Episode 38? 38-Dominic `Dona’ Nambria’s POV From: Francesca ‘Sis, kita-kita tayo sa restaurant ni tita Cacy. Bawal ang hindi pumunta lalo ka na.’ Hindi ko na lang ni-reply-an ang text sa akin ni Francesca at tinawagan na lamang ang numero ni Paul habang naglalakad ako palabas ng campus namin. “Yes, baby?” bungad niya pagkasagot na pagkasagot niya sa tawag ko. “Huwag mo na kong sunduin, Paul. Magkikita-kita kami nila Francesca,” sagot ko. Tinitignan ko ang nilalakaran ko at lahat sila ay ngumingiti sa akin sa tuwing makakasalubong ko sila. Ibang lebel na talaga ang ka plastikan ng tao ngayon. “Saan naman ‘yan?” tanong niya. Hindi ko siya nakikita ngayon pero sigurado kong nakakunot na naman ang noo ng boyfriend ko. “Diyan lang sa restaurant ni tita Cacy,” sagot ko. Malapit lang

