SARI-SARING emosyon ang naramdaman ni Katarine sa sandaling masigurado niyang naroon talaga si Nicholo sa loob ng kuwarto ng hotel na inookopa niya… na hindi siya namamalikmata lamang. Sa sang iglap, ang gulat na una niyang naramdaman ay hinalinhan kaagad ng suklam, pagkabuwisit… at saya? At kahit pa nga itago niya sa harap nito, hindi naman niya maaaring ikaila sa sarili na may kaakibat na mumunting saya sa puso niya ang pagkakitang muli sa lalaking dating naging bahagi ng nakaraan niya. “Magkakilala kayo?” maang na tanong ni Dylan na makailang beses na pinagsalit-salit ang tingin sa kanila ni Nicholo. Tumikhim ang dati niyang kasintahan at saka umiwas ng tingin sa kaniya. Tila ba hindi natagalan ang apoy na gustong kumawala sa mata niya. “Ahm—” Ngunit naudlot ang sasabihin sana nito n

