Oxygen
SYNESTHEA'S POV
Eto ang boring sa pagiging first day sa school dahil puro pakilala ng pakilala. Napapairap na lang ako sa mga nag sasalita sa unahan. Ang papanget nila magpakilala, panget na nga sila panget pa pagpapakilala nila. Ang boring boring pa. Napilitan lang naman akong pumasok ngayon.
"Ms. Sivan," napalingon ako sa teacher namin at halos lahat sila sakin nakatingin. Bahagya akong napa irap dahil sa pag lingon nilang lahat sa akin.
Gosh, first time lang ba nila makakita ng anghel na napadpad sa lupa dahil sa sobrang ganda ko di na ako tinanggap sa langit.
"It's your turn." Nakangising sabi nung teacher naming hindi ko kilala kung sino man siya at wala akong pake.
"Bakit pa?" bored kong sagot dito. Nangalumbaba pa ako at bored siyang tinignan na lalong nagpa-laki sa butas ng ilong nila.
"Kilala na naman ako ng lahat, so bakit pa ako magpapakilala? Mag aaksaya lang ako ng oras sa pagtayo sa unahan. " Sumama na ang tingin ng teacher sa akin pero wala akong pakielam.
Ako ang reyna dito kaya ako ang nasusunod. Nakipagtitigan pa ako dito at hindi pa ako nakuntento at tinaasan ko pa ito ng kilay. 'Yung kilay kong hindi na kailangan lagyan ng eye liner hindi tulad ng isa diyan.
"Ms. Sivan if you can't follow my rules inside this classroom, please get out." Ngumisi ako dito. Lagyan naman natin ang thrill ang first day. Your first nightmare, b***h.
"Make me." Pinatong ko pa ang paa ko sa upuan na nasa unahan ko.
"Ms. Sivan hindi porket anak ka ng may ari ng school na'to magagawa mo na ang gusto mo. I'm your teacher and you're just my student!" malakas na sigaw nito. Tumayo ako at nakipagtitigang muli dito.
"Correction I'm your boss and you're just my employee. We give you money to teach students not to make your students introduce themselves one by one. " Halata mo sa mukha nito ang pagkapahiya. Halata mo rin ang inis nito sa akin. I know na ang immature ko sa part na 'yun pero kasalanan din niya, binoring niya ako sa klase niya.
"Class dismissed." Halos takbuhin na nito ang pinto para lang makaalis sa aming classroom.
Narinig ko ang palakpakan nila. Idol na naman nila ako. Pailing iling akong umupo at tumabi sa aking asawa.
Tinitigan ko yung buhok niya. Natutulog kasi siya kaya ayokong maabala ito. Kapag natuloy yung introduction ko then kapag natapos na ako sa pag iintroduce edi gigisingin siya ng teacher namin para lang magpakilala at ayokong mangyari na maabala siya sa pag tulog.
Napansin ko ang pag galaw nito. Siguro dahil ang ingay agad kong tinignan ang mga classmate ko at sinenyasan silang tumahimik. Saglit lang at tumahimik na rin sila agad.
Buti na lang at 'yung ibang teacher ay hindi na nagpa introduce at sinabi na lang ang mga rules nila kuno na as if namang susundin ko.
Hanggang sa mag lunch time na at itong asawa ko masyado atang napagod kagabi kasi alam niyo na pero siyempre joke lang yun. Magpapakipot muna ako, para di niya ako masabihang easy to get. Pero mas pa hard to get pa tong isang to kesa sa akin e.
"Voughn," tawag ko dito. Sinundot ko pa ang braso nito pero wala parin mahimbing parin ang tulog. Bakit kaya antok na antok ito?
"Asawa ko," tawag ko ulit sa kanya at muling sinundot ang braso nito pero tulad kanina ay hindi man lamang ito gumalaw. Kami na lang ang tao sa room kaya walang umaabala sa aming honeymoon. Ano ba yan kung ano anong pumapasok sa isip ko. Epekto to ng pagmamahal ko kay Voughn ayieee.
"Kapag di ka pa gumising siyang rarape-in kita." pagbabanta ko dito.
"Isa,"
"Dalawa,"
"Tatlo,"
"Ayaw mo talaga? Ikaw bahala." Lumuhod ako at tinapatan ko ang mukha niya. Naamoy ko ang mabango nitong pabango at pati ang hininga nito.
Ang mahaba nitong pilik mata ay kitang kita ko. Ang matangos nitong ilong at siyempre ang natural red lips nito, manipis at may kurba ang labi nito.
Nilapit ko ang mukha ko dito pero bago ko pa siya mahalikan, nahalikan ko muna yung palad nito. Bahagya niya ang tinulak gamit ang palad nito. Kunot kunot ang noo nito, na akala mo pasan pasan niya ang lahat ng problema dito sa pinas. Bahagya akong napanguso.
"What are you doing?" Kunot noo nitong tanong. Bahagya kong kinagat ang pang ibaba kong labi dahil kahit sobrang nakakunot ang noo nito ay sobrang gwapo niya pa rin, kahit anong itsura niya ay sobra pa rin niyang gwapo.
"Uhm sitting?" patanong kong sagot. Mas lalong napakunot ang nooo nitosa naging sagot ko. Napaupo kasi ako sa sahig ng bahagya ako nitong itulak gamit ang palad niya. Grabe parang si hulk yung kamay niya, ang laki. Sakop na sakop sa mukha ko.
"Are you planning to kiss me?" Hindi parin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Kunot na kunot pa din ang noo nito pero sobrang gwapo niya pa rin, pinipigilan ko lang ang sarili kong kiligin dahil alam kong kakagising lang niya at kapag kakagising lang nito ay kahit sa konting galaw ay naiinis na siya agag, tignan niyo wala naman akong ginagawa sa kanya pero grabe ang kunot noo nito sa akin.
"Of course." proud kong sabi.
Honesty is the best policy. Napaka-honest mo Synesthea.
Ang kaninang kunot na noo, kulang na lang pati buong mukha nito ay kumunot. Nagdikit na ang makakapal nitong kilay.
Inirapan lang ako nito at lumabas na ng classroom at ang ending ayun tumatakbo ako habang nakaheels dahil hinahabol ko siya. Muntik pa akong matalisod dahil sa lintik na bato na 'yan pero hindi man lang siya natinag o kahit lingunin ako ay hindi man lang niya ginawa at nag patuloy lang siya sa pag lalakad kaya wala akong nagawa kahit na medyo masakit ang paa ko ay hinabol ko pa rin siya.
Agad siyang pumasok sa aming kwarto. Oo, may kwarto kami ng mga kaibigan ko. Pinagawa talaga namin 'yun ni Kuya para may matatambayan kami kung sakali. Merong ref, naka aircon pa, may sofa at may tv pa may kwarto pa para kung sakaling antukin kami, may banyo at kusina. Para na talagang bahay para kung sakali ding maglayas ang isa samin pwede na ditong tumira.
Pagbukas ko ng pinto agad hinanap ng mata ko ang asawa kong si Voughn at ayun nagsisimula na agad kumain. Napa pout naman ako. Ako na naghintay sa kanya sa classroom tapos di man lang ako hintayin.
"Kala ko diet ka kaya di ka pupunta sa tambayan. Alam mo na diet para naman magustuhan ka na ni Voughn." tumawa pa ito. Isa pa itong si Calyx ang sarap putulin ng pinagmamayabang, tignan na lang natin kapag pinutol ko na yang pinagmamayabang niya. Inirapan ko siya.
"Ha-ha-ha funny." sarcastic kong sabi sabay irap ulit.
"Halata nga Synesthea-girl tumawa ka sa sinabi niya e." Napangiwi naman ako kay Miskie. Wow, ha. Ginatungan pa niya yung ulupong na yun. Ang love talaga, nakakaloka.
Sa sobrang inis ko kumuha ako ng malaking pizza at malaking subo agad ang ginawa ko na halos maisuka ko na ang kinain ko.
"What's with you, Synesthea? Eat properly." Pasimple kong inirapan si kuya. Lalo akong nababadtrip sa kanya.
"Ano nga pala ginawa niyo? Ikaw na ang tatanungin ko, Synesthea kasi 100% tulog si Voughn." Bigla itong tumawa at nagtaas taas pa ng kilay. Hindi naman siya pinansin ni Voughn.
