PASADO ala-una na ng hapon nang makatanggap ng tawag si Nicholo mula kay Tony na noon ay nasa police station. Patulog pa lang sana siya habang nirerelyebuhan siya ni Cabrel, ang may katandaan nang pulis na idinagdag para sa pagbabantay sa mansyon. Si Jimenez naman ang siyang nakatoka sa control room. Kunot-noo siyang napatigil ng paglalatag ng hihigaan niya sa lapag saka sinagot ang tawag ng kaibigan. Marahan siyang tumayo at maingat na pumunta ng banyo para maiwasang magising mula sa mahimbing na pagtulog sa kama sina Garcia at Lawin. "May balita na ba?" bungad-tanong niya kay Tony. “Working on it. But, Stealth, make sure na walang aalis diyan. We need to get everybody’s fingerprints,” bungad ni Tony sa kaniya. Napadiretso siya ng upo at napakunot-noo sa sinabi nito. “What for? ‘Di

