"NANDITO na ako, nasaan ka na ba?" iritadong tanong ni Nicholo nang makausap ang kaibigan. Halos ilang taon din silang hindi nagkita dahil na-assign ito sa investigation unit ng Philippine National Police habang siya naman ay na-assign bilang sniper sa Elite Forces ng Marines. "Malapit na. Just stay where you are. Nakita na kita," anang kausap niya. "Sige," tugon niya habang nakatayo sa waiting shed kung saan niya sinabi sa kaibigan na maghihintay siya. Isang linggo na lang bago siya bumalik sa duty dahil muli na naman siyang na-assign sa Mindanao. Ito na ang huling duty niya bilang Elite Forces bago siya lilipat sa SWAT Team and that is something he wants to celebrate with his one of the closest friend in the police force. "Stealth!" Mula sa itim na van ay lumabas tawag sa kaniya ng

