DUMAAN muna si Nicholo sa control room at naabutan niya roon si Tony na kasalukuyang may inire-record na clip mula sa isa sa mga CCTV monitors. “I’ll bring this to the station today. Ngayon din makukuha ‘yong CCTV camera ng school at ng shop sa tabi ng school,” wika ng binata hindi pa man siya nagtatanong. “May nakakaalam na ba sa mga tagarito na alam na natin ang tungkol doon sa nakita n’yo kagabi?” usisa niya sa kaibigan saka nagbukas ng bote ng mineral water at inisang lagok ang laman noon. “Hindi ka naman uhaw niyan,” sarkastikong komento ni Tony sa kaniya saka muling ibinaling ang atensyon sa ginagawa. “Don’t worry, walang nakakita sa amin kagabi. We left the place as it is.” “Good,” tugon niya saka nagpakawala ng hininga. “Kumain ka na?” Humakbang siya papalapit sa mga monitor s

