CHAPTER 6

3023 Words
You're mine... Only mine SYNESTHEA'S POV Masyado akong napaaga ng gising dahil halos hindi rin ako nakatulog kagabi. Kahit oxygen yung tinutukoy niya kahapon, ewan ko ba. Kinikilig pa rin ako. s**t na malagkit. At yung tawa niya kahapon, yun yung hindi ko talaga makakalimutan. Para niya akong inaakit sa tawa niya. Mas lalo lang akong naiinlove sa kanya. To: Asawa ko Hey wake up. Your wife is waiting for you mwuah mwuah pasok ka na agad, ok? I love you. Message sent. Actually kanina ko pa siya tinetext pero kahit isang reply wala man lang siyang sagot. Kahit "K" "ah" "G" kahit ganun lang kikiligin na laman loob ko. Pero sanay na ako lagi talaga siyang ganyan. Buti na nga lang pagtinatawagan ko sumasagot naman siya pero ilang tawag muna bago niya sagutin. Speaking of tawagan. Matawagan nga ang asawa ko. Naka ilang tawag pa ako bago niya sagutin yung tawag. "Oh?" masungit nitong sagot sa akin kaya agad akong napanguso. Ang aga aga  "Gising ka na ba?"  "Nope. I'm still sleeping kaya nga nasagot ko tawag mo." sarcastic nitong sagot. "Wake up, my husband. Pumasok ka na dito, pinagtitinginan ako ng mga tao. Porket ngayon lang sila nakakita ng maganda, sige ka baka maagaw ako sayo." pag babanta ko sa kanya. "[On the way.]" Napangiti naman ako ng sobrang lapad. On the way na siya kasi ayaw niyang maagaw ako. Enebe nemen yen. Lakas talaga mag pakilig ng asawa ko ang aga aga e. "Pero don't worry sayo lang ako, hindi ako magpapaagaw." "Shut up. Nababadtrip lang ako sa amin kaya maaga akong pumasok." "Sus palusot. Oo na sige na, sabi mo e."  "Tsk." "Bye my husband. Ingat ka diyan, ok? I love you mwuah mwuah." "Wala bang I love- toot toot" Napapout naman ako. Pinatayan ako. Hmp. "Sabi ko nga wala." nakanguso kong bulong. "Synesthea-girllllll~ why so aga?" Agad akong niyakap ni Miskie. "Morning." tanging sabi ni Hillary sa akin at naupo sa tabi ng bintana. Favorite spot niya yun kaya lagi siya diyan umuupo. "Good morning sa inyo." bati ko sa kanila. Di na naman ako pinansin ni Hillary at nag ear phone na lang. "Bakit ang aga mo naman pumasok?" tanong sa akin ni Miskie at agad naupo sa tabi ko. "Hindi kasi ako nakatulog." Agad siyang napanganga. As in. Yung tipong tumutulo na yung laway niya. Inis ko naman siyang tinignan kaya agad niyang itinikop ang bibig niya. "Why? Oh my g don't cha tell me you and Voughn." Pinagdikit nito ang middle finger niya at yung hintuturo niya. Napataas naman ako ng kilay dahil hindi ko maintindihan kung ano ang ginagawa niya, sinapian na naman siya ng sakit niyang kabaliwan. "What are you talking about?" Sumenyas naman siya ng kung ano ano na hindi ko maintindihan. Kumunot ang noo ko ng maisip ang ibig niyang sabihin. "s*x?" Agad naman niyang tinakpan yung bibig ko. Pilit kong inalis ang kamay niya sa bibig ko. "Ano ka ba! Bakit mo naman sinabi ng malakas? Nakakahiya ka. " Napalingon naman siya sa paligid at yung iba napatingin sa amin. Napairap na naman ako dahil mas nahihiya ako sa ginagawa niya. "I don't know her. Who are you? Bakit naka upo ka sa tabi ko?" Malakas ko siyang binatukan kaya napahawak siya kung saan ko siya binatukan at napanguso. "Ouch." "You don't know me? Fine. Then get out." Agad naman siyang nagpacute sa akin. As if naman tatalab yan sa akin. Inirapan niya ako kaya mas lalo pa siyang lumapit sa akin at ang pacute. "And wag ka na rin magpapatulong sa akin kay Calyx." Marahan naman nitong binangga ang balikat ko gamit ang balikat niya. Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. "Eto naman hindi mabiro. Why so serious, Synesthea-girl?" Inirapan ko lang siya. Bakit ba kasi ang tagal ni Voughn? Sabi niya on the way na siya pero bat ang tagal? Dapat ay nandito na siya ngayon. Hays, miss ko na agad siya. Baka may dinaanan pa siya kaya ang tagal niya, baka may babaeng malalandi na naman ang lumalandi sa asawa ko ngayong wala ako sa tabi niya. Iniisip ko pa lang ay gusto ko ng sunugin ang mga buhok ng mga lalandi sa asawa ko. "If you love someone and you're not afraid to lose them you probably never love someone like I do." And the f**k sino pa ba ang kumakanta. Edi ang feeling maganda ang boses na si Hunter. Nag bow bow pa ito na akala mo kami ang audience niya. Agad nagtawanan at naghagikgikan ang malalandi at kilig na kilig dahil kay Hunter na uto utso, naniniwala sa sinasabi ng mga langgam na maganda ang boses niya, if I know gusto lang nila si Hunter to the point na ready nila pakinggan ang panget na boses ni Hunter. Mga langgam talaga na haliparoy. "Thank you. Thank you. " Napailing nalang ako. "Para kang gago." Agad siyang binatukan ni Calyx. "Hillary nakita mo yun?" Mabilis lumapit si Hunter kay Hillary at umupo sa bakanteng upuan dun. Hindi naman siya pinansin ni Hillary at nanatiling nakikinig ng music kaya mas lalo lang siyang kinulit ni Hunter at pilit na pinapakita kung saan siya binatukan ni Calyx.  "Binatukan ako ni Calyx. Ang sakit. Napakasakit. Feeling ko naputol ulo ko." Napairap naman ako sa kaartehan niya pero tulad ng inaasahan hindi siya pinansin ni Hillary. "Good morning beautiful ladies." At ang abnormal kong katabi ay agad na nagisay sa kilig. Napailing na lang ako. Hindi ko alam kay Calyx kung nagpapanggap lang ba itong walang alam o ano, e halatang halata na si Miskie kung mangisay sa kilig kay Calyx akala mo naman inaya magpakasal. "Beautiful daw." bulong sakin ni Miskie habang kinikilig pa. "Oo narinig ko." Inirapan ko naman ito. "Goodmorning husband este handsome." Agad na tumawa si Calyx. Bahagya akong napanguso, speaking of husband nasaan na kaya ang asawa ko? Miss ko na siya, ayokong tignan itong mga epal na 'to. Mas gusto ko pa titigan ang nakakunot nitong noo kesa sa mga ito. Cringe. "Should I call you my wife?" Agad na namula si Miskie at ang gaga paniguradong kinikilig na naman. Napailing na lang ako sa dalawa. At talagang pinagigitnaan pa ako nung dalawa. Agad namang tumawa si Calyx. "Just kidding. Baka mainlove ka." So walang idea si Calyx na inlove na inlove si Miskie sa kanya? So manhid. Ako nga isang tinginan ko lang kay Miskie halatang halata kona. "Tanga talaga." Agad naman napatingin sa akin si Calyx. "Anong tanga? By the way kamusta ang pag iisip mo kung ilan ang magiging anak niyo ni Voughn?"  Agad itong tumawa ng nakakaasar kaya hinablot ko ang buhok niya at sinabunutan sa sobrang inis. Napatawa ito lalo habang hawak ang kamay kong nakahawak sa buhok niya. "Epal ka talaga." Inirapan ko siya bago ko binitawan ang buhok niya. "Matagal na akong inlove sayo."  rinig kong mahinang bulong ni Miskie kaya natuon din ang tingin ko kay Miskie. Tumingin si Calyx sa kanya. Narinig niya ata yung sinabi ni Miskie. Hininaan kasi ni Miskie yung sinabi niya kaya kampante ito na di niya maririnig. Halata namang sakin lang pinaparinig yun ni Miskie. "Narinig niya ata." bulong sakin ni Miskie at agad na napakagat ng labi. "Anong sabi mo Miskie? " Mukha namang nakahinga ito ng maluwag na hindi nito narinig yung sinabi nito. "Wala. Ang bingi mo kako." Biglang tumawa yung dalawa kahit wala namang nakakatawa. Mga baliw talaga. "Kayo na nga lang dalawa yung mag tabi." inis kong sabi at tumayo. Hinila ko patayo si Calyx at ako ang naupo sa pwesto niya. Wala namang nagawa si Calyx kung hindi ang umupo sa kaninang pwesto ko.  