"Bro, wala ka bang balak ipakilala ang naggagandahang dilag sa amin?" Tanong ni Calyx tumawa naman iyong katabi niya.
"Oo nga, Vincent. Atsaka magaling ba silang kumanta? Kasing galing ko ba?" Agad siyang binatukan ni Calyx. Tumawa naman siya. Baliw.
"Disaster ang boses mo Hunt. Maawa ka sa panahon." Napailing na lang si Gwapo-este iyong naka headset sa kanila.
"Itong katabi ko si Hillary Averyl Samonte, then yung katabi mo Calyx si Miskie Venice Farell at ito naman ang kapatid kong si Synesthea." Pakilala ni Kuya sa amin. Agad tumayo si Calyx at lumapit sa akin, tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Sabi ko na nga ba eh." Sabi ni Kuya habang bumubuntong hininga.
"Hi," tinignan ko lang siya at nagearphone tsaka sumandal sa sofa.
"What do you need?" Pagtataray ko dito. Bahagya ako siniko ni Hillary pero pake ko?
"Uhm Calyx Chase Demir," Napakamot naman siya ng batok niya at alanganin pa akong nginitian. Tumango lang ako. As if namang may pakielam ako sa pangalan niya. "At ito namang pangit kong katabi ay si Hunter Hayes Ferrer," Tinignan ko naman yung Hunter. Nginitian niya ako at kinawayan pa pero snob ako sa personal. "At ito namang masungit ay si Voughn Royer." Voughn... Nice name. Bahagya akong napangiti habang tinitignan si Voughn na may katext sa cellphone habang nakahead set.
Tinanggal ko ang earphone ko at nginitian ko si Calyx. Halata mong playboy itong Calyx na ito at TAO ako at hindi laruan kaya hindi niya ako madadaan sa pagpapacute niyang 'yan. Nagmumukha lang siyang aso.
"Nagugutom na ako, Kuya." Tumango si Kuya at tumayo. Si Kuya magaling siyang magluto kaya laging siya ang nagluluto ng pagkain namin, minsan si Manang pero mas madalas siya ang nagluluto.
"Yun oh! Magluluto si Vincente." Tuwang tuwang sabi ni Hunter. Tumabi siya kay Hillary at mukhang dadaldalin ito pero asa namang may makuhang matinong sagot kay Hillary.
Kumain na kami hanggang sa mag ala sais na kaya ayun nag-paalam na silang lahat sa amin.
"Miskie, right? Gusto mo isabay na kita same subdivision lang naman tayo." At ang gaga kilig na kilig pa kay Calyx. Sila Hunter, Hillary at Voughn may dalang mga sasakyan.
"Synesthea-girl babush." Ngiting-ngiti ang gaga, nagflying kiss pa siya sa akin.
"Hillary-girl ingat ka babush." Sumakay na si Miskie sa sasakyan ni Calyx.
Kumuway sa akin si Hillary at sumakay na sa motor bike niya. Iyan ang ginagamit niya para astig daw tignan. Lumapit sa amin yung tatlong kaibigan ni Kuya.
"Next time ulit, Vincente." Natatawang sabi ni Hunter at bahagyang sinuntok ang braso ni Kuya, nagtawanan naman sila. Ang weird nila.
"Synesthea mamimiss kita huhuhu wag kang mag-alala kakantahan kita kapag nagkita tayo." Nakaawang ang labi ko at naniningkit ang matang tinignan ko si Hunter na yayakapin sana ako pero tinulak siya ni Kuya. Tumawa lang naman si Hunter at nagpaalam na.
"Sisibat na ako, Vincent." Napatingin naman sa akin si Calyx, "Synesthea Sivan, hindi ito ang huli nating pagkikita." Kinindatan niya pa ako bago tinapik ang braso ni Kuya na napapailing na lang.
"Yeah. I know." Pinaikot ko ang mata ko.
"Hoy Calyx! Sa subdivision niyo ang tuloy wag sa motel." Nag salute naman si Calyx at sumakay na sa sasakyan niya.
"Mauna na ako, Vincent." Nakapamulsang sabi ni Voughn. Tumango si Kuya at tinapik ang balikat nito.
"Bye Voughn!" sigaw ko ng tumalikod na si Voughn. Shemay ang gwapo ng likod niya. Hindi naman niya ako pinansin miski tinignan man lang at nagtuloy tuloy lang ito sa paglalakad.
Nagmartsa na ako paitaas ng kwarto ko ng tawagin ako ni Kuya.
"Synesthea,"
"Yes, Kuya?"
"Do you like him?" Napataas naman ang kilay ko. Who is him?
"Who?"
"Voughn." Napatigil ako at napalingon kay Kuya at nginitian siya ng malapad. Well, crush ko lang siya kasi gwapo siya. 'Yun lang 'yun. Atsaka challenging siya kasi kanina hindi siya nasindak sa kagandahan ko.
"Well, he's handsome." Nagkibit balikat lang ako at umakyat na sa kwarto ko.
Agad kong kinuha ang laptop ko at binuksan ang f*******: ko. Kapag bukas ko ang daming friend request at messages.
Sinerch ko ang Voughn Royer at click ko yung unang lumabas. Inadd ko siya at nag hintay ng ilang minuto pero hindi niya pa ako inaaccept. Baka hindi siya online.
Mag-lolog out na sana ako ng may nag-add na naman sa akin.
Calyx Chase Demir
Accept Ignore
Inaccept ko na lang siya. Nag-log out na rin ako kapag katapos nun. Nahiga na ako sa malambot kong kama at napatingin sa kisame.
Naalala ko si Voughn, hindi ko alam kung bakit hindi ko siya maalis sa isipan ko. May kakaiba sa kanya, hindi ko alam kung anong meron sa kanya at bakit hindi ko siya maalis sa isipan ko. Ginayuma niya ba ako?
Hindi ko alam pero sa paningin ko ay sobrang perfect niya talaga. Iyong buong mukha niya, I'm sure pati katawan niya. Kahit na naka-damit siya ay alam ko na agad. