ANG buong akala ni Nicholo ay nagkamali lang siya ng dinig sa sinabi ni Katarine. Ngunit halos umikot ang mundo niya nang kumpirmahin ng dating kasintahan na hindi siya nagkamali ng dinig. Na siya nga raw talaga ang ama ni Gracie. “How come?” Iyon ang tanong na mahina niyang naiusal sa sarili niya na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Katarine. “Well..." She let go a sigh then continued,"... you had s*x with Yuri, that’s why,” nang-uuyam na sagot nito habang tiim-bagang na nakatitig sa kaniya at nakahalukipkip. “Don’t worry, she doesn’t have to know that you’re his father dahil hindi ka niya kilala. Si Charles lang ang bukod-tanging ama niya na alam niya and I wanted to keep it that way. You could go ahead with your life as if wala kang nalaman ngayon—” “Kata!” singit ni Dylan na hin