Bakit ba hanggang ngayon ay wala pa rin si Voughn, anong oras na? Kanina pa siya dapat naandito. Tumingin ako sa nagkukuwentuhan na ngayon na si Calyx at Miskie para magtanong. "Asan na pala si Voughn?" tanong ko. Kanina pa kasi siya wala. Buti na lang at wala kaming first subject at mag sesecond subject na pero wala parin siya. "Kanina lang sabi niya otw na siya." Napakunot ang noo ko.' Yun din ang sabi niya sa akin kaya dapat kanina pa siya naandito. "Pero bakit wala pa siya hanggang ngayon?" Naaksidente ba siya? Namatay? Nakidnap? Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Baka may nangyaring masama sakanya. "Oo nga no? Di naman ugali nun ang mag cutting." True. Napakasipag niyang pumasok kahit natutulog lang naman siya sa classroom. Ewan ko ba kung kulang ba siya sa tulog o sadyang antukin lang siya. Basta ayaw niyang naabsent kaya ako ay wala rin choice kung hindi ang pumasok din kahit minsan ay tinatamad ako. Kailangan kong bantayin ang asawa ko dahil marami ang nag hihintay ng oportunidad para agawin siya sa akin, as if naman na papayag ako. Biglang pumasok ang teacher namin. s**t second subject na pero wala parin siya. Tinext ko na siya at tinawagan pero hindi niya sinasagot. Sobra na akong nag aalala. "Goodmorning- Ms.Sivan?" taka itong napatingin sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at tinignan ang teacher namin. "What?!" irita kong tanong. "Where are you going?" Nag cross arm naman ako sa kanya. "Stop asking me as if you're my mom. It's none of your business." Natigilan ito at napatulala sa sinabi ko, agad ko naman siyang inirapan.Nag flip hair pa ako bago nagpatuloy sa paglalakad. Wala akong time makipagtitigan sa kanya dahil mas importante sa akin is kung nasaan na ba ang asawa ko at bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Damn you, Voughn. Where are you? Napatingin sa akin yung guard at nag aalangan pa kung palalabasin ako. "Palalabasin mo ako o palalabasin ko yang buto mo sa katawan mo?"Nakita ko ang pagkataranta at takot nito sa akin kaya wala itong nagawa. Agad namang nagmadali itong buksan. Inirapan ko lang siya. Agad akong pumunta sa parking lot at sa hindi ko inaasahang pangyayari. May malaking sawa ang hawak hawak ang braso ng ASAWA KO. ASAWA KO! Ang kapal niyang hawakan ang braso ng hawak niya, kahit tignan lang ito ay wala siyang karapatan. "Maling lalaki ang pinili mong landiin." Nang gagalaiti kong sabi bago lumapit sa kanila. VOUGHN'S POV Sa labas na ako kumain ng pagkain dahil nakakabadtrip sa bahay. Nandun kasi si Tita Gwen at binibida na naman ang anak niya. Ang karibal ko sa lahat. Marinig ko lang ang pangalan ng gagong yun, naiinis na ako. Buti na lang at wala siya sa pilipinas at nasa ibang bansa na siya nag aaral, dapat ay doon din ako dahil gusto ni Mom na nasa iisa kaming school mag pipinsan pero ayoko nga. Naririnig ko pa lang ang pangalan niya ay naiinis na ako, paano pa kaya kung nakikita ko na? Napatingin ako sa cellphone ko ng makasakay ako sa kotse ko matapos kong kumain at papunta na sa school dahil kanina pa ito nag vavibrate sa bulsa ko. My Wife is calling... Inistart ko na ang sasakyan ko bago ko sinagot ang tawag ni Synesthea.  "Oh?" "Gising ka na ba?" Napakunot ang noo ko sa naginng tanong niya. Masasagot ko ba ang tawag niya kung hanggang ngayon ay tulog parin ako. Ewan ko ba, magkapatid sila ni Vincent at magkamukha pero ang ugali nila kakaiba talaga. "Nope I'm still sleeping kaya nga nasagot ko tawag mo." sarcastic kong sagot dito. "Wake up, my husband. Pumasok ka na dito, pinagtitinginan ako ng mga tao. Porket ngayon lang sila nakakita ng maganda, sige ka baka maagaw ako sayo." Mas lalo naman napakunot ang noo ko, 'yun ang gusto ko e. Para naman ay wala ng nang gugulo sa akin.  "On the way." "Pero don't worry sayo lang ako, hindi ako magpapaagaw." "Shut up. Nababadtrip lang ako sa amin kaya maaga akong pumasok." inis kong sabi at naalala na naman ang pinagsasabi ng babaeng 'yon. So what kung ang daming achivement ng anak niya masyadong halatang nagpapainggit and as if maiinggit ako. "Sus palusot. Oo na sige na, sabi mo e." "Tsk." "Bye my husband. Ingat ka diyan, ok? I love you mwuah mwuah." "Wala bang I love- " Bago niya pa matuloy ang sasabihin niya ay agad ko na siyang pinatayan ng tawag. Nang makarating ako sa school agad akong nagpark kapag labas ko pa lang may humila na agad sa akin. Napabuntong hininga naman ako, ang aga aga ay eto na naman ako at mag titiis sa pangungulit ni Synesthea. "Synesthea let me go." Agad itong humarap pero mali ako. Agad napakunot ang noo ko. Hindi siya si Synesthea. "Who are you? And can you please don't touch me with your filthy hands?" irita kong sabi dito. Hindi talaga ako komportable na may humahawak sa akin na hindi ko naman kilala, malay ko ba kung may sakit yan na nakakahawa, edi nahawa pa ako. "I'm Janine and from now on you're my boyfriend, Voughn Royer." Agad kumunot ang noo ko. Baliw ba siya? Tinalikuran ko lang siya at nagsimula ng maglakad at I'm sure late na ako. Napatigil ako ng yakapin ako nito patalikod, napabuntong hininga ako. "Nananakit ako ng babae, wag mong hintaying mawalan ako ng pasensiya." Pagbabanta ko dito. Pero walang talab at nakayakap parin siya dito. Damn baka makita kami ni Synesthea. Bakit ko ba iniisip si Synesthea? "Samahan mo ko mag shopping." Lumambing ang boses nito sa akin. Akala naman madadaan niya ako sa ganyan, e lagi sakin ginagawa yan ni Synesthea. "Stop hugging me." irita kong sabi sa kanya. Agad siyang bumitaw at pumunta sa harap ko. Nagpacute pa ito. "Kapag hindi mo ko sinamahan break na tayo." Napangiwi naman ako. Hindi ko na lang ulit siya pinansin. Damn, bakit ba ako pinalilibutan ng ganitong klaseng mga babae? Hindi ko na nga kaya tiisin si Synesthea ay may dumagdag pa sa sakit ng ulo ko. Napailing na lang ako at maglalakad na sana ng biglang tumunog ang cellphone ko at bago ko pa makuha naunahan na ako ng babaeng 'to. "Who's My Wife?" My wife nga pala ang nakalagay sa pangalan ni Synesthea sa contact ko. Actually siya yung naglagay niyan at hindi ko na iniba dahil sayang oras lang naman yun alam ko namang papalitan at papalitan niya rin iyon, so that's the point? Mag aaksaya lang ako ng oras ko. "It's none of your business." Agad kong kinuha yung cellphone ko at tumalikod na ulit pero hinatak na naman niya ako. Umiiyak na ito paglingon ko dito. Damn, mas nakakairita pa siya kesa kay Synesthea. Oh lord bat ako pinalilibutan ng mga nakakairitang tao? "Who is she? Cheater!" f**k. Konti na lang ang pasensiya ko at bago pa maubos ang pasensiya ko biglang nangudngud yung Janine sa sahig. Medyo nagulat ako pero ng makita ko na si Synesthea ay nawala ang gulat ko, hindi naman nakakagulat na ginawa niya 'yon. Mas magulat kayo kung wala 'yan ginawa. "Ang mga sawa dapat nasa lupa." For the first time masaya akong nakita ko si Synesthea. "How dare you?!" Nagasgasan ang noo nito at paniguradong magsusugat yun. "Wait tatawag lang ako ng mga nanghuhuli ng mga sawa at ibabalik kita sa lungga mo." Kinuha nito ang cellphone nito at may tinawagan. Pinanood ko lang naman sila at hinayaan. "Hello good morning by the way may naligaw ditong sawa." "Dito sa SU. Nandito sa may parking lot. Bakit ba hinahayaan na may mga sawa na pagala gala dito? Panno kung matuklaw to edi pinutol ko ang dila nito." Bahagya akong natawa pero agad kong pinigilan, buti na lang ay hindi iyon napansin ni Synesthea. Nginisian siya ni Synesthea. May silbi din pala si Synesthea. "Who the f**k are you?" Agad na napatawa yung Janine. "Don't tell me you're Synesthea Sivan." Tinignan nung Janine mula ulo hanggang paa si Synesthea, proud lang siyang pinanood si Synesthea. Sa totoo lang ay kakaiba ang ganda ni Synesthea pati ang ugali niya kakaiba. "Sikat din pala ako sa mundo ng mga sawa." Nawala ang ngisi nito sa labi. "Voughn do something." Kumunot naman ang noo ko. Agad akong lumapit kay Synesthea at hinakawan ang bewang niya. As if naman meron akong pakielam sa kanya. Sabay na kaming tumalikod ni Synesthea pero bago kami makalayo sa may sinabi siya. "Masyado mong hinigpitan ang kapit mo ngayon, ha? Natatakot ka ba na maulit yung dati." Napatingin ako kay Synesthea pero nauna na itong maglakad sa akin. Ano ang sinasabi nung babaeng 'yon?  Biglang tumigil si Synesthea kaya napatigil din ako. May kakaiba sa kanya ngayon. "You're mine... Only mine." Napatitig ako sa kanya at ganon din siya pero siya na mismo ang nagputol ng titigan namin at agad akong tinalikuran para magpunta sa classroom. Sumunod naman ako sa kanya habang nag iisip.  Alam nung babae ang pangalan ko pati na rin si Synesthea ay kilala nito. I know na maraming nakakakilala sa akin pati na rin kay Synesthea at walang naglalakas loob na gawin sa akin ang ginawa nung babae kanina sa akin dahil kilala nila kung ano ang kayang gawin sa kanila ni Synesthea.  Maasyadong spoiled si Synesthea kaya kung ano ano ang pinag gagawa niya at hindi man lang siya natatakot. To be honest ay ayoko talaga kay Synesthea at kung hindi ko kaibigan si Vincent ay hindi ko hahayaan si Synesthea sa mga pinaggagawa niya sa akin, masyado kong tinitingala ang Kuya niya para tanggihan ito. Pinakiusapan ako ni Vincent na hayaan ko na lang si Synesthea dahil mapapagod din naman dahil io kakahabol sa akin pero bakit hanggang ngayon ay hindi parin ito napapagod? Mukhang wala nga itong planong mapagod kakahabol sa akin. Ilang beses ko na siyang nireject at alam kong alam niyang hindi ko siya gusto pero masyadong mataas ang confidence niya sa sarili niya na magugustuhan ko siya kaya ayaw niyang sumuko. I know maganda siya pero ayokong sa babae na ganyan ang ugali, masyadong masakit sa ulo pero ano pa ba ang magagawa ko kung hindi ang hayaan si Synestha sa kung ano ang gusto niyang gawin.  Napailing na lamang ako at parang gusto kong mag shower ulit dahil nakakadiring nahawakan ako nung babaeng 'yon, malay ko ba kung may sakit 'yon. Mas maganda na ang maingat ako kesa naman ang mag kasakit din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD