SYNESTHEA'S POV "Chen." Napangisi siya ng banggitin ko ang pangalan niya. Dahan dahan siyang lumapit sa akin at nanatili lang naman akong nakatayo doon at nakatitig sa kanya. "Did you really think he loves you?" Agad akong natigilan sa sinabi niya. Alam kong naramdaman niya ang pagkatigil ko na naging dahilan ng mas pag lapad ng ngisi niya. "You're still naive, I thought you changed." Masama ko naman siyang tinignan. "What are you talking about?" Inis kong tanong sa kanya. "He's using you, he wants to win against Wade. The one he really love is me." Bahagya akong umatras para magkalayo ang pagitan namin at baka may magawa pa ako na ikakasakit niya. Ngumisi lang siya sa akin at lumapit pa ulit kaya bahagya ko siyang tinulak. Nagulat ako ng naupo siya sa may kalsada kahit hindi naman

