“GRACIE?” nakakunot-noong tawag ni Katarine sa pamangkin na naabutan nila ni Tony na nakatitig kay Nicholo pagkuwa’y yumakap sa lalaki. “Anong nangyari sa kaniya?” baling niya kay Nicholo. Hindi gumalaw ang bata bagkos ay mas humigpit pa ang yakap kay Nicholo habang ang binata naman ay parang walang narinig at ipinagpatuloy lang ang pag-aalo sa bata na noon ay tila ba impit na umiiyak. “Gracie—” tatanggalin sana niya ang pagkakayakap ng bata sa lalaki nang pigilan siya ni Tony. “Let her be,” bulong ng lalaki saka siya hinawakan sa kamay. “Halika muna sa loob,” yakag nito. “We need to talk.” Mahina ngunit naroon ang bigat ng tinig ni Nicholo bago pa sila makahakbang paalis. Ibinaba nito ang bata saka hinaplos ang buhok. Muli siyang humarap sa mga ito. Sa pagkakataong iyon ay nakita niy

