwanag sa kabuuan ng kuwarto ay awtomatikong nabura ang pagkakangiti niya nang bumulaga sa kaniya ang hindi kaiga-igayang tanawin. Mistula siyang ipinako sa kinatatayuan niya at pakiramdam niya ay umakyat ang dugo sa ulo niya dahil sa gulat, sakit at galit. She clenched her fist and bit her lower lip to supress her cry. But it wasn’t enough. Tila may sariling isip ang mga luha niyang namilibis sa mga mata niya habang nakatitig sa dalawang tao na nasa ibabaw na kama at nababalutan ng puting kumot. They were sleeping on each side of the bed but she’s certain that both of them are naked under those sheets! Tila mas dumoble pa ang sakit na naramdaman niya nang makita kung sino ang babaeng katabi ng nobyo. Pakiramdam niya ay may sumuntok sa dibdib niya at kahit ang lalamunan niya ay tila nawalan nga pakiramdam. Hindi niya namalayan na kusa na lang namilibis ang mga luha mula sa kaniyang mga mata. Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pag-igik. Humugot siya ng dalawang magkasunod na hininga bago pinunasan ang luha sa pisngi niya saka nagpasyang humakbang papasok sa loob ng cottage. Pigil ang paghikbing kinuha niya ang mga naiwanang gamit doon kanina. She tried her best not to make any noise ngunit dahil sa nanginginig niyang mga kamay ay nabitiwan niya ang wallet niya at nadali ang lampshade na lumikha nang malakas na ingay. Napapitlag ang dalawang taong mahimbing na natutulog saka pupungas-pungas na tumingin sa kaniya. “Kata?” tawag ni Nicholo saka nanlaki ang mga mata nang lumipad ang tingin nito sa babaeng katabi na tulad nito’y nanlalaki rin ang mga mata sa gulat. “W-What are you doing here?” bulong nito sa babae bago muling bumaling sa kaniya. “K-Kata, nothing happened… believe me…” agad nitong sambit. Bumilang siya ng sampu para pigilan ang sariling bulyawan ang mga ito. Technically, hindi pa sila nagkakabalikan muli ni Nicholo, so, ano nga pala karapatan niyang magalit? “I-I’m sorry if I woke you up. I’ll be on my way out,” aniya nang hindi hinaharap ang dalawa bago humakbang palabas ng cottage. Mahapdi na ang lalamunan niya dahil sa pagpipigil ng iyak. Hindi niya alam kung mapipigilan pa niya ang sarili niya kung sakaling magtagal pa siya sa harapan ng mga ito. “Wait, Kata!” pigil ni Cole saka alanganing ibinalot ang sarili ng tuwalyang nasa lapag. “I-I don’t know what happened. I didn’t even know na may pumasok sa kuwarto. Believe me, I was knocked out because of that f*cking gin!” paliwanag nito nang abutan siyang papalabas sa may pintuan. Mapait siyang ngumiti saka nanginginig ang mga labing nagsalita habang nananatiling nakatungo. Natunaw ang pagiging matatag at matapang niya dahil sa sakit na nararamdaman ng dibdib niya. “You should have not told me those lies last night. Sana hinayaan mo na lang akong sisihin ang sarili ko kung bakit hindi nag-work out ang relasyon natin,” bulong niya saka suminghot at sinalubong ang tingin ng lalaki na noo’y tila pinagsakluban ng langit at lupa ang hitsura. She smiled while her tears are running down her cheeks and said, “But, hey, don’t worry, at least I gotta keep my dream, right?” Inalis niya ang pagkakahawak ng lalaki sa kamay niya at walang-lingon na lumabas ng cottage nito at patakbong umalis. Habang naglalakad ay walang habas ang pagtulo ng luha niya. Muntik pa siyang madapa dahil sa panlalabo ng mata sanhi ng luha. Nicholo tried to run after her but she was too quick to hide. Makaraan ang ilang sandali ay lumabas na siya sa pinagtataguang kumpol ng bangka nang masiguradong wala na ang lalaki sa paligid. Her heart is broken, this time, hindi siya ang may kagustuhan. Sobrang sakit pala. Parang unti-unting dinudurog ang puso niya. Kusa siyang dinala ng mga paa niya sa dalampasigan. Hinayaan niyang halikan ng bawat alon ang mga paa niya na para bang sa pamamagitan noon ay maglalaho ang sakit na nadarama niya. Hungkag ang isip niya nang mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung ano ang dapat isipin. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Mas masakit ito kaysa noong siya ang nang-iwan. Mas masakit dahil of all people, bakit si Yuri pa? Bakit ang matalik na kaibigan pa niya ang nang-gago sa kaniya? Muli niyang pinahid ang luha sa pisngi niya saka patuyang nagsalita. “’Tang*a n’yong dalawa! Magsama kayong dalawa sa impyerno!” galit na galita na bulalas niya saka sumigaw sa paharap sa karagatan na tila ba nagsusumbong at nagsusumamo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD