THIRD PERSON'S POV Tahimik lang silang dalawa at nanatiling nakatingin sa isa't isa. Bahagyang napabuntong hininga si Voughn bago dahan dahan na lumapit kay Synesthea at naupo sa tabi ng kama ni Synesthea. Nanatili lang namang tahimik si Synesthea at pinapanood si Voughn hanggang sa makaupo na ito sa kama niya. Malaki ang kama nito kaya maaari siyang umurong para maiwasan si Voughn pero nanatili siya doon at hindi gumalaw at hinintay lang ang susunod na gagawin ni Voughn. Natigilan siya ng niyakap siya ni Voughn, naramdaman niya ang pag higpit ng yakap sa kanya ni Voughn na parang natatakot itong mawala si Synesthea sa kanya. "Voughn." Tawag ni Synesthea kay Voughn pero mas hinigpitan lang ni Voughn ang pagkakayakap sa kanya sa takot na baka itulak siya nito. "Why did you run away?"

