HERE we are,” nakangising wika ni Kata pagkatigil nila sa isang two storey building na hindi kalayuan sa pinanggalingan nilang Infinite Music Lounge.
Kumunot ang noo ni Attorney Dylan saka binasa ang pangalan ng establishment.
“Tats My Heart Café?” patanong na basa nito.
“Tara,” yakag niya saka mabilis na pumasok sa pintuang salamin ng café.
Alanganin itong sumunod sa kaniya.
Nagsipaglingunan ang tatlong tao na nasa may reception area nang tumunog ang bell na nakakabit sa pintuan. Sumilay ang ngiti ng mga ito nang mapagsino siya nang humakbang siya papalapit sa mga ito kasunod si Dylan na napalunok nang tumambad dito ang madilim at mausok na paligid na sinabayan pa ng nakakasakit sa ulo na metal music na pumapailanlang sa buong establishment.
“Kata!” sabay-sabay na bati ng tatlong lalaki. They did the secret handshake then laughed all together.
“Aba, Kata,” anas ni Jay, ang pinakamalaking bulas sa tatlo at siyang in-charge sa reception. Lumapit ito sa kaniya habang nakatingin sa nasa likuran niyang abogado. “Syota mo?” bulong nito. Ang kaso, sa laki ng boses nito ay napalingon si Dylan at kumpirmadong narinig nito ang sinabi ni Jay.
Agad niyang siniko ang malaking lalaki saka ito pinandilatan.
“May bakante bang kuwarto?” tanong niya pagngisi ni Jay.
“Kuwarto? Agad?” naniniguradong ulit naman ni Elmer, ang pinakabata sa tatlo na nasa mismong likod ng reception counter.
“Oo!” Pinandilatan din niya ito saka binantaan sa pamamagitan ng tingin at pagkagat sa ibabang labi niya.
Kinuha ni Lloyd mula rito ang notebook saka tiningnan kung may available pang kuwarto. Sa tatlo, ito ang halos kasing-edarin niya. Matanda lang siya rito ng ilang buwan. Tahimik rin ang lalaki hindi katulad ng dalawa nitong kasama na naturingang mga lalaki, daig pa si Boy Abunda sa pagiging tsismoso.
“Sa beinte-quatro, Kata,” ani Lloyd bago tumalikod at kinuha mula sa key box ang susi ng naturang kuwarto. “Ako na ang maghahatid sa inyo,” patuloy nito bago ibinalik kay Elmer ang notebook pagkapirma niya.
Muli niyang nilingon sina Jay at Elmer bago sinenyasan ang mga ito ng ’I’m watching you!’ saka niya ikinuyom ang kamao na ikinatawa ng dalawa.
Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ni Dylan nang hawiin ni Lloyd ang kurtinang pumapagitan sa reception area at sa hallway papunta sa mga kuwarto at main bar & restaurant. Taliwas sa reception area, maliwanag ang pasilyo na tinatahak nila kung saan napapalamutian ang red and black walls ng sari-saring poster ng mga tattooed and pierced models.
Muntik nang mapatalon sa gulat ang abogado nang biglang may sumigaw at umaringkingking sa sakit mula sa isang kuwartong dinaraanan nila.
“Sh*t!” bulalas nito saka mas lumapit sa kaniya.
Impit siyang napangiti sa tinuran nito.
“Don’t worry, baguhan lang yata ‘yon kaya sumigaw,” aniya bilang pag-comfort sa lalaki.
Napadako ang tingin niya kay Lloyd na wala man lang reaksyon sa nangyari. Poker face pa rin ito as always.
Hindi pa man nila nararating ang room twenty four ay ilang sigaw at iyak ang pumailanlang sa hallways ng café na lalong nagpakaba sa batang abogado.
“Are you sure we’re safe here?” bulong nito sa kaniya pagkarinig sa malakas na hiyaw ng isang lalaki bago nila narinig ang kalabugan sa room twenty.
Hindi siya sumagot. Gustong-gusto na niyang umiyak sa pagpigil ng tawa ngunit pinigilan niya ang sarili. Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad hanggang sa tumigil si Lloyd at humarap sa kanila.
