He's jealous? SYNESTHEA'S POV Naririnig ko ang maingay na music mula sa party. Actually late na late na talaga ako pero dahil nga dakilang pa VIP ako, sinadya ko talagang magpalate. Para engrande rin ang pagpasok ko. Inayos ko muna ang suot ko at buhok ko bago ko binuksan ang malaking pinto. Tulad ng inaasahan ko nasa akin na naman ang atensiyon ng mga tao. "Si Synesthea." "Damn! Ang ganda niya talaga." "Kung hindi lang 'yan baliw na baliw kay Voughn niligawan ko na 'yan." "Gago wala kang pag asa." "Oo na. Alam ko." "Ang swerte ni Voughn." "Maganda nga, panget naman ng ugali" "Ang gandaaa." "Kahit na anong suotin bagay na bagay sa kanya." Siyempre ako naman ngiting ngiti at walang pakielam sa paligid. Kasi nga maganda ako. Marami pa akong narinig na papuri pero hindi ko na lan

