PAGKATAPOS magkuwento ni Marjorie ay marahan itong umubo saka makailang beses na bumuntong-hininga nang malalim. Agad siyang umahon mula sa duyan at hinimas ang likod nito. “Magpahinga ka na,” aniya. Umiling ito saka hinawakan ang braso niya nang akmang liligoy siya sa likod ng wheelchair nito. “A-About w-what happened t-that night… with C-Cole—” “Stop! Pagod ka na. Kalimutan mo na ‘yon. Magpahinga ka na!” saway niya saka pumuwesto sa likod ng wheelchair nito. “Y-You should k-know t-that—” “Tama na! Save your breath for something better. Say goodnight to Gracie, perhaps,” pagputol niya sa sinasabi nito saka tuluyang itinulak ang wheelchair papasok ng bahay. Hindi na kumibo pa si Marjorie. Pagkaalalay niya rito para humiga sa kama ay mabilis siyang lumabas at nagtungo ng kusina para

