NAGMAMADALING umakyat sa itaas si Katarine at saka ini-lock ang pintuan ng kuwarto nila ni Gracie bago siya nagkulong sa loob ng banyo. Nananakit ang lalamunan niya habang halos magdugo naman ang pang-ibabang labi niya nang sumandal siya sa likod ng pinto at saka nagpadausdos doon. Noon niya hinayaang malayang humalik ang mga luha sa pisngi niya. Noon niya hinayaan ang sariling humalagpos sa sakit na nararamdaman niya mula sa sinabi kanina ni Nicholo. Sobrang sakit ng puso niya ngayon. Sobrang sama ng nararamdaman niya sa dibdib niya na para bang paulit-ulit na tinutundo at pinapatakan ng kalamansi ang bawat himaymay ng puso niya. Noon na siya nagsimulang humagulgol. Nagtaas-baba ang balikat niya dahil sa kaniyang pag-iyak na kusa nang humulagpos. Alam naman niyang wala siyang karapata

