SYNESTHEA'S POV Nang mag uwian na ay mabilis kong niligpit ang mga gamit ko. Kumunot ang noo nila Miskie sa akin. "Madaling madali, Synesthea-girl?" nginisian ko naman si Miskie at agad itong napatawa. "Ikaw kailangan pang piliting mag sleep over sa amin pero kina Voughn, hindi ka pinag sisleep over pero mag sleep over ka. It's really hurt." Tumawa naman ako at pinagpatuloy ang nililigpit. "Gusto ni Mama na doon ako matulog." "Gusto ba ni Voughn?" Masama ko namang tinignan si Calyx kaya napakibit balikat lang naman ito habang tumatawa. "As if papayagan ka ni Vincent." Sinimangutan ko naman si Calyx at nag cross arm pang humarap sa kanya. "I already have a plan." "Ano 'yon? " Natatawa nitong sabi. Proud akong ngumisi sa kanya habang nakatitig kay Calyx. "Kaya nga ako nagmamadali n

