PADASKIL na sinipa ni Nicholo ang swivel chair na kinauupuan ng kaibigang si Tony habang ang huli ay may kung ano namang tina-type sa computer. “What the hell, Stealth!” asar kaagad na angal nito nang umikot ang kinauupuan nito paharap sa kaniya. Pinaningkitan niya ito ng mata bago nagsalita. “Umamin ka nga. Tinawagan mo ang nanay ko, ‘no?” usig niya rito at saka niya pinagkrus ang mga kamay niya sa harap ng kaniyang dibdib. Lalo pa siyang nabuwisit nang mag-smirk ito at saka umiwas ng tingin sa kaniya bago muling umayos ng upo at humarap sa computer patalikod sa kaniya. “Hindi, ah,” tanggi nito saka ipinagpatuloy ang ginagawa. “You’re a bad liar. Paano ka ba naging detective?” pang-aasar niya rito bago umupo sa katabing swivel chair katapat ng CCTV monitors. “Look who’s talking!” ba