“Here’s your room for tonight,” ani Lloyd saka binuksan ang kuwarto. “The menu is inside, tumawag lang kayo sa—”
“Hoy, Lloyd, bakit ba masyado kang pormal?” putol niya sa sinasabi ng lalaki habang papasok sila sa loob ng kuwarto bago bumaling kay Dylan. “Light o hard?”
“Ah, orange juice lang. Magda-drive pa kasi ako, eh,” tanggi ng abogado.
“Isang orange juice saka ‘yong usual,” baling niya kay Lloyd.
Tumango lang ito saka tumalikod at humakbang palayo.
“Have a seat, attorney,” anyaya niya sa lalaki.
Binuksan niya ang ilaw at tumambad sa kanila ang kabuuan ng kuwarto.
Maliit lang ang silid. Sadyang kasya lang ang dalawang two-seater sofa na pinagigitnaan ng isang dining table kung saan mayroong menu na nakapaskil sa katapat na haligi at ang single bed na nasa pinakaloob ng kuwarto. Sa bandang tabi noon ay isang may kataasang lamesa kung saan may nakapatong na spotlight type na lampshade. Sa tapat na haligi ng lamesa ay nakapaskil naman ang larawan ng isang babae at isang lalaki na pawang nabibihisan ng tattoo at piercing sa iba’t ibang bahagi ng mukha at katawan.
“What is this place?” curious na tanong ni Dylan matapos igala ang mata sa kabuuan ng silid. Nakaupo na ito sa kabilang sofa katapat niya.
“Café,” pakli niya saka itinaas ang isang paa niya sa sofa at idinantay ang braso sa tuhod niya.
“Yeah, I know, pero—”
“So, anong pag-uusapan natin?” putol niya rito saka siya umayos ng upo at sumandal sa sofa na parang nasa bahay lang siya.
Tumikhim ito saka bumuntong-hininga.
“I’m here on behalf of Marjorie Lopez-del Valle,” pasimula nito.
Kaagad na kumunot ang noo niya pagkarinig pa lamang sa pangalan ng dating kabanda at malapit na kaibigan.
‘Del Valle?’ tanong ng isip niya. Sa makatuwid ay hindi ang dati niyang kasintahang si Cole ang napangasawa nito?
Mahigit-kumulang anim na taon na ang nakakaraan nang mawala itong parang bula matapos ang Valentines Day Concert ng banda nila sa Isla Amihan. Ang araw kung kailan nahuli niyang magkatabi sa kama ang dalawang pinakamahalagang tao sa buhay niya.
Umayos siya ng upo, ibinaba ang paa sa sahig saka pigil ang galit na ipinatong ang mga braso sa hita niya at matamang tumitig sa kaharap.
“Wala akong kilalang ganyan ang pangalan,” matigas na wika niya. Her eyes are full of hatred.
Malalim na hininga ang pinakawalan nito habang seryosong nakatitig din sa kaniya. Malungkot ang mga mata nito at tila ba nag-aalinlangan na magsalita.
“Look, attorney. Lumalalim na ang gabi at pagod ako. Kung wala ka nang iba pang sasabihin, mas maigi sigurong umalis na tayo. I’ll tell them na to go na lang ang in-order natin—”
“She’s in critical situation now, Katarine and she asked me to tell you that she wanted to see you before she dies,” tila may bikig sa lalamunang putol nito sa sinasabi niya.
Suddenly, she couldn’t hear anything around them. Pakiramdam niya ay pansamantala siyang natulig sa narinig. Nanlamig ang buong katawan niya nang mag-sink in ang sinabi ng abogado. Her guts tells her that it’s positive, yet, there’s a part of her that doesn’t want to believe the lawyer.
“Don’t make up stories just to get my attention, attorney,” malamig niyang sambit hoping that her guts is wrong.
Umiling ang batang abogado saka malungkot na nagsalita.
“How I hope that’s the case… but unfortunately, totoong may sakit siya. Bago siya ma-comatose, she wrote your name and the address of the lounge where you play. She hired a private investigator to find you…” anito saka inilabas ang isang brown envelope mula sa bag na bitbit nito.