Party
SYNESTHEA'S POV
Agad akong pumasok sa room kahit may teacher ay wala akong pakielam. Ramdam kong kasunod ko lang si Voughn. Naupo naman ako sa bakanteng upuan at umupo siya sa tabi ko.
"So ehem back to the topic." Nagsimula ng magturo ulit yung teacher. Sasaglit lang ang oras na pinasok namin sa kanya. Alam kong mag susumbong ito kay Kuya pero wala akong pakielam, mga sumbungera if I know nagpapapansin lang sila kay Kuya. Katanda tanda na ang harot harot.
Madalas ko silang nakikitang kinikilig kay Kuuya tuwing napuntta ito dito, may mga asawa at anak na ata sila lumalandi pa rin.
Agad naghila ng upuan si Miskis at humarap sa amin kaya napatuon sa kanya ang tingin ko.
"So what happen? Bakit ngayon ka lang? Anong ginawa niyo?" Napairap na lang ako sa hangin. Kahit kailan talaga napaka chismosa hindi na lang gumaya kay Hillary na walang pakielam sa mundo.
"Oh my god, Voughn. Magpapa-party na ako. Don't cha tell me inlove ka na rin sa loka lokang 'to? Este kay Synesthea?" Agad akong napalingon kay Voughn na nakatingin sa akin bago kumunot ang noong napalingon kay Miskie. Kanino ko pa napapansin ang pagtitig niya sa akin pero hinahayaan ko lang siya dahil alam ko namang sa ganda kong 'to ay walang taong hindi mapapatitig kapag nakita ako.
"I love her." Agad akong napalinon kay Voughn at nanlalaki ang matang napatitig sa kanya. s**t yung puso ko feeling ko may karera sa puso ko. Wala akong naririnig kundi ang t***k nun.
"As a sister tsk." Napangiwi naman ako.
Hindi naman kami magkapatid at mas lalong ayaw kong ituring niya akong kapatid ko. Magpapakasal pa kami.
"Asawa ko anong as a sister ang pinag sasabi mo? Duh pwede bang maging mag asawa ang nagtuturingang magkapatid?" Napairap ako sa inis. Kinilig pa naman ako. Ang hilig niya sa mga paasang line. Kinikilig na ako tapos niglang mapapalitan ng inis dahil pinapaasa lang pala niya ako.
"Who told you na pakakasalan kita?" Agad akong ngumiti yung pinaka sweet kong ngiti na makalaglag brief.
"Who told you na hindi mo ko pakakasalan?" Namewang pa ako sa harap nito. Agad naman nitong ginulo ang buhok niya sa inis. Napangiti naman ako ng matamis, kahit si Voughn ay hindi ako matatalo sa sagutan.
"Damn! Don't talk to me." Napatawa naman ako. Napaka pikon.
Dumating na ang teacher namin kaya agad na akong umayos ng upo at si Miskie naman bumalik na sa pwesto niya.
Gamit ang peripheral vision ko nakita kong nakatitig sa akin si Voughn kaya nilingon ko siya at hindi naman siya nag iwas ng tingin. Alam kong kahit gaano pakipot si Voughn ay hindi niya matatanggihan ang ganda ko, narerealize na ba niya na kami talaga dapat dalawa ang magpakasal?
"I know I'm beautiful but you know staring is rude."
Napatitig ako sa gwapong mukha nito. Ano bang nangyayari sa kanya? Siguro nga tama si Miskie may gusto na sa akin si Voughn. Tapos tulad ng nababasa ko 'yung tinatago lang niya 'yung nararamdaman niya sakin tapos nung may lumapit na sa aking ibang lalaki na pagseselosan niya magagalit siya sakin tapos bigla niyang aaminin yung nararamdaman niya sa akin tapos siyempre magiging kami na tapos kasalanan na tapos magkaka anak kami ng super dami dahil masipag kami parehas gumawa. Napangiti naman ako sa iniisip ko.
"I love you too."' Yung kaninang maaliwalas na mukha nito biglang nangunot. Sabi ko nga dapat di ko na sinabi 'yun. Napanguso naman ako 'yan na naman siya sa kunot na kunot niyang noo na akala mo ay pasan pasan na niya ang buong problema sa mundo.
"Bakit ba kasi titig na titig ka sa akin? Naiinlove ka na ba? Don't worry kasalan agad ang bagsak natin tapos mag aanak tayo ng madami." Lalo pang nangunot ang mukha nito. Oo, mukha na. Hindi na noo.
"Are you okay?" Ako naman ang nangunot ng noo. Biglang nag flashback sa akin yung kanina sa parking lot. Nahuli na kaya nila 'yung sawa? Ayoko pa naman na may pagala galang sawa dito sa school. Yuck baka mahawa pa ang mga students. Baka rin may iba pa itong matuklaw, muntik na ang asawa ko.
