VOUGHN'S POV "Young master kakain na daw po." Napatingin ako sa pintuan ko ng marinig ang katok ng maid, ayoko mang pumunta pero kapag sinabi kong masama parin ang pakiramdam ko ay panniguradong maalarma lang si Mom at baka papuntahin dito si Synesthea para siya ang mag alaga sa akin, as if I need someone to take care of me. Ayoko kasing makita si Gwen kaya ayokong bumaba pero ano pa bang magagawa ko? Inis akong tumayo at bumaba. Pumunta ako sa dinig room at masaya silang nagkukuwentuhan, napatingin sa akin si Gwen at agad akong nginisian pero inirapan ko lang siya. Napatingin naman sa akin si Mom kaya lumapit ako sa kannya para humalik, agad naman nitong hinawakan ang leeg ko. "Mukhang ang galing talaga ng nurse mo." Kinikilig na sabi ni Mama, hindi na lang ako nag salita at hinayaan s

