CHAPTER 3.2

1194 Words
NAPAGAWI ang tingin nila sa pintuan nang tatlong beses na kumatok si Lloyd bago pumasok sa silid para ibigay ang order nila. Kaagad din itong umalis, nang mabatid nitong seryoso at confidential ang usapan nila ni Dylan. “A-Ano’ng nangyari kay Yuri?” bagama’t pinairal niya ang pagmamatigas ay naroon pa rin ang kagustuhang malaman ang nangyari dito. “She’s been sick for quite a while, but after she had an accident at home, her health deteriorated,” he replied without elaborating further more. Huminga siya nang malalim saka kinagat ang pang-ibabang labi. Bahagyang sumilay ang luhang namuo sa mata niya na kaagad niyang pinalis. Muli niyang isinaisip ang pagtataksil na ginawa nito at ng dating nobyo sa kaniya. “I’ve got nothing to do with her.” Umiwas siya ng tingin dito. “Read these and I will explain to you the contents in detail,” pahayag nito. “Sinabi ko na sa iyong wala akong pakialam sa kaniya. Naging kaibigan ko siya pero dati iyon. Puwede ba, huwag mo akong kunsensyahin!” Tila hinahalukay ang dibdib niya sa pagkakataong iyon. She’s mad. She’s angry… pero bakit sa kabila noon ay may awa pa rin siyang nararamdaman nang malamang may sakit si Yuri? Gusto niyang ibuhos lahat ng galit sa kaharap na abogado ngunit ayaw niyang ipagkalat kahit na kanino ang pagkamuhing ikinimkim niya sa dating kaibigan at dating nobyo. “Hindi kita kinukunsensya, Katarine. I’m just a lawyer and it’s my responsibility to accomplish what my clients are requesting. And I am just telling you the fact that my client is dying and that her only wish is to speak with you before her last breath,” pahayag ni Attorney Dylan na naghatid ng kagyat ng kirot sa dibdib niya. Hindi siya kaagad nakapagsalita. Pakiramdam niya kasi ay nanunuyo ang lalamunan niya sa pagpipigil sa sariling mapabunghalit ng iyak. Ikinuyom niya ang kamay niya na nakapatong sa hita niya. Para bang doon niya ibinuhos ang pagpupuyos ng dibdib niya. She’s torn… between hate and love towards the closest friend she had. “Uminom ka muna ng tubig, Katarine,” nakikisimpatyang bulong ng abogado saka inilagay sa tapat niya ang isang baso ng tubig na kasamang ibinigay ni Lloyd kanina. Humugot siya nang isa pang malalim na hininga saka uminom ng tubig. Kahit paano ay gumaan nang kaunti ang bigat ng dibdib niya. Ilang sandali pa ay inisa-isa niya nang basahin ang mga dokumento na nasa harap niya. Maraming legal terms na naroon ngunit karamihan ay naintindihan naman niya. Sa pagkakaintindi niya ay iyon ang huling testamento ni Yuri kung sakaling papanaw ito. “Buhay pa siya, ‘di ba? Bakit ipinapabasa mo na ito sa akin?” May himig ng disgusto sa boses niya. “It was her decision. She changed her last will of testament after she discovered that she’s dying. While writing the will, she told me that she wanted you to know all the conditions of the will while she’s still alive,” paliwanag ng abogado. Napalunok siya sa narinig. Nanginginig ang kamay niya habang tangan ang dokumento at saka ipinagpatuloy ang pagbabasa. Para siyang itinukod sa kinauupuan niya nang mabasa ang ikatlong habilin na nakasaad sa testamento. Muli niya itong binasa saka kunot-noong bumaling kay Dylan at nagtanong, “Sino si Gracie?” “Anak ni Marjorie,” mabilis na sagot nito. “She has a child?” nanlalaki ang matang tanong niya. Tumango ito. Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa sa dokumento saka nahagip ng atensyon niya ika-tatlo at ika-apat na mga pangungusap. ‘3. Si Gracie Mae Lopez del Valle ang magiging tanging tagapagmana ng lahat ng mana na natanggap ko mula sa yumao kong asawa na si Charles Juan del Valle, maging ng lahat ng mga maiiwang ari-arian ko bilang tagapangasiwa ng Yuri-Gracie (YG) Enterprises, Yuri-Gracie (YG) Fashion at Lopez del Valle (LdV) Manufacturing. 4. Ang pamana at responsibilidad na maiiwan kay Gracie Mae Lopez del Valle ay pansamantalang pangangasiwaan ni Katarine Salvador hanggang sumapit ang ika-dalawampu at isang taong kaarawan ni Gracie Mae Lopez del Valle.’ Umiling siya saka kunot-noong bumaling sa abogado. “It’s been more or less six years since the last time I saw her. Bakit sa akin niya kailangang ibigay ang responsibilidad sa anak niya? I’m sorry pero look at me… sarili ko nga, hirap na hirap na akong alagaan, bata pa kaya? Saka ilang taon na ba ‘yong bata? Baka pasusuhin pa ‘yon—” “Gracie is such as sweetheart. Gracie is five years old. Marjorie had her before she married Charles,” putol nito sa sinasabi niya. Awtomatik na nagkalkula ang utak niya. Biglang tila nagdilim ang paningin niya pagkarinig sa sinabi ng abogado. “‘Tang*na! So, does she expect me to babysit the child she had with my ex! Baliw ba siya?” Biglang tumaas ang boses niya at namula ang mukha niya sa konklusyon na iyon. “Katarine, calm down…” pakiusap ng abogado sa kaniya na parang nagulat sa sinabi niya. It seems like he doesn’t know what his client did to her! “Kalma? I’m sorry, attorney. Matagal ko nang kinalimutan ang mga taong nagtraydor sa akin at isa si Yuri sa mga iyon. Kung alam mo lang siguro ang ginawa niya sa akin, siguro pati ikaw ituturing mo na siyang patay matagal na!” suklam na suklam na wika niya. “But, Katarine, you’re the only family she has—” She chuckled out of disbelief. “Family? ‘Tang*na, attorney. Hindi kami magkaano-ano ni Yuri!” nagbuga siya ng hangin saka mapaklang tumawa. Hanggang ngayon pala ay naroon pa rin ang sakit ng nakaraan. Ayaw sana niyang isumbat iyon sa abogado lalo at pribadong buhay nila iyon ni Yuri, ngunit iyon lang siguro ang magagawa niya para maintindihan nito ang galit niya sa kliyente nito. “Alam mo bang tinalo ng kliyente mo ang ex ko? I found them naked in one bed! Tapos ngayon, gusto niya ako ang mag-alaga sa anak niya? Nababaliw na yata siya!” She was fuming with anger. Kung kanina ay awa ang nararamdaman niya, ngayon ay tila kidlat na bumalik ang suklam niya para dito. Apparently, nagkabunga pala ang pagse-s*x ng dalawa hinayupak! “I don’t know what happened between you and Marjorie, Katarine. But you should hear me out,” kalmadong pahayag ng abogado. Iwinaksi niya ang kamay nitong humawak sa braso niya saka patuyang nagsalita. “Hindi ako interesado. Kalimutan mo na lang na natagpuan mo ako. Puwede ba, huwag na niyang guluhin ulit ang buhay ko! Nananahimik na ako, attorney at wala akong balak na sumabak sa magulong buhay niya!” galit niyang pagtanggi saka tumayo at naghandang lumabas ng kuwarto. Bubuksan na sana niya ang pinto nang muli itong magsalita. “Marjorie was poisoned all through the years that she’s in the mansion… and she’s afraid that once she dies, Gracie will end up dead in a matter of one to two years. Nobody knew about it but me. She kept it a secret because she was scared that whoever wanted her dead will also harm Gracie,” mahina ngunit sapat na iyon para haplusin ang matigas na puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD