Chapter Two

2752 Words
Chapter Two Maurene Maureen so ang alam na ng mga tauhan namin sa bahay ay tamad ako,tanghali na bumangon at walang alam na gawing trabaho. Kababakasyon ko pa lang ay ganito na ang aking naririnig. Hindi ba pwedeng nagmu-move on pa ako sa work kaya minsan ay tanghali na ako gumising at bumangon. Napaka judgmental naman ng mga tao sa bahay lalong lalo na ang mga tauhan namin na hindi pa ako masyadong kilala. Mas lalo pang nakaka imbyerna ang narinig ko mula kay Nathan. Kaya naman gusto kong gumanti. Nagpakilala ako kanina bilang si Marie na isang secretary ni Ma'am Rosa ang aking ina. And so nang marinig ko na nasa baba siya kasama si mama ay bumaba rin ako mula sa aking kwarto. Tingnan lang natin kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako at kung ano ang una niyang gagawin kapag nalaman niya ako ang anak nang amo niya. Nakita ko namang gulat na gulat siya. well pinagtaasan ko lang siya ng kilay at nakangiti akong nakatingin sa kanya. Yun bang ngiti na may halong paghihiganti. matapos kong malaman ang lahat ng kanilang mga iniisip tungkol sa akin ay mas gusto ko nalang magmaldita kaysa magpantasya sa kanya. Sayang naman ang suot niya, naaakit pa man din ako sa mga guys na hindi masyadong nag eeffort sa kanilang pananamit at sa mga guys na hindi gaanong maskulado pero hot pa rin tingnan. " Anak nyo po?" gulat niyang tanong. "Oo. Si Maurene," pagpapakilala ni mama sa akin. "Maurene, anak siya yung sinasabi ko sayo ng nag-aayos ng mga halaman natin," "Ah talaga ba ma?" tumaas pa ang aking kilay at sarkastikong tumingin sa kanya sa mga mata saka ako humalukipkip sa gilid ng hagdanan at sumandal pa dito. I am sure pinagsisisihan niya lahat ng sinabi niya sa akin kanina and I am sure very sure actually na gusto niya ng lumabas ng bahay o kaya ay mag-resign na lang dahil sa mga sinabi niya sa akin kanina. "Ma magaling ba siya," tanong ko habang nakatingin pa rin sa kanya at hindi nagpapatinag dahil tila ba unti-unti ay nakakabawi na siya mula sa pagkakapahiya. " Naku anak kung sa pag hahalaman lang at pagaayos ng ating garden pati narin sa pagdidilig ng mga ito ay maaasahan talaga si Nathan hindi niya ako binigo dahil kahit ilang palit na sa disenyo ang ating garden ay nakukuha niya pa rin ang disenyo ng gusto ko kaya naman special siya sa family natin," aba at ipinagmalaki pa siya ng aking ina. "Ma may request lang ako since related sa agriculture ang tinapos ko, what if magevaluate ako sa kanilang mga gawain just to make sure na tama ang kanilang mga processed at ang kanilang pag-aalaga sa ating mga halaman. Sayang naman ang ating mga materyales at mga binibiling flowering plants kung hindi lang naman sila na alagaan ng tama at sapat. Hindi po ba?" "Maayos naman silang magtrabaho anak Hindi naman sila nagtatago sa akin ng mga materyales kung minsang may nasisira o kaya naman mga halamang namamatay," pagtatanggol pa ni mama. Mukhang kuhang-kuha niya ang loob ng aking mga magulang. Sabagay mukhang pati ako ay makukuha niya rin ang loob ko pero hindi pa rin matanggal sa aking isipan ang kanyang mga sinabi kanina. Siguro makakabawi lang siya sa akin kung nasa-satisfy niya ang aking gustong mangyari. Ano nga ba ang gusto kong mangyari? Gusto ko lang naman siyang makilala ng lubusan. Katulad ng kung may girlfriend na ba siya; kung may niligawan ba; kung virgin pa ba siya; at kung may balak siyang ligawan ako kung malaman niyang magugustuhan ko siya. For your information, hindi naman ako nagpapaligaw. Hindi rin naman ako easy to get pero may mga pagkakataon talaga na kapag may natipuhan ako ay hindi ko mapigilang kiligin ma-fall and siyempre gumawa ng paraan para mapansin at maghabol. Kapansin-pansin ang kanyang pagkairita sa akin, umiiwas siya sa aking mga tingin, napakamot siya sa kanyang batok pero hindi naman nakakunot ang kanyang noo. "Just to make sure lang ang ma bukas na bukas titingnan ko kung paano nila trabahuhin ang ating garden para naman may magawa ako sa bahay na ito at hindi lang matulog at late gumising ang aking nagagawa. Hindi ba Nathan?" sarkastiko kong wika. "Wala namang kumagat sa oras ng paggising at pagtulog mo anak," wika ni mama. "Just saying lang naman ma baka kasi isipin ng ating mga trabahador natamad ako at walang alam na gawin sa bahay," tiningnan ko pa si mama bago ako tumingin ulit kay Nathan na ngayon ay straight body ng nakatingin lang sa akin. "Ma'am mukhang mas makatutulong po yung anak ninyo siguro po mas okay kung titingnan niya kung paano kami magtrabaho bukas para naman po walang question sa kung paano namin alagaan ang inyong garden," nakikipaglaban siya ng titigan sa akin na para bang gusto niyang matinag ako at nalusaw sa aking kinatatayuan. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa totoo lang ay pinagsisisihan ko na ang pagtataray ko dahil ngayon palang tila ba ang kanyang mga titig ay pumapasok sa kaloob-looban ng aking katawan. Mula sa aking mga mata hinahalukay nitong aking pagkatao na nakalilikha ng kakaibang kiliti sa aking p********e. Shocks ina-eye niya ako. He has this aura na kapag tumitig siya ay para bang mas gusto mo na lang lumapit sa kanya at magpakulong sa kanyang mga bisig. yung mga bisig niya na para bang kapag nakulong ka doon ay gusto mo ng doon na lang tumira. Gusto kong mag donate ng mga ripped jeans at lumang sando para naman sa araw-araw na magtatrabaho siya ay ganito na lang ang kanyang aura. Sobrang bagay niya kasi ang pagsusuot nito. Matangkad siya medyo moreno medyo may kaunting bahid ng bilbil sa katawan pero flat naman ang tiyan. Perfectly sexy lang para sa akin. Natauhan naman ako bigla nang marealize kong kinakalaban niya pala ako mula sa kanyang mga sinabi kanina. "Sige ma bukas na bukas ay gigising ako ng maaga para naman makapag evaluate ako ng kanilang trabaho. Try ko na ring tumulong kung may maitutulong ako," sabi ko pa pagkatapos kong umiwas sa kanya. "Sige anak ikaw ang bahala nandiyan naman si Nathan. Tutulungan ka niya sa pasikot-sikot sa ating bakuran. Alam ko namang matagal mo na ring hindi masyadong nalilibot ang bahay at hindi ka madalas lumabas sa kwarto mo," tila ba sumasang ayon pa si mama sa mga sinabi ng mga trabahador sa akin kanina. Nakakainis napaghahalataan yata ako. "Sige ma paghahandaan ko ang kinabukasan na yan. Bukas na bukas din ay mag ta transform ako into sexy hardinera. Oops sorry sexy na pala ako dati pa. Correct ba ma?" hinawi ko pa ang buhok ko upang maipakita ang kaunting parte ng aking dibdib. Nakasuot kasi ako ng black na sando at maong short shorts dahil nag bihis ako mula kaninang pag-akyat ko sa taas. "Sige po Ma'am labas po muna ako at baka po nakaluto na yung mga kasamahan ko ng tanghalian," baling niya kay mama bago tumingin ulit sa akin. "Naku iho dito ka na magtanghalian tapos na rin kaming kumain ng sir Emilio mo at tanging si Maurene na lang ang hindi pa kumakain. kaya naman sabayan mo na lang siya para makakain din siya at ako ay magpapahinga muna sa itaas," uwi ka ni Mama habang kinukuha ang papel na naglalaman ng disenyo mula kay Nathan at saka naglakad papuntang kusina upang sabihan si Melissa na maganda ng tanghalian para sa aming dalawa ni Nathan. "Melissa iha hindi kami kakain ng sir Emilio mo dahil kumain na kami sa labas kanina ipaghain mo na lang ang ate Maurene mo pati na rin si Nathan. Sabayan muna silang kumain ng tanghalian," utos ni mama kay Melissa na nasa kusina. Nakita ko namang nagkakamot lang ng batok ang binata sa may sala at tila ba iniisip na wala na siyang magagawa dahil nag utos na si Mama na maghahain sa kusina. Hindi ako umalis sa aking kinatatayuan habang nakatitig lang sa kanya na hindi mapakali. kung kanina ay nakakabawi na siya mula sa pagkakapahiya ngayon naman ay tila nanunumbalik ang kanyang kahihiyan habang ako ay nakatitig muli sa kanya. nakita ko ang panginginig ng kanyang loob dahil sa mga mumunting pawis doon. Kinakabahan siya for sure. "Halika na kain na tayo sabayan mo na akong kumain," niyaya ko siya dahil baka hindi na talaga siya makakain ka pagka sinungitan ko pa siya o kaya naman ay magparinig pa ako ng tungkol sa kanyang mga sinabi sa akin kanina. Konsensya ko pa kung sa sakit ang kanyang ulo o kaya naman ay magutom siya dahil lang sa kahihiyan sa akin. Naglakad na ako patungong kusina at naramdaman ko namang nakasunod lang siya sa akin. "Kayo na muna ang bahala sa sarili ninyo aakyat na ako sa taas at kanina pa ako inaantok kumain lang kayo ng kumain diyan. Nathan wag kang mahihiya. Feel at home," paalam ni mama habang hinuhugasan ang basong ininuman niya ng tubig kanina. "Sige po salamat po ma'am," sagot naman ni Nathan habang tinutulungan si Melissa na maglagay ng hinaing kanin sa ibabaw ng lamesa. Nang maihain na lahat pati ang ulam ay naupo na ako sa aking pwesto sa tapat mismo ni Nathan. Ang awkward lang ng feeling dahil ayaw sumabay sa amin ni Melissa na kumain. "Sabay ka na sa amin para naman tatlo tayong kumakain at hindi kami lang na dalawa. Para hindi ako mahiya," niyaya pa siya ni Nathan. "Busog pa kasi ako nagmeryenda ako kanina kaya hindi pa ako nagugutom. Kayo na lang po munang kumain, mamaya na po ako kakain pagkatapos niyo. Doon po muna ako sa labas," paalam ni Melissa at walang lingon lingon nya kaming iniwan habang nasa kusina. Nagkatitigan muna kami bago magdecide na kumain. Para bang naghihintay ang bawat isa kung sino ang unang magsasalita. "Kain na baka nagugutom ka na pagod ka pa man din sa pagtatrabaho," ako na ang naglakas loob na magsalita para naman mahinto na ang aming pagtititigan dahil kapag hindi baka iba na ang ulamin ko. "Sige kakain na ako," wika niya. Sinigang na bangus ang aming ulam. As expected ay matinik ito kaya naman nakaisip ako ng magandang idea upang makaganti man lang kahit papano. "Alam mo mula pagkabata ko ay hindi ko gusto ang bangus ng ulam lalo na pag ito ay sinigang. Pero dahil nagugutom din ako ay kakain na lang ako. Ang kaso mahihirapan akong maghimay at magtanggal ng mga tinik nito. Usually si mama ang nagtatanggal nito at inilagay sa plato ko habang kumakain na ko. Nakakahiya lang kasi ikaw ang kasabay ko. Walang maghihimay ng aking ulam," Sana naman makaramdam siya sa gusto kong mangyari. Alam kong nagugutom siya pero kailangan niya akong ipaghimay ng bangus. Kaya ko namang maghimay pero matatagalan pa kaya I need his powerful hands para naman makakain ako ng maayos. "Ah ganun ba ayos lang naman kung ipag himay kita pero kamay ko kasi ang ipinanghihimay ko. Okay lang ba yun sayo?" tanong niya. "Naku pasensya ka na ikaw kasi ang kasabay ko. Ayos lang ba sayo? Okay lang kahit kamay mo lang ipanghimay mo. Hindi naman ako maarte eh basta't maghugas ka lang dahil baka may iba ka pang ginawa at hinawakan bago ka kumain," gusto kong matawa dahil sa mga sinabi ko pero pinipigilan ko dahil baka ma-offend siya at hindi na siya kumain kasama ko at wala nang gusto ko mag himay ng bangus para sa akin. "Oh siya maghuhugas muna ako ng kamay nag hawak nga pala ako kanina ng mga materyales," tumayo siya at nagpunta sa may lababo saka naghugas ng kamay. Tiningnan ko lang siya habang ginagawa niya iyon at kitang kita ko ang pag reflects ng kanyang mga biceps. Feeling ko ang lalakas ng mga iyon at kayang-kaya niya akong ibalibag kung gusto niya. Well gusto kong ibalibag ni ako in a good way Yun bang magkakasakit ako kinabukasan dahil sa ginawa niya. Shocks ang halay ng utak ko pero to tell you the truth virgin ako. Ganito lang talaga ako mag-isip at magsalita pero I choose what I eat. Pagbalik niya sa kanyang kinauupuan ay kumuha siya ng isang hiwa ng bangus at inilagay sa kanyang plato. Hindi pa naman siya naka paglalagay ng kanin dito kaya naman free lang siyang mag himay ng bangus doon. Medyo nakonsensya naman ako dahil dinedelay ko ang pagkain niya. Para hindi mahalatang nakatingin lang ako sa kanya ay kumuha ako ng kanin at naglagay sa plato ko. Sukat na sukat ang pagkilos ko dahil baka mahalata nyang pinagtitripan ko lang siya. Napasulyap ako sa kanyang mga kamay. Malinis ang kanyang mga kuko kahit na gardening ang kanyang pagtatrabaho. Nakaka-amaze lang tingnan ang kanyang mga daliri sa kamay dahil para bang kaya ka nitong alagaan at kaya ka nitong paligayahin sa mga paraang kaya nitong gawin. Maya-maya ay inilagay niya sa plato ko ang kanyang mga nahimay nakatutuwa dahil ang mga nahimay niya ay wala na talagang tinik kaya naman makakain ako ng maayos nito dahil bukod sa lasa ng bangus ay malalaman ko din ang kanyang kamay na kanyang ginamit na panghimay sa pagkain ko. "Oh baka nagugutom ka na kumain ka na muna. Mamaya muna ako ipaghimay marami naman na itong ibinigay mo," may bahid ng pag-aalala ang aking boses pero deep inside I nagtatalon ang aking puso at ang aking damdamin dahil naisahan ko ang lalaking nagsabing tamad at wala akong alam na gawin sa bahay na ito. "Ayos lang po yun ma'am," wika niya saka naglagay ulit nang mga nahimay na bangus mula sa plato niya patungo sa aking plato. "Okay tama na yan kumain ka na rin at kakain na rin ako," sabi ko naman