"Ano pa nga ba? Edi introduction." bored kong sagot.
Same strands kaming lahat maliban kay kuya dahil Collage na ito. Pero hindi sila pumasok dahil nga expected na nilang boring ang first day. Ako napilitan lang pumasok dahil papasok ang asawa ko. Alam ko namang kapag hindi ako pumasok at hinayaan kong si Voughn lang ang mag isang papasok may tatlong posibleng mangyari; may lumandi sa kanya, mamimiss ako ni Voughn alam ko yun kahit di niya sabihin at higit sa lahat, hindi ako pwedeng mawala sa tabi ni Voighn kasi nga mamimiss niya ako. Kulit niyo. Hindi ko alam kung bakit sobrang sipag ng asawa kong pumasok, e natutulog lang naman siya sa classroom at hindi nakikinig. Napapasok din tuloy ako ng wala sa oras dahil sa kanya.
"Pustahan may ginawa na namang kalokohan si Synesthea." tatawa tawang sabi ni Hunter at sabay pa silang nag apir ni Calyx.
"Ako pa." mabilis silang nagtawanan sa naging sagot ko.
"Sabi na eh." Pailing iling na sabi ni Hunter.
"You know me." Kinindatan ko pa ito.
"Pumasok na kayo. Tapos na ang lunch time." Lumabas na ito ng kwarto. Si Kuya talaga napaka moody. Kaninang umaga ang ayos ayos pa niya pero ngayon bigla na naman nagbago ang attitude niya. Well, sanay na naman kami sa kanyang pabago bago ng mood.
"Anyare kay Vincent?" takang tanong ni Hillary. Tsaka lang magsasalita si Hillary kung tungkol kay kuya ang pinag uusapan. Bigla akong napailing.
Kahit hindi sinabi sa amin noon ni Hillary na may gusto siya kay Kuya ay napansin na namin agad ni Miskie dahil alam namin ang ugali ni Hillary. Napansin namin na laging pag dating kay Kuya ay nag iiba ito, biglang nag kakaroon ng pakielam. Si Hillary ay hindi friendly na tao kaya bukod sa kamag anak niya at kami ay wala na itong ibang kakilala dahil sabi niya ay wala rin naman siyang pakielam sa mga ito. Minsan ay napapaisip akong kung paano kami naging magkaibigan ni Hillary. Ngunit kahit tahimik si Hillary ay napaka observant niyan at lahat napapansin kaya wala kang maitatago diyan and super secretive niya, hindi nga lang niya natago ang pagkagusto niya kay Kuya dahil sobrang halata niya masyado.
"Siguro nireregla." biglang sigaw ni Hunter sabay hagalpak ng tawa. Hindi naman siya pinansin ni Hillary. Lumapit si Hunter kay Hillary at tumabi pa.
Minsan ay iniisip ko na may gusto si Hunter kay Hillary dahil sobra pa sa sobra ang pag papapansin nito kay Hillary pero dahil madalas ay nakikita ko itong kasama ang iba iba niyang girlfrend ay nag dadalawang isip ako. Isang beses ay tinanong ko si Calyx pero ang sabi lang nito ay ganon lang daw talaga si Hunter at kaya ganon si Hunter kay Hillary ay dahil tahimik si Hillary at ayaw ni Hunter ng tahimik kaya gusto niyang paingayin si Hillary.
"Hindi ka natawa?" Tinignan siya ni Hillary ng bored look.
"Sa tingin mo nakakatawa 'yung sinabi mo?" Napapout naman si Hunter at lumingon sa amin. Maluha luha pa ang mata nito na parang nasaktan sa sinabi ni Hillary. Agad kaming natawa dahil sa mukha nito.
"Nakakatawa kaya 'yung sinabi ko, kaya nga natawa ako e." pabulong na sabi nito pero halata mong pinaparinig naman.
"Self support." Humagalpak ng tawa si Miskie. Sinamaan naman siya ng tingin ni Hunter.
"Shut up, hindi ka gusto ng usto mo!" pang aasar ni Hunter kay Miskie. Agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Miskie.
"Kesa naman sayo, walang nag-kakagusto dahil sa sobrang panget ng boses mo." Natawa naman si Hillary kaya agad napalingon si Hunter kay Hillary at ginawa na naman ang pagnguso at maluha luha nitong mukha, napairap naman si Hillary.
"Marami kayang nag kakagusto sa akin at anong panget ang boses ko? Mag aaudition pa nga ako sa The Voice e." Agad humagalpak ng tawa si Miskie dahil sa sinabi ni Hunter.
"Goodluck na lang." Tatawa tawang sabi ni Miskie.
Hindi ko alam kung saan nakakakuha ng lakas ng loob si Hunter na kumanta. Sobrang panget talaga ng boses nito. Sobrang lakas pa ng loob nito at kung saan saan pa nakanta at sobrang lakas pa ng boses. Madalas din itong mag audition sa mga singing contest. Ang alam ko ay singer ang mother niya pero sa kasamaang palad ay hindi niya namana ang kagandahan ng boses ng mother niya, disaster ang boses niya.
Tumabi na lang ako kay Voughn na hanggang ngayon ay kumakain parin habang nagpipindot sa cellphone niya. Nacurious naman ako kung ano yung ginagawa niya kaya sinilip ko pero mabilis niyang pinatay ang screen. Napapout naman ako. Parang may tinatago kung makapag tago ng cellphone.
"Stop pouting." inis na sabi nito.
Lalo ko pang hinabaan ang nguso ko at nilapit 'yun sa mukha niya pero palad niya agad ang una kong nahalikan. Napa cross arm naman ako.
"Parang kiss lang sa pisngi di pa pag bigyan hmp." Parang bata kong sabi.
Nahalikan ko na naman si Voughn, sa lips pa nung natulog sila sa bahay namin. Dahil malakas ang pakiramdam nito nalaman niya na hinalikan ko siya, sumakit nga yung pwet ko nun kasi tinulak niya ako nun pero worth it naman 'yung sakit dahil nahalikan ko naman siya, sa tuwing naalala ko iyon at napapahawak ako sa labi ko at hindi maiwasan na kiligin, kahit na ilang minuto lang 'yon ay ramdam ko ang malambot nitong labi sa labi ko.
"Gusto mo i kiss kita, Synesthea?" Sinamaan ko ng tingin si Calyx.
"No thanks. Mas kailangan ni Miskie ang kiss mo." Agad namang namula ang loka loka. Napailing naman ako.
Biglang tumunog yung cellphone ko at look who's calling.
Kuya panot is calling...
Agad ko naman itong sinagot. Ano na naman kayang kailangan nito? Baka may naiwan.
"YOU LITTLE BRAT! NAKARATING SA AKIN YUNG GINAWA MO SA PROFESSOR MO. NAPAPRANING KA NA NAMAN BA? NORMAL LANG SA FIRST DAY ANG INTRODUCTION. PATAY KA TALAGA SAKIN PAG UWI NG BAHAY. ISUSUMBONG KITA KILA MOM AND DAD." Agad na sigaw sa akin ni Kuya pag accept ko pa lang ng tawag niya kaya nailayo ko kaagad iyon sa tenga ko. Napakasumbungera talaga 'non.
"Gandang pambungad naman yan Kuya. Sermon agad. "
"Synesthea, next year collage ka na stop being childish. You need to respect your teacher no matter what, understand?" Napairap naman ako.
"Pano ko rerespetuhin yung taong hindi marunong rumespeto?"
"Synesthea, I know what happened. Stop your bullshits! Say sorry to your professor or else makakarating 'to kila Mom and Dad."
"Never!" Pag mamatigas ko. Bakit ako ang mag sosorry e kasalanan naman niya?
"Synesthea I'm warning you. Kapag di ka nag sorry papalayuin ko si Voughn sayo."
"What?! You can't do that." inis kong sigaw kay Kuya. I know na kaya niya 'yon gawin dahil nasunod si Voughn sa kahit anong sabihin ni Kuya at kapag sinabi ni Kuya na layuan niya ako ay lalayuin niya talaga ako. Paano na ang love story namin?
"Of course, I can. "
"Urgh I hate you!"
"I love you too my litter brat sister."
Pinatay na nito ang tawag. Bwisit na teacher yan. Babalatan ko talaga siya ng buhay sinasabi ko sa kanya. Makita ko lang siya. Bwisit siya. Hindi parin ako mag sosorry pero alam kong may mag sumbong ulit sa kanya na teacher ay papalayuin na niya talaga sa akin ang Voughn ko at malay ko ba na habang wala ako ay may mga langgam na lalandi sa Voughn ko, hindi ako papayag. Titirisin ko silang lahat kapag nilandi nila ang asawa ko, kapag wala pa naman ako sa tabi ni Voughn ay ginagawa itong oportunidad ng mga malalanding langgam para landiin ang asawa ko.
Napatingin naman ako sa at halos lahat sila nakatingin sa akin. Inirapan ko lang sila sa sobrang inis ko.
"Voughn binubully ako nung professor natin sa Math." pgsusumbong ko dito. Bwisit talaga. Kapag naging kami na ni Voughn susunugin ko ang mga pimples niya sa mukha.
"So what?" Napa pout naman ako.
"Ehh wala ka man lang gagawin sa kanya? Binully niya ang asawa mo." Kumunot ang noo nito at napailing na lang. Lumabas ito ng kwarto kaya mabilis ko siyang sinundan.
Naupo kami sa isang bench sobrang hangin dito.
"I want you to know that you are very important to me." gulat akong napalingon kay Voughn pero sa kawalan ito nakatingin. Naiinlove na ba si Voughn sakin? Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Sabi na e no one can resist me, I know naman na gusto ako ni Voughn pero nag papabebe lang ito because he love the chase.
"Voughn.."
"It's impossible for me to live without you even for a second." s**t! Shemay na malutong. Nagcoconfess si Voughn sa akin. Yung lalaking ang tagal kong pinangarap ay ngayon ay nagcoconfess sa akin. Shet na malagket.
"You are my life and I can feel you everywhere." Lumingon ito sa akin. Kahit poker face siya kinikilig parin ako. s**t!
"Pakasal na tayo!" Tumayo pa ako dito. Wala na akong aaksayahing panahon kasal agad. Bahagya itong napatawa. Natulala ako dito dahil ngayon ko lang siya nakitang tumawa.
"Don't mind I was talking about oxygen." Nginisian ako bago muling bumalik sa room namin pero ako ay naiwan na tulala doon. Kahit na oxygen ang tinutukoy niya ay kinilig pa rin ako. Nararamdaman ko na ang amoy ng victory, konti na lang ay mapapasakin na si Voughn at mag papakasal na kami.
"Ilang anak kaya ang gusto niya?" tanong ko sa sarili ko.
"Anong anak ang pinagsasabi mo diyan?" Napalingon ako sa likod ko at nakita ko na naman ang nakakiritang mukha ni Calyx.
"Wala kang pakielam." Natawa naman ito at naupo sa kaninang inuupuan ko.
"Nag daday dream ka na naman, Synesthea." nakangising nitong sabi at sa tono pa lang niya ay alam kong nang aasar na siya.
"Hindi ka pa nga gusto ni Voughn iniisip mo na agad kung ilan ang magiging anak niyo, kakaiba ka talaga." Tumawa ito kaya agad ko naman siyang sinipa sa sobrang inis.
"Pake mo ba?" Mas lalo itong tumawa kaya mas sinipa ko siya na agad naman niyang inilagan habang natawa.
"Epal ka talaga." Hindi ako nakuntento at hinampas ko pa siya kaya agad niyang sinalag ang hampas ko sa kanya.
"Gayumahin mo kasi para matupad ang pangarap mo." Agad ko siyang inirapan.
"Duhh. Hindi ko na kailangan ng gayuma, nararamdaman ko na, na konti na lang ay magpapakasal na kami ni Voughn." Natawa ito sa sinabi ko kaya sinipa ko ulit siya pero this time ay nilakasan ko na kaya napahawak ito sa binti niya.
"Ipagdasal mo 'yan. Pumasok ka na doon at baka pinag pipiyestahan na ang magiging daddy ng baby mo." Sinamaan ko siya ng tingin bago inayos ang sarili. Nag lakad na ako papunta sa room namin pero nilingon ko si Calyx at pinapanood ako nito at ng mapansin nitong nilingon ko siya ay agad niyang tinaas ang middle finger niya. Dinilaan ko naman siya na agad niyang kinatawa bago ako pumasok sa room.