First Day of School
SYNESTHEA'S POV
Naglalakad na ako pauwi ng school. Madilim na sa eskinitang nilalakaran ko pero sanay na naman ako kaya hindi na ako natatakot. Napahinto ako at nag-taka ng may biglang tumigil na puting Van sa harapan ko. May bumabang mga lalaki at tinakpan ang bibig ko, nawalan ako ng malay at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.
Nagising ako na nakahiga na ako sa isang malaking kwarto. Napatingin ako sa suot ko ng mapansin na iba na ang suot kong damit. Naka pink dress ako, fitted dress and backless siya. Nakaheels akong pink din. Napabangon ako at napalingon sa salamin. Nakamake up ako then maayos ang buhok ko. Napatingin ako sa salamin ng may nakalagay na sticky notes.
-My Queen,
Kung nabasa mo ito, I'm sure na gising ka na. Lumabas ka ng condominium ko at sundan mo ang mga rose petals.
-Your King
Sinunod ko yung nakasulat. Lumabas nga ako at may nakita nga akong rose petals pero kapag labas ko may bumungad sa aking bouquet ng flowers. Agad ko itong kinuha at inamoy. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa naputol na ang rose petal sa may fountain.
Nakatayo lang ako dun ng biglang umulan ng snow. Gustong-gusto ko ang snow. Nagtatatalon ako habang sinasalo ang mga snow, alam kong fake snow lang ito pero masaya pa rin ako kasi kahit papaano nalaman ko yung pakiramdam ng may snow.
Napangiti ako ng biglang umilaw ang daan. Bawat hakbang ko umiilaw siya. Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makaabot ako sa dulo. May nakita akong lalaking nakatalikod. Agad itong humarap sa akin ng maramdaman niya ang presensiya ko. Ang lalaking kaharap ko na ngayon ay si- Voughn Royer.
"Synesthea," tinignan ko siya sa mata. Lumuhod siya sa harap ko na ikinabigla ko. Shitness, don't tell me magpopropose siya?
Hinawakan ni Voughn ang dalawa kong kamay habang nakaluhod pa rin siya.
"Synesthea, hindi ko alam kung kailan o paano nag simula itong nararamdaman kong ito para sayo. Nagising na lang akong bigla na hinahanap-hanap na kita. Mahal na mahal kita, Synesthea. And, I know, na mahal mo rin ako... Synesthea Sivan will you marry me? "
Hindi na ako nakapagpigil at napatili na lang ako sa sobrang kilig. Sa tagal ko itong pinangarap, sa wakas, natupad din. Aatras pa ba ako? Nandiyan na sa harap ko ang isang Voughn Royer, na niyayaya akong magpakasal.
"Ye-"
"Anong nangyari sayo?! May magnanakaw ba?! May nang-r**e ba sayo?! Pinatay ka ba nila?!
Anong ginawa nila sayo?!
May sunog ba?!
Tatawag na ba ako ng bumbero? O ng pulis? "
Nagising ako sa lakas ng bukas ng pinto at ang malakas na boses ni Kuya. May hawak pa itong kawali pero bwisit lang talaga si Kuya. Mag yeyes na ako kay Voughn pero bigla ba namang papasok sa kwarto ko at nagsisisigaw-sigaw.
"Bwisit naman oh! Bakit ka ba nandito, kuya? Atsaka bakit ba sigaw ka ng sigaw?!" irita kong tanong.
"Hoy Synesthea, ikaw ba naman magtitili tili ka diyan, akala ko tuloy may kung ano ng nangyari sayo. Bakit ka ba kasi tili ng tili? Para ka namang tanga."
"Kuya naman, eh! Mag-yeyes na ako kay Voughn dahil nagconfess siya sa akin. Yieeee!" Kilig na kilig ako habang impit pang tumitili.
Anong itsura ni Kuya? Naka-poker face siya habang napa face palm. Nakakakilig naman talaga. Ikaw, tanungin ka ng mahal mo nang 'Will you marry me?' Hindi ka kikiligin? Baka hindi lang irit ang gawin mo. Baka mag hubad ka na sa sobrang saya.
"Hulaan ko, tinanong ka niya ng will you marry me?" Napabangon ako at pinisil pisil pa ang pisngi ni Kuya habang naka poker face.
"Ang galing mo kuya. Paano mo naman nalaman?"
