HABANG naroon sila sa Batangas ay himalang lumakas si Marjorie. Kahit pa nga may oxygen palagi ang ilong ay maayos at hindi ito nahihirapang magsalita. Pangatlong araw na nila sa bahay na ipinamana ng kanilang Aunt Tere sa kaniya. Malamig ang simoy ng hangin sa labas at malalim na rin ang gabi. Mahimbing nang natutulog si Gracie sa kuwartong inookopa ni Marjorie sa ibaba ng bahay. Naroon sila sa porch, paharap sa front garden na kahit walang ilaw sa poste ay maliwanag pa rin dahil sa liwanag ng bilog na buwan. Kakainom lang nito ng gamot habang prenteng nakaupo sa silyang de gulong, siya naman ay sumisimsim ng kapeng barako habang nakaupo sa baitang ng hagdan. Tumikhim ito saka lumingon sa kaniya. Nakangiti nitong kinapa ang isang bagay na nasa bulsa nito saka iyon inilabas. “I should

