PAGKATAPOS masiguradong clear na ang vicinity ay muling pumasok sa loob ng guest room si Nicholo. Naroon pa rin sa labas ng bedroom sina Katarine at Gracie at nanonood ng isang Disney movie. Nakaupo si Katarine sa pandalawahang sofa habang nakaunan sa hita nito si Gracie. Umupo siya sa one-seater sofa at pinagmasdan ang dalawa habang hinahagod ni Katarine ang buhok ng bata. Kung titingnan ang dalawa, aakalain ng hindi nakakakilala rito na mag-ina talaga ang mga ito. Kung hindi nga niya nabasa ang files ng mga ito ay aakalain niyang ang dating nobya talaga ang ina ni Gracie. It has been ages since the last time he saw Katarine. He already moved on kahit pa nga sobra siyang nahirapan dahil labis niyang minahal noon ang dalaga. Itinuon niya ang lahat sa pagte-training ang atensyon niya at w