"Of course. Mukha ba akong hindi okay?" Oh my god, naweweird-uhan na ako kay Voughn. s**t don't tell me nahawa na siya dun sa sawa. No way, kanina nga pala ay hinawakan niya ang braso ng asawa ko. Napatingin ako sa brasong hinawakan ng sawa na 'yon.
Agad akong napatayo. Agad kong hinila palabas si Voughn at dinala sa clinic.
"Why did you brought me here? Are you sick?" Sunod sunod na pag iling ginawa ko. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at pinaharap siya sa akin.
"I think nahawa ka dun sa sawa. Hindi yun pwedeng mangyari kaya papatignan kita sa doctor." Agad nitong tinanggal yung kamay ko sa mukha niya at kitang kita ko ang inis sa mukha niya. Bakit siya naiinis? Concern na nga ako sa kanya kasi ayoko siyang mahawa sa sawa na 'yon.
"What the hell? " Napahilamos naman ito ng mukha. Agad akong napanguso habang pinapanood ko siya.
"Paano ka naging kapatid ni Vincent?" Napakunot naman ang noo ko at napaisip, syempre kasi parehas kami na nanggaling sa iisang mommy and daddy.
"Kasi parehas kami ng Mom and Dad?" Hindi sigurado kong sagot. Inis lang ako nito tinignan kaya napa tikom na lang ako ng bibig ko, sabi ko nga hindi na ako mag iingay at baka lalo lang mainis sa akin si Voughn at hindi niya ako pansinin.
Nasan ba ang tao dito sa clinic? Bakit walang nagbabantay?
Napalingon ako kay Voughn pero wala na 'to sa tabi ko at nagsisimula na itong maglakad.
"Where are you going?" Tumakbo ako palapit sa kanya pero hindi ito tumigil at patuloy lang siya sa paglalakad.
"I'm tired. Stop following me. Ngayong araw lang wag mo muna ako kulitin." Agad itong naubo. Nagpanic ako bigla. s**t. May sakit ata siya. Lagot talaga sa akin iyong sawa na iyon, kung hindi dahil sa kanya ay hindi magkakasakit ang asawa ko. Kapag nakita ko siya ulit susunugin ko ang buhok niya.
Agad kong hinawakan 'yung noo niya pero di naman siya mainit.
"Ihahatid kita sa inyo." Inakay ko siya pero agad niyang binawi ang pag kakaakay ko sa kanya.
"No need. " Binilisan nito ang lakad pero di ko 'yun hahayaan. Baka masagasaan pa siya. Mawalan pa akong ng asawa. Paano na ang pinapangarap kong maraming anak namin.
"Edi ako na lang ihatid mo." Agad akong sumakay sa kotse niya.
"No!" Nagpacute naman ako dito.
"Please asawa ko." Nagpacute pa ako lalo.
"No."
"Kung wala ako kanina sa parking lot edi hanggang ngayon ginugulo ka parin nung babaeng yun. Tapos ihahatid mo lang naman ako, tapos ayaw mo pa. Sige wag na lang. Siguro maglalakad na lang ako hanggang sa mapudpud ang heels ko, hanggang sa mamaga ang paa ko, hanggang sa-"
"Damn. Fine." Napabuntong hininga ito at walang nagawa kung hindi ang umikot para umupo na sa driver's seat.
At ako? Ngiting tagumpay na naman. Lahat ng gusto ko nakukuha ko.
Hinatid niya muna ako sa mansion namin. Napatingin ito sa akin ng hindi parin ako bumababa ng kotse niya.
Tinitigan ko lang siya at obvious namang naiilang siya sa paraan ng pagtitig ko kaya mas lalo ko siyang tinitigan, kaya naman 'yan na naman ang kunot noo niyang parang pasan pasan na niya ang problema sa buong mundo.
"What?!" Umiling ako at bumaba na pero agad akong lumapit sa kabilang side ng kotse at kumatok. Kunot noo nitong binuksan ang pinto.
Mabilis kong hinalikan ang pisngi niya at bago pa siya makapag react, lumayo na ako.
"Bye. Bye. Ingat ka, okay? I love you mwuah" Agad na akong pumasok sa bahay ng may ngiting tagumpay. Nararamdaman ko na ang totoong tagumpay. Remember hinawakan niya 'yung bewang ko. Ang tanga ko lang nun bakit kasi ako nag drama at nauna pang maglakad. Kasalanan talaga ito ng sawa doon.
Pinukpok ko yung ulo ko. Kakainis. Minsan na nga lang maging sweet yung asawa ko.
"What are you doing?" Agad akong napalingon kay kuya na nasa harapan ko na pala. Hindi ko namalayan na nasa harap na ako ng pinto.
"Nothing hehe." Agad akong pumasok.
Yung ngiti kong tagumpay napalitan ng ngiting pilit. Agad kong tinignan ng masama si kuya pero ayun pasipol sipol lang siya habang nag cecellphone. I'm sure sinumbong niya ako kina Mom and Dad.
"Hi mom and dad. Ang saya sa school hehe." Hinalikan ko pa sila sa pisngi.
"Really?" Oh my god 'yan na ang tingin ni Mom. Kahit nakangiti siya feeling ko ang creepy niya at anytime pwede niya akong paluin. Noooooooo.
"Y-yes?" Hindi ko siguradong sagot. Damn, kinakabahan ako. Sa isip isip ko ay pinapatay ko na si Kuya.
"Obvious nga. Tuwang tuwa ka sagutin ang teachers mo!" Napaigtad ako ng bigla itong sumigaw. Napahawak ako sa puso ko sa sobrang gulat.
"Don't yell." Mahinahong sabi ni Dad at lumingon sa akin pero biglang nagbago ang expression ng mukha nito at mabilis lumapit sa akin.
"What happen? May masakit ba sayo?" Taranta nitong tanong.
"Wala, dad. I'm tired." Nagpacute pa ako sa kanya.
"Then rest, baby." Hinalikan niya ako sa noo at bago ako makaakyat ng hagdan dinilaan ko pa si Kuya. Inirapan lang naman niya ako.
Over protective sila sa akin. Kaya siguro ganito katigas ang ulo ko. Masyado akong na ispoiled.
Dahil ayaw nilang mangyari ulit yun.
Kapag pasok ko sa kwarto agad kong chineck yung phone ko at may mga texts.
From: Miskie Lokaret
Synesthea-girl~ Bukas na agad yung party.
Bat hindi na kayo pumasok ng last subject?
To: Miskie Lokaret
Hindi na din kasi pumasok yung asawa ko kaya bilang mabutihing asawa di din ako pumasok.
Message sent
From: Idiot Calyx
Bukas na yung party. Ingat ka kung asan ka man.
From: Hunteroid
Bukas na yung party at ako daw kakanta Hahahahahahaha.
To: Hunteroid
Ulol
Message sent.
From: Hillary Sivan
Party.
Ang effort naman niyang mag text. Ang haba ng sinabi ni Hillary.
Nagtataka kayo kung anong party 'yung tinutukoy. Yun yung party kung saan ang buong students ay may pagkakataong makilala ang isa't isa mapa junior ka man, senior o collage.
To: Asawa ko
Bukas na yung party. Matulog ka ng maaga para di ka na antukin. Lagi kang tulog eh, wag mo muna isipin yung kiss ko sayo siguro bukas mo na isipin.
Message sent...
Agad akong napahiga sa kama ko at inisip ang asawa ko. Excited na ako dahil makikita ko na namang nakaayos si Voughn at sigurado akong siya na naman ang pinakapa gwapo sa lahat doon. Kahit anong suotin niya ay bagay sa akin, pati ako bagay sa kanya.
****
Eto na ang pinaka masayang araw dahil ngayon na ang party. Gosh I'm so excited. Makikita ko ang asawa ko na naka suot ng tuxedo. Agad akong namula. Humarap ako sa salamin at hinawakan ang pisngi ko.
Namumula ang pisngi ko. Iniisip ko pa lang ay kinikilig na ako, paano pa kaya kapag nakita ko na.
Agad akong nakarinig ng katok. Andito na siguro 'yung mag aayos sa akin.
"Come in." Agad may pumasok na pito na bakla at sa likod nun ay si Mom.
"Kayo na ang bahala sa kanya, ok?" Agad nila akong tinignan.
"My gosh eklabush why so ganda?" maarteng sabi nito.
What's with his languange?
"Whatever. Start now." Utos ko. Halata namang nagulat sila sa inasal ko.
"Ay why so bad mood? Don't cha worry darling, tonight ikaw ang magiging pinakamaganda." Agad tumaas ang kilay ko.
"Tonight? Matagal na akong pinakamaganda." Inirapan ko na lang siya at naupo sa upuan.
"Sabi ko nga. Let's start, girls." Napairap naman ako. Girls daw. Duh mga lalaki kaya sila.
Yung dalawa ay nilinisan ang kamay at paa ko. At yung isa naman sa buhok ko at yung isa katulong niya. Yung isa naman sa make up ko at yung isa katulong niya. Yung isa pa ay sa susuotin ko naman.
Matapos ang matagal na paghihintay at natapos na rin ako. Humarap ako sa salamin. Perfect. Super ganda ko talaga. Umikot ikot pa ako habang suot ko ang long gold backless dress ko.
From: Miskie Lokaret
Where are you? Kanina pa kami nandito.
To: Miskie Lokaret
OTW
Message sent.
From: Hillary Sivan
?
Wait. Anong ibig sabihin nung question mark niya.
From: Idiot Calyx
Maganda kana, you know? No need na paghandaan ng sobra.
To: Idiot Calyx
I know right.
Message sent.
Agad na akong sumakay sa aming Lamborghini at tinahak ang papuntang school kung saan gaganapin ang party. Excited na akong makita ang asawa ko.