Chapter Three

2830 Words
Chapter Three NATHAN Nagulat ako ng malaman kong siya pala ang anak ng aking amo. Hindi ko akalain hahantong sa ganitong kalagayan ang aking pagkakapahiya. Ngunit nabawi naman agad dahil tila ba madali siyang matinag dahil lamang sa mga titig ko sa kanya. Hindi ko naman kasi akalain na siya pala ang anak ng aking amo. Sa totoo lang ay maganda naman siya Hindi nga lang siya masyadong kamukha ng kanyang mga magulang kung kaya't hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung mapagkakamalan kong hindi siya anak ng aking mga amo. Sa suot niya kanina ng pambahay nang ako ay lumapit ay hindi talaga siya mukhang mayaman. Ngunit nang pumasok ako sa kanilang bahay upang kausapin ko ang kanyang ina para sa kagustuhan nitong baguhin ang disenyo ng kanilang garden ay nagulat ako sa mga nalaman ko. Nakasuot siya ng itim na sando na hapit na hapit sa kanyang katawan at maikling shorts na bumagay naman sa korte ng kanyang bewang. Maganda ang hugis ng kanyang pangangatawan. Kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan dahil sa kanyang kasuotan. May makikinis din siya ng binti at mahaba ito kung kaya't siguro ay marami na rin siyang napanalunang paligsahan ng kagandahan. Habang nakikipag-usap ako sa kanyang ina ay taas baba ang tingin niya sa akin na para bang inuusisa niya ako Mula ulo hanggang paa. Tila ba scanner ang kanyang paningin na pakiramdam ko ay nahuhubaran na ako sa bawat pagtaas baba ng kanyang mga paningin sa akin. Napapakamot lang ako sa aking batok sa tuwing nahahalata ko siya at sa tuwing titingnan ko siya ng matagal ay saka naman siya iiwas ng tingin sa akin. Nagulat pa ako ng yayain akong kumain ni mam Rosa sa kanilang bahay. sa tinagal tagal kong nag trabaho dito ay bihira lamang ako makapasok sa loob dahil nahihiya talaga ako sa kanilang pamilya. ngayon lang din ako makakasabay ng pagkain sa isa sa mga miyembro ng kanilang pamilya kung kaya't doble-doble ang aking pag-iingat at habang naglalakad papunta sa kusina. Mahirap na at baka makabasag pa ako ng mga mamahaling kagamitan sa loob ng bahay nila. Nakatutuwa dahil na pagkakalat ahon siya sa kanyang mga galaw. Ayaw kong isipin may pagtingin siya sa akin pero hindi ko talaga maiwasang isipin ang mga bagay na iyon sapagkat nakikita ko ito sa kanyang mga mata. Una, gusto niyang ipaghimay ko siya ng sinigang na bangus dahil ayon sa kanya ay hindi siya marunong nito. Nakapagtataka dahil kahit sino ay alam ang maghimay at magtanggal ng tinik ng bangus tuwing kumakain. Pangalawa, ay gusto niyang magtanim ng mga halamang namumulaklak kasama ako sa kanilang hardin. Pangatlo ay gusto niyang diligan ko ang kanyang mga bulaklak at nakakaloko dahil parang may ibig sabihin siya sa kanyang mga sinasabi. Biruin mo yun ang gabi ko daw didiligan ang kanyang bulaklak. isang klase lang ng bulaklak ang alam kong nadidiligan tuwing gabi. Napapatawa na lang ako dahil sa kanyang mga galawan. Duma-the moves si Ma'am. Patuloy lang siya sa pagkain habang ako ay kumakain na rin. Isinasabay ko ang paghihimay ng bangus sa aking pagkain at saka ko ilalagay ang ilan sa kanyang plato. Nakapagtataka na hindi siya nandidiri sa aking mga kamay. Parang ang nagugustuhan niya pa ito. Pagkatapos kumain ay ako na ang nagpresinta na maghugas ng pinagkainan. "Ako na po ang maghuhugas ng pinagkainan natin Ma'am. Wala naman po akong gagawin ngayon pagkatapos nito ay magpapahinga lamang po ako ng saglit sa aming kwarto at magpapatuloy sa trabaho maya-maya," wika ko habang nag uurong ng mga pinagkainan saka isa-isang dinala sa lababo. "Hayaan mo na iyan, si Melissa na ang bahalang maghugas ng ating pinagkainan. Magpahinga ka na muna dahil tiyak kong napagod ka kanina sa pagtatrabaho, sige na," pagpipigil niya sa akin ng simulan kong banlawan ang mga plato sa lababo. "Sigurado po ba kayo ma'am," tanong ko. "Oo naman sige na magpahinga ka na," saka niya pinisil ng kaunti ang aking braso at agad ko namang ikinagulat. Mula sa aking braso ay tiningnan ko siya sa kanyang mga mata. Bigla naman siyang nag-iwas ng tingin sa akin na tila ba nabigla rin siya sa kanyang ginawa. "Sige na baka naubusan ka na ng oras sa iyong pagpapahinga," tila ba gusto niyang balewalain ko na lang ang paghawak niya at pagpisil niya sa aking braso kanina. Tama nga siguro ang aking hinala. May pagnanasa sa akin ang babaeng ito. Tsk. Naku naku Nathan patay tayo dyan. Hindi ka naman nagpapa-cute pero may nagkyu-cute-an sayo. Hindi ka naman bulaklak pero may bubuyog na umaaligid aligid sayo. Kaya naman binitawan ko na ang braso at hinayaan na lamang ito sa lababo. Naghugas na ako ng kamay at nagpaalam sa kanya na pupunta muna ako sa aking kwarto upang magpahinga saglit. "Sige kung ganun magpapahinga na muna po ako sa aking kwarto. Ipagpapatuloy ko na lang po mamaya ang pagtatrabaho kapag medyo malilim na. Mainit na po kasi sa labas," wika ko naman habang nakapamulsa akong nakatingin sa kanya. Kita ko naman ang pagtaas-baba ng kanyang paningin mula sa akin ulo hanggang sa aking mga paa at tila ba bumalik ito pataas ngunit napahinto sa bandang gitna ng aking katawan. Sinundan ko rin ang kanyang tingin at nakatingin siya sa aking zipper. Oo nga pala sira ang aking zipper at ang aking malaking sando na may kalumaan na ay nakaipit sa aking lumang pantalon kung kaya't nakikita niya ang aking zipper. Bigla ko namang ibinaba ang aking sando na nakaipit sa aking lumang pantalon at saka ko siya nakitang tumingala at tumingin sa akin. "Lahat ng brief mo ay Handford ang tatak?" bigla niyang tanong na agad ko ring ikinagulat. Ibig sabihin nakita niya talaga ang tatak ng aking brief. Mas mataas kasi ito kaysa sa aking pantalon kung kaya't ang itaas na bahagi nito ay nakikita. Bukod pa sa nakabuyangyang na zipper ko ay nakita niya rin mula doon ang puting panloob ko. Tsk. Sinasadya niya ba akong gahasain ng kanyang mga mata? Pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa mga naiisip ko na kanyang posibleng iniisip din. "Ang karamihan po sa aking mga brief ay Handford ang tatak, bakit po?" tanong ko naman sa kanya. "Ah eh wala lang. Nagulat lang kasi ako kung bakit nakataas ang sando mo. Baka lang may gusto kong ipakita. Pwes nakita ko yung bukas na zipper mo. Yun lang naman ang nakita ko kaya huwag kang mag-alala, safe ang pandilig mo," lumapit siya sa akin at tinapik tapik pa ang balikat ko bago siya tumalikod at nag hawi ng buhok saka naglakad papunta sa kanyang kwarto sa taas ng kanilang bahay. Napapailing na lang ako dahil tila ba pinagtitripan niyo lang ako. Ngunit kung hindi niya ako pinagtitripan malamang tama ang nasa isip ko. Pinagnanasaan ako ng anak ng amo ko. Patay ako nito. MAURENE NAKATUTUWA. Nasilipan ko pa siya ng hindi oras. Siya yung tipo ng lalaki na hindi nagsusuot ng mga mamahaling damit para lang makapag pa-impress sa babae. Siya yung tipo ng lalaki na kahit ano ang suotin ay mukha pa rin gwapo - hindi pala mukhang gwapo lang kundi gwapong-gwapo. Ang cute niya sa tuwing nagkakamot siya ng kanyang batok. I think nagkakamot siya ng kanyang batok dahil sa mga dahilang nahihiya siya o kaya naman ay hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Bilad siya sa arawan dahil sa kanyang pagtatrabaho sa aming hardin ngunit hindi siya umiitim. Natural lang na namumula-mula ang kanyang kutis. Gosh, ikinagulat ko pa ang pagpisil ko sa kanyang biceps kanina sa lababo pagkatapos namin kumain. Sorry naman agad. Hindi ko lang talaga mapigilan pisilin ang kanyang braso. Paano ba naman kasi ganito iyong mga tipo kong lalaki. Yung hindi bato-bato ang katawan, yung medyo may pagka chubby at higit sa lahat ay kahit namamawis ay mukha pa ring mabango sa aking paningin. Idagdag pa natin ang katotohanang ang sexy niya lang tingnan sa puting brief. Take note Handford pa ang tatak nito. Ang lakas maka modelo. KINABUKASAN, pinaghandaan ko ang pagtutuos namin sa hardin. Wait wait wait. Parang ang sagwa naman sa pagdinig yung pagtutuos namin sa hardin. Well magtatanim lang naman kami ng mga paborito kong halaman. Sa hardin kasi namin ay mayroong pwesto para sa akin. At dahil agriculturist ako ay natural lamang na mahilig ako sa pagtatanim at sa mga halaman. Bago ako bumaba ay tinignan ko muna ang aking sarili sa salamin. Nagsuot ako ng itim na sando at saka ako nag topper ng kulay brown. Ang pambaba ko naman ay skinny jogging pants saka ko sinuot ang aking walking sandals. Ipinusod ko ang aking buhok at saka ako nagsuot ng payabyab na sumbrero. Mukha na akong haciendera sa aking kasuotan. Well naghihintay na ang aking hardinero. Correction pogi at hot na hot na hardinero. Paglabas ko ng bahay ay umikot ako sa kaliwang bahagi nito. Dito ko matatagpuan ang pwesto na para sa akin. noong high school kasi ako ay mayroong ko ba dito na kung saan ay aking naging tambayan at ng aking mga kaibigan sa tuwing kami ay nagkukwentuhan o kaya naman ay nakikinig ng love story sa Love radio. Kung minsan ay nagbabasa rin ako ng mga pocketbooks na isinulat ni Otor Flo. ang mga bagay na iyon ang nakapag pakilig sa akin nang ako ay nasa high school pa lamang. Pagdating ko sa lugar na iyon ay nakita ko na nagbubungkal ng lupa si Nathan. Well as usual nangingintab na laman ng kanyang mga balikat ang kanyang nuo ang kanyang liig ang kanyang mga biceps ng dahil sa pawis at sa mga rays ng araw na tumatama sa kanya. Alas otso pa lang pasado ay tila ba tanghaling tapat na dahil sa kanyang kainitan. Nakasuot siya ngayon ng tank top na kulay asul at shorts na kulay itim. Mayroon din siyang facetowel na kulay dark blue na nakaipit sa baywang niya sa kanyang likuran. "Ang aga mo naman palang nandito," wika ko pagkalapit ko sa kanya. "Mas maigi po kasi na mas maaga tayo para po maaga tayong matapos. Mainit na po kasi ang pwesto na ito mamaya baka po kayo ay mainitan," pansamantala niyang itinigil ang pagbubungkal at tumindig saka ako hinarap. Kitang-kita ko naman ang pagtulo ng pawis mula sa kanyang noo. Ligo na rin sa pawis ang kanyang buhok. Maya maya ay kinuha niya ang face towel na nakasabit sa kanyang likuran at pinunasan ang kanyang mukha. Isinunod niya namang pinunasan ng kanyang mga braso at leeg. Sa pagkakataong iyon ay tila ba gusto ko na lamang maging face towel. Napapatitig