habang sinasabon lang kanin ko. "Ma'am bakit pala hindi mo sinabing ikaw ang anak ng amo kong lalaki at babae? May mga nasabi tuloy ako ng hindi maganda tungkol sa inyo. Pasensya na po, iyon lang po kasi ang mga narinig ko mula sa aking mga kasamahan dahil galing po ako sa isang linggong bakasyon sa amin," hindi siya nakatingin sa akin nang sabihin niya ito habang naglalagay ng kanin sa kanyang plato. "Gusto ko lang kasing malaman kung ano ang iniisip ninyo tungkol sa anak ng inyong amo. Hindi naman kasi ako tamad dahil galing lang ako sa trabaho at huminto dahil gusto kong mag-aral ulit ng aking graduate studies. Kaya sinusulit ko muna ang pagpapahinga dito sa aming bahay," kalmado lang ang boses ko habang sinasabi ang mga ito. "Naku Ma'am pagpasensyahan niyo na po ako Hindi na po mauulit yun. Sorry po talaga. Babawi nalang po ako sa inyo," Mukhang nagka-ideya naman ako sa sinabi niyang babawi siya sa akin. Sa paanong paraan kaya siya makabawi sa akin? Kailangan kong mag-isip ng ideya kung paano. Biglang umandar ang aking malikot na kaisipan. "Sure ka ba gusto mong bumawi sa akin?" Tanong ko muli sa kanya para naman malinaw ang usapan naming dalawa. "Opo naman po ma'am. Kahit ano po gagawin ko para lang po makabawi sa inyo mula sa aking mga sinabi kanina," wika niya. "Sure ka, kahit ano gagawin mo?" paninigurado ko sa kanya. "Yes mam kahit ano po," "Ok good. Balak ko kasing magtanim ng halamang namumulaklak sa harapan. Gusto ko sana ay ikaw ang regular na magdilig doon. Handa ka bang diligan ang mga halaman ko?" Alam kong may dalawang ibig sabihin ng mga sinabi ko at nakita ko ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi dahil tila ba na-gets niya agad ang gusto kong sabihin. Ngumiti pa siya nang nakakaloko bago sumubo ng kanin at saka ngumuya nguya at saka tumingin sa aking nakangiti na para bang may ibig sabihin. Habang siya ay nakangiti at ngumunguya ay nagtataas baba pa ang kanyang mga kilay. Pagkatapos ay nagtanong siya. "Kada anong oras ko po ba pwedeng diligan yung halaman ninyo?" hindi man siya nakatingin Pero nakikita ko ang ngiti sa kanyang mga labi pati na rin sa aura ng kanyang mukha. "Anytime basta kailangan niya ng dilig," sagot ko naman sa kanya bago ako uminom ulit ng tubig dahil tila ba mahihirinan ako sa aking mga idea. "Pwede pong binigyan siya ng gabi?" May halong pagkapilyo ang kanyang tanong. "Sure kung iyon ang the best time para madiligan siya. Why not," nakangiti na rin ako sa aking sagot. "Sige ma'am makakaasa po kayong didiligan ko kayo tuwing gabi," patuloy lang sya sa pagkain habang sumasagot sa aking mga sinasabi. Ewan ko kung sinasadya niya ang magkamali. Pero natawa na lang talaga ako dahil sinasakyan niya ang aking mga trip. "Ha?" kunwari ay nagulat pa ako sa kanyang mga sinabi. "Ah este yung bulaklak niyo po pala," paglilinaw niya ngunit may iba pa itong ibig sabihin para sa akin dahil sa kanya ang pilyong ngiti na may kakaibang hatid na kiliti sa aking mga labi at p********e. Mapaninindigan ko kaya ang pagpapakilig ng aking mga halaman? O mapaninindigan niya nga kaya ang gabi-gabing pagdidilig sa akin mga halaman? Tingnan na lang natin at saka tayo magkakaalaman. End of chapter two.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD