“HE—” Hindi na pinatapos pa ni Katarine sa pagsagot ang nasa kabilang linya. Sa nanginginig na boses ay pinutol niya ang pagsagot nito. “C-Come back, Cole. Come back!” anas niya habang titig na titig kay Gracie na noon ay alam niyang pinapalakas lamang ang loob at nagpupumilit na maging matapang. “Brains, we need to go back,” utos kaagad ni Nicholo kay Tony bago muli siyang kinausap, “Tell me. Ano’ng nangyari?” “J-Just come back!” mariing sambit niya bago nagtangkang humakbang papasok sa loob ng kuwarto. “Okay, okay. We’re on our way,” anito saka bumaling kay Tony, “Step on it, Brains!” sigaw nito. “Kasama mo ba si Gracie?” usisa nito ngunit wala na siyang lakas para sagutin pa ang tanong nito. Ang lahat ng atensyon niya ay nasa pamangkin niya lang. Pinatay na niya ang telepono saka hu