ako sa bawat galaw nya at tila ba nag iislow motion ang bawat galaw niya sa aking paningin. Wow. He has a perfect armpit. Not to Harry but it looks brilliant. Ha pantay ang kulay ng kanyang balat. Parang ang bango bango lang tingnan. Bumalik ako sa aking tamang pag-iisip ng tumigil siya at titigan ako sa aking mga. Napakahilig niyang man titig ng mga bata kaya naman nabibigla na lamang ako at napapatingin din sa kanya. "Ahm ang galing mo palang magbungkal ano," wala sa loob ko ng komento sa kanya. "Ano pong ibig sabihin niyo ng magaling magbungkal ma'am?" napakamot na naman siya sa kanyang batok sa aking katanungan. "Bakit may iba ka pa bang naiisip kapag narinig mo ang salita ng pagbubungkal?" nakangiti ako ngunit ramdam ko na tumaas ang aking kaliwang kilay nang tanungin ko ito sa kanya. "Wala naman po. Bakit kayo po ba may iba pa po ba kayo ng ibig sasabihin?" nakangiti niyang tanong sa akin. Aba naman palaban din pala ito sa tanungan. I wonder kung palaban din siya sa ibang larangan. Bukod sa pagbubungkal ng lupa ano pa kaya ang kaya niyang bungkalin? Ano ba yan. Erase erase erase. Kung ano-ano na naman ang naiisip ko. Ang halay halay talaga ng utak ko. Hindi ko naman kasi mapigilan maging mahalay sa tuwing nakatingin lang ako sa kanya. Paano ba naman kasi, siya yung natural na temptation sa aking mga mata at hindi ko mapigilang hindi mag-isip ng mga ganitong bagay sa tuwing nakikita ko siya. So, huwag ako ang sisihin ninyo at ang utak ko. Kundi siya na siyang nagdadala ng kahalayan sa aking kaisipan. Insert evil smile. "Oh Tara na bung- bungkalin muna ako," Ano ba naman yan Maureen ikaw na mismo ang nauutal-utal sa pagsasalita dahil sa kanyang presensya. Hindi ka lang nagiging utal-utal nagiging kalapating mababa ang lipad ka pa dahil sa mga sinasabi mo. Anong pinagsasabi mong magpapabagal ka na kay Nathan? Bawiin mo. Haliparot kang babae ka. Sigaw ng utak ko. "Ma'am ano po sinasabing bubungkalin kita hindi ka naman po lupa para bungkalin diba?" pangiti-ngiti pa niyang sabi sa akin. Naku ni pare Isa pang ngiti mo sa akin magpapabagal na talaga ako sayo ngayon dito sa buong ka lang ng lupa. Yung mga ngipin niya pantay pantay at ang puti. Magaling kaya mangagat ang mga iyon? Haaayyysss. Ayan na naman tayo sa kahalayan. Sinasabi ko na nga ba huwag ang isip ko Ang sisihin ninyo kundi siya. Marupok lang po ako huwag kayong judgemental. Kaya naman nagsimula na kaming magtanim ng halaman. Paborito ko ang sunflower kaya naman ito ang itinatanim ko sa kanya sa parteng iyon. Sa mga gilid gilid ay nagtatanim din ako ng iba pang klase ng mga halaman. Pasado alas 10 na sa aking relo kaya naman pakiramdam ko ay nagugutom na ako dahil hindi ako masyadong nag almusal. "Meryenda muna tayo," pag anyaya ko sa kanya. "Kayo po ang bahala Ma'am," antayin ko na lang po dito. Tumigil din siya sa kanyang ginagawa saka tumindig at tumingin sa akin. "O siya sige magpapahanda ako kay Melissa ng meryenda nating dalawa at dito na lang tayo sa tabi magmeryenda," Wala na ang dating ko po dahil napalitan na ng kahoy na upuan nagawa mula sa mga ugat ng kahoy. Mayroon ding roundtable nangyari din sa islab ng kahoy at ikinorteng ang lamesa. Pumasok na ako at pumunta sa kusina. Tempo naman na nandoon si Melissa kung kaya't nagpahanda ako ng chocolate drinks sa kanya. Naglabas din ako nang macaroni salad na ginawa ni Aling Miranda kagabi para sa mga trabahador. "Ma'am kaya na po ba ang magdadala nito sa labas?" tanong ni Melissa ng matapos niyang timplahin ang chocolate drinks naming dalawa ni Nathan. "Yes ako na lang. Gawin mo na lang yung gagawin mo. Maraming salamat," wika ko habang ibinabalik ang container ng macaroni salad sa ref. Ng maihanda ko na ang meryenda ay kumuha ako ng tray. inilagay ko ang dalawang baso ng chocolate drinks to own at ipinatong ang dalawang platito ng macaroni salad. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa labas sa pwesto kung saan iniwan ko si Nathan kanina. Nang malapit na ako ay nakita kong nakaupo siya sa bench na yari sa ugat ng kahoy at pinapaypayan ang kanyang sarili gamit ang face towel na kulay dark blue. Nakangiti pa ako habang palapit sa kanya at siya rin naman ay nakangiti sa akin. Tila ba may connection na ang aming mga mata sa tuwing magtatama ang mga ito. Kung kaya't mas lalo kong naiisip na mayroong something sa aming dalawa. Iyon bang spark sa unang tingin pa lamang. Ngunit sa kakatitig ko sa kanya ay hatid pala nito ay isang disgrasya. natisod ako sa isang bato at bigla akong nasubsob at ang tangi ko na lamang na kita ay bumuhos ang lahat ng dala ko sa kanyang hinaharap. Prente lang siyang nakaupo na nakabukaka habang ang aking mga kamay ay nasa kanyang mga paanan at ang tray ay nahulog na rin sa lupa kasama ang mga platito ng macaroni salad. Tumingala ako at nakita kong puro macaroni salad ang kanyang hinaharap pati na rin ang laylayan ng kanyang tank top na damit. Tumaas pa ang aking paningin at nakita kong may ngiti sa kanyang mga labi habang nakatitig sa aking mga mata. Nataranta akong tumayo at saka ko kinuha ang hawak niyang face towel at agad ipinunas sa parteng iyon. Nawala sa isip ko na hindi ko pala dapat hinawakan ang bahaging iyon sapagkat naramdaman ko ang unti-unti nitong pagkabuhay. Nang itigil ko ang pagpunas ay napatingin ulit ako sa kanyang mga mata na ngayon ay seryosong seryoso. Nagulat na lamang ako ng hawakan niya ang kamay ko na may hawak na face towel at patuloy na itinaas sa parteng iyon habang sya ay nakatitig lang sa aking mga mata. Diyos ko po ramdam na ramdam ko kung pagtindig niya hindi siya kundi ang bagay na nasa pagitan ng kanyang mga hita. Walang magawa ang aking kanang kamay dahil hawak-hawak na ito. "Hindi ba't ito ang gusto mo?" Mahina ang kanyang boses ngunit sapat na upang maintindihan ko. Bigla naman niyang tinanggal ang aking kamay sa pagitan ng kanyang mga hita ng marinig namin ang boses ni Melissa na palabas ng bahay. "Ma'am Maurene tawag po kayo ni Ma'am Rosalinda, Pumunnta raw po kayo ngayon sa kwarto niya dahil may ibibigay daw po siya sa inyo," papalapit na ang boses ni Melissa kung kaya't mula sa aking pagkakaluhod ay tumayo ako at inayos ang aking sarili samantalang si Nathan ay prente lang na nakaupo sa kanyang kinauupuan. "Sige pupunta na ako diyan huwag ka nang pumunta dito, "natataranta pa akong nag sabi nito habang papalapit si Melissa sa aming puwesto. hindi na siya tumuloy sa paglalakad kung kaya't ako na ang nag lakad papalapit sa kanya. Bago ako tuluyang makaalis ay nilingon ko pa si Nathan. Nagulat pa ako ng nakatingin din pala siya sa akin, nakatitig at may halong pilyo yung mga ngiti sa kanyang labi. Diyos ko po may itinatago palang kamanyakan ang lalaking ito. Lagot ako nito. End of chapter three.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD