SA SUMUNOD na dalawang araw na pananatili sa mansyon, sinadya ni Nicholo na igugol sa pagtulog ang buong maghapon niya at pakikipaglaro naman kay Gracie pagsapit ng ala-singko ng hapon bago siya mag-duty ng alas-siete ng gabi. Dinadalhan na lang din siya ng hapunan ni Tony pagkatapos nitong maghapunan at idinahilan lang niya rito na ayaw niyang walang mag-monitor sa CCTV, bagay na crucial naman talaga sa mga sandaling iyon dahil nasa monitoring stage pa lang sila ng security system sa mansyon. Napagkasunduan din kasi nila ni Tony na siya ang magdyu-duty sa gabi at ito naman ang sa umaga. Tutal, alam niya namang sa pagpayag niyang iyon, dalawa ang napasaya niya… si Tony na halatang gustong magpakitang-gilas sa ex-girlfriend niya at siyempre, si Katarine na nagpauna nang nagsabi na ayaw na