Baka naman may super powers si Kuya tapos napapanood niya ang mga panaginip ng tao kaya alam niya ang panaginip ko. Ang astig naman ni Kuya kung ganon.
"Tanga! Isang linggo mo na yang napapanaginipan!" Padabog na umalis si kiya sa kwarto ko. Oo nga pala, isang linggo ko na napapanaginipan na tinatanong ako ni Voughn ng Will you marry me? Pero lahat hindi ko nasasagot kasi eextra si Kuya. Pakiramdam ko nga may gusto si Kuya kay Voughn at si Kuya ang hadlang sa pagmamahalan naming dalawa. Oh well, I don't care basta mahal ko si Voughn at kahit si kuya pa ang aking rival hinding-hindi ako susuko, si Synesthea Sivan kaya ito at lahat ng gusto ko nakukuha ko kailangan ko nga lang talagang pag-hirapan ang hard to get na si Voughn.
Ginawa ko ang daily routine ko. Kapag baba ko nakita ko si kuya na nakabusangot habang subo-subo ang hotdog.
"Kuya~" Good-mood ako kasi napanaginipan ko na naman yung palagi kong napapanaginipan. Kahit hindi pa ako nakakayes, automatic na yun. Tinadhana talaga kami ni Voughn sa isa't-isa.
Naupo ako sa katabing upuan ni Kuya pero hindi man lang niya ako pinansin. Asus~ tampururot pa itong si kuya If I know gusto lang niyang lambingin ko siya.
"Good morning, kuya! Maganda ba ang tulog mo?" I asked him while poking his cheeks.
"Tigilan mo nga yan, Synesthea!" Tinampal niya yung daliri ko. Alam ko na ang sagot sa tanong ko. Bad mood siya. Bakit kaya?
"Kuya, 17 years old na ako kaya... Pwede na ba akong mag drive ng kotse ko? May student license na naman ako, 'eh." Nag-puppy eyes pa ako at nag pacute. Ayoko na kasing hinahatid-sundo ako ng driver, para naman akong bata. Mas cool kapag may sarili kang kotse at ikaw pa ang nagmamaneho, mas lalong maiinlove sakin si Voughn.
"Hindi papayag sila Mom and Dad. Diba ang usapan kapag 18 ka na tsaka ka lang mag-da-drive?" Napapout naman ako. Galit siya sa akin. Dati nga siya pa naguudyok sa akin na ako na ang mag drive ng kotse ko tapos ngayon may pa 18 18 pa siyang nalalaman, 'eh kaka-17 ko pa lang.
"Ang tagal pa nun. Atsaka anong silbe nitong student license ko kung hindi lang rin pala magagamit? At bakit niyo pa ako binilhan ng kotse kung hindi ko rin pala imamaneho?" inis kong tanong kay Kuya.
"Ewan ko sayo, wag mo akong kausapin!" Napapout naman ako. Kahit kailan ang init lagi ng ulo ni kuya.
"Sige na kasi, Kuya." Pamimilit ko sa kanya.
"Sakin ka na lang sumabay, Synesthea. Papagalitan na tayo nila Mom and Dad." Napairap naman ako. Galit siya sa akin kaya siya ganyan. Ang babaw kasi niyang si Kuya. Kainis!
"Bahala ka na nga diyan. Ayoko ng kumain, nawalan ako ng gana." Tumayo na ako at nag simulang maglakad paakyat.
Alam kong hindi ako matitiis ni Kuya, love na love kaya niya ako. Lalo na kapag nagtatampo ako alam kong lagi niya akong susuyuin. Iniispoiled ako nila Mom and Dad pati na rin si Kuya kaya siguro ganito katigas ang ulo ko at hindi ako titigil hanggang sa hindi ko nakukuha ang gusto ko.
"Fine. Kumain ka na." May bahid na ng paglalambing sa tono ng boses ni Kuya na nagpalawak talaga ng ngiti ko. Hindi niya talaga ako kaya tiisin. Agad akong tumakbo sa kanya at niyakap siya, umupo na rin ako sa tabi niya at nag simula ng kumain.
"Teka lang, Kuya. Naiwan ko yung cellphone ko." Binalikan ko pa ang cellphone ko at binasa ang mga messages. Yung mga importanteng tao lang siyempre ang binuksan ko ang message ang dami kasing papansin na nagtetext sa akin, hindinko naman kilala.
From:Miskie Lokaret
SYNESTHEA-GIRL, GOOD MORNINGGG :) FIRST DAY OF SCHOOL NGAYON AND I'M SURE MAGKIKITA NA NAMAN KAMI NI CALYX WAHHHH PAPAGANDA MUNA AKO PARA KAY CALYX, SYNESTHEA-GIRL BABYE MWUAH
To:Miskie Lokaret
GOOD MORNING LOKA!! INLOVE NA INLOVE LANG KAY CALYX? AHAHAHA XD PAREHAS TAYO MISKIE WAHHH NAGPAGANDA AKO NG BONGGA PARA KAY VOUGHN. MAY IKUKUWENTO PA AKO SA INYO NI HILLARY YIEE SIGURADONG KIKILIGIN KAYO
Message sent...
From: Hillary Sivan
GOOD MORNING SYNESTHEA!! WAKE UP SIS
To: Hillary Sivan
GOOD MORNING HILLARY SIS!! :) PAPUNTA NA KAMI SA SCHOOL NI KUYA YIEE
Message sent...
From: Idiot Calyx
GOOD MORNING SLEEPY HEAD!! XD PAPUNTA NA KAMING SCHOOL...
TO: Idiot Calyx
GOOD MORNING HILA BOY XD PAPUNTA NA RIN KAMI NI KUYA DIYAN PABANTAY SI VOUGHN BAKA MAY LINTANG UMAALIGID SA KANYA
Message sent...
Mas naging close ko si Calyx sa lahat ng kaibigan ni Kuya, nung una naiinis ako sa kanya kasi para siyang tanga at sobrang papansin niya. Sobrang manhid niya pa at hindi niya mapansin na may gusto sa kanya si Miskie o sadyang wala lang siyang pakielam tbh ayoko siya para kay Miskie kasi sobrang babaero niya. But naging close kami dahil lagi niya akong inaasar but at the same time ay tinutulungan niya ako kay Voughn.
Tinext ko na rin si Voughn. Nag-punta na akong garahe at nakita ko si Kuya na bored na pinapaikot ang susi sa kamay niya habang sumisipol.
"Bakit ang tagal mo?" tanong niya nang makalingon siya sa akin. Hinagis niya ang susi ng Lamborghini Reventon ko. I love Lamborghini and Ferrari's cars.
"Nag-reply pa kasi ako sa text nila Miskie kaya medyo natagalan." Ngumiti pa ako ng napakalapad sa kanya. Umiling lang siya at sumakay na sa Bugatti Veyron EB16.4
Nauna na siya at ako naman ay sumusunod lang sa kanya. Saglit lang naman ang byahe namin at nakarating na agad kami sa SU (Sivan University). Yep, kami ang may-ari ng school na 'to. Obvious naman diba? My family is one of the most richest people in the world.
Tulad ng inaasahan ko, maraming mga nag-aabang sa amin. Sikat kami dito sa SU lalo na sila Kuya. Ang gagwapo kasi nila lalo na si Voughn ko. Maraming nag-kakagusto sa kanila lalo na kay Kuya kasi nga daw almost perfect na. Kumbaga parang full package na.
May sabay-sabay na tatlong kotse at alam kona kung ang mga iyon. Lumabas na ako sa kotse ko at sumandal sa kotse ko. Ngumiti naman ako sa mga fans ko. May mga fans ako sa pagiging b***h at pagiging maganda pero siyempre dahil nga may fans ako, meron din akong mga haters but wala naman silang magawa dahil lupa lang sila na inaapak-apakan ko lang. Lalo na ang mga langgam na may gusto sa asawa kong si Voughn.
Lumabas si Kuya sa kotse niya at lalo silang nag-iritan. Plastik naman 'yang si Kuya. Psh. Ang sama-sama niya sa akin pero sa iba ang bait. Ako 'yung kapatid hindi sila pero parang sila yung magkapatid kasi ang sama sakin ni Kuya but i still love my kuya because he's always there when I need him. He's always protecting me but he's always bullying me. Hindi naman sa sinasaktan ako pero lagi niya akong binubully sa mga salita niya. Sinasabihan niya akong 'Ang panget mo.', 'Kapatid ba talaga kita? Hindi kasi tayo magkamukha AHAHAHA.' Yung mga ganyang salita.
"Baby you like up my world like nobody else,
The way that you flip your hair gets me overwhelmed,
But when you smile at the ground it ain't hard to tell,
You don't know,
Oh, Oh,
You don't know you're beautiful,
If only you saw what I can see,
You'd understand why I want you so desperately,
Right now I'm looking at you and I can't believe,
You don't know,
Oh, Oh,
You don't know you're beautiful,
Oh, Oh,
That's what makes you beautiful."
And jeez. Sino pa ba ang kumakanta? Edi si Hunter. He loves singing. Pero ayos lang sana kung maganda ang boses niya, 'eh. Pero shemay naman h'wag naman sana bumagyo at wala akong dalang payong. Kapag umulan, sisisihin ko si Hunter. His voice is really... disaster.
I don't know why other girls is so inlove in his voice. They loves his voice. But what the heck? Anong kainlove-inlove sa boses niya?
Nag-iritan ang mga babae. Ngiting-ngiti naman si Hunter at kumakaway pa. Kumanta na naman siya at lalong naglakasan ang irit. Kaya lumalaki ang ulo ni Hunter dahil sa kanila.
At ngayon ang aking prince charming na ang bumaba sa kotse niya. And he's wearing his oh-so-famous-poker-face. I love this guy. Nung una akala ko pag-hanga lang ang nararamdaman ko sa kanya pero nung lagi na kaming magkakasama lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Yes, I'm crazy In love with him and I will do everything para maging akin siya. Kailangan ko lang naman alisin ang mga sagabal sa amin.
Lumapit ako sa kanila at ngumiti ng napakalapad. Halos isang linggo kaming hindi nag-kita kasi busy daw sila. Kadalas kong katext si Calyx dahil hindi naman nagrereply ng text ko si Voughn. Kainis lang. Agad kong nilingkis ang braso ko kay Voughn. Sanay na naman siya kaya hindi na rin sila nagulat sa ginawa ko.
"Synesthea-girl!!!!!" Para siyang nakalunok ng mega-phone sa sobrang lakas ng boses niya. At sino pa ba? Edi si Miskie. Kasabayan lang din niya si Hillary na nagtatanggal na ng helmet niya. Hillary loves motor bikes while Miskie loves sport cars.
"Miskie! Hillary!" Sinalubong ko sila ng yakap.
"Hi sa inyo!" Bati ni Miskie kina Voughn.
"Long time no see. Namiss ko kayo. Pahug naman." At bago pa kami makapag-react nila Miskie agad na kaming niyakap ni Hunter. Nagtawanan naman sina kuya.
"Ang gaganda niyo ngayon. May pinapagandahan kayo?" Namula kaming dalawa ni Miskie sa sinabi ni Calys. Nagpapaganda ako para kay Voughn at si Miskie para naman kay Calyx.
"Talaga?" pulang pulang tanong ni Miskie kay Calyx. Hindi ko alam kung bakit hindi mapansin-pansin ni Calyx na mag-gusto sa kanya si Miskie. Pero siguro naman napapansin niya kahit papaano. Sa mga tingin palang ni Miskie alam mo na agad pero dahil nga manhid si Calyx, wala siyang kaalam-alam. Minsan pa nga pinag-shiship niya sila Miskie at Hunt dahil daw parehas maingay, bagay daw sila ni hunt.
"Matagal na akong maganda." I said and flip my hair. Tumawa naman si Calyx at inakbayan ako.
"Yeah. Napakaganda mo pero hindi tumatalab ang ganda mo kay Voughn." Napa-poker face naman ako. Ang sama niya. Hinampas ko siya sa dibdib dahil sa sobrang pagka inis, 'yan na naman siya sa pang aasar niya sa akin.
"Grabe ka naman kay Synesthea. " Tatawang sabi ni Hunt. Hindi ko na lang sila pinansin at lumapit na lang kay Voughn na nakapoker face at nakasuot ang kamay sa bulsa ng pants niya. Nilingkis ko ang kamay ko sa braso niya at humalukipkip.
"Tama na yan. May klase pa tayo. "
Naglakad na kami. Si kuya humiwalay sa amin kasi sa kabilang building pa siya.Tumigil ako para tignan ang schedule ko.
"Synesthea-girl, " napalingon ako sa bumubulong na si Miskie.
"Oh?"
"Yung langgam may dalang cake mukhang magcoconfess." Napakunot ang noo ko at napatingin sa pwesto nila Vaughn. At oo nga, yung langgam may dalang cake.
Dahan-dahan akong lumapit at nanood. Yung langgam na may hawak na cake ay nakaluhod habang nakataas yung cake. Si Voughn naman nakatingin sa kanya habang nakapamulsa. Gets niyo?
Napatingin ako sa cake na hawak niya. Kapal ng face nitong langgam na 'to. "Can you be my Boyfriend, Voughn Royer? Iloveyou ♥" Oh di'ba? Ang kapal lang. Asa siya. Tirisin ko siya 'eh.
Napatingin sa akin yung dalawang kasama ni Langgam at nanlaki ang mata. As in. Malaki talaga. Malaki na nga mata nila tas papalakihin pa nila. Tinatayo na nila yung langgam pero nakayuko pa din na tinatabig ang kamay nung kaibigan niya.
"V-voughn," huminga siya ng napakalalim 'yung tipong nilalabas na niya lahat ng hangin sa katawan niya at ayun namatay siya. Joke. "Unang kita ko pa lang sayo, alam kong ikaw na. Mahal na mahal kita. Nasasaktan ako tuwing nakikita kong magkasama kayo ni Synesthea. Birthday ko ngayon, pwede bang ikaw ang gift ko? Kahit isang araw lang, maging akin ka. Gusto ko kasing maranasan na maging akin ka kahit isang araw lang. Voughn ngayong araw lang, can you be my-S-synesthea?!" Gulat niyang sabi ng tumunghay siya. Grabe yung speech niya, tinalo pa ako.
"Hi, langgam! " Kumuway pa ako sa kanya. Tinikman ko yung cake niya. Masarap siya. Masarap ihagis sa mukha niya. Hihi.
"Nagtatampo na ako niyan, si Voughn lang ba bibigyan mo ng cake? Paano naman si Synesthea?" Nagpacute ako kay langgam. Wala lang trip ko lang.
"Yan na, nakaayos na yung camera." rinig kong sabi ni Hunter
"Synesthea pusta ko, 5,000" rinig ko namang sabi ni Calyx.
"Synesthea din ako." At ayun nagpustahan sila. Marami na ring nanonood sa amin. Napailing naman ako.
"Di naman mahilig si Voughn sa Caramel. Kaya akin na lang!" Kinuha ko na yung cake. Walang nagawa si langgam kung hindi ibigay at nung binigay na agad kong binitawan. Sapul sa ulo.
"Hala!" Tinakpan ko yung bibig ko at kunyaring nagulat. "Sorry. Sinasadya ko." Nginitian ko siya ng malapad.
Napatingin ako kay Voughn pero nag lalakad na siya palayo. Napanguso ako. Di man lang pinanood yung pinaka-exciting part.
"Panalo ako."-Calyx
"Baliw ka. Si Synesthea din pinusta ko kaya panalo din ako."-Miskie
"Edi paghatian na lang natin." Napailing ako sa kabaliwan nilang dalawa. Pero ang sweet nila. Bagay silang dalawa, hindi kasi sila tao. Okay ang mais ko.
"Hillary sige na."Pamimilit naman ni Hunter kay Hillary. Asa naman siyang kausapin siya niyan.
Hindi ko na sila pinansin. Nagmartsa na ako paalis. Sumunod na ako sa room namin at iniwan ang apat na yun. Magkatuluyan sana sila at magkatuluyan sana kami ni Voughn. Yiee.
Kapag pasok ko may nakita na naman akong linta. Hinahaplos-haplos niya ang machong braso ni Vough KO. KO talaga dahil akin siya. Medyo lumapit na ako sa kanya.
"Napakagwapo mo pala ng malapitan." With matching kagat labi pang sabi nung linta.
"Samahan mo ako mamaya, pwede?" Nagpacute pa ang gaga. Mukha namang espasol.
Lumapit na ako ng tuluyan sa kanila at nilagay ko ang bag ko sa lap nung linta. Napakunot ang noo niyang tumingin sa akin.
"Hey, alisin mo nga yang bag mo sa makinis kong hita. Who are you ba?!" Tinignan ko yung linta mula ulo hanggang dulo ng buntot niya.
Tinakpan ko yung bibig ko na kunyari shock na shock ako.
"Hala, sorry! May tao palang nakaupo. Akala ko kasi upuan ka rin, kakulay mo kasi." Narinig kong nagtawanan yung mga kaklase namin. Napahiya naman yung babae kaya nag-walk-out. At sino na naman ang panalo? Siyempre si Synesthea.