NANUOT ang lamig sa kuwarto ni Katarine na dala ng sariwang simoy ng hangin na pumapasok mula sa nakabukas na bintana. Tumayo si Katarine at naglakad papunta sa may bintana para isarado iyon nang masigurado niyang mahimbing nang natutulog si Gracie. Subalit ilang hakbang na lamang ang layo niya sa bintana ay bigla siyang napatigil sa paglalakad pagkarinig niya sa boses ni Nicholo na tila ba may kausap sa telepono. Nang malaman niyang si Tony ang kausap ng binata ay pumunta siya sa may gilid ng bintana para sana makinig sa pag-aakalang may kinalaman sa kaso nila ang pag-uusapan ng mga ito. Pero iyon ang malaking pagkakamali niya. She shouldn't have listened if she knew that it will just break her heart into pieces. "S-She's pregnant?" tanong ni Nicholo kay Tony. He sounded surprised and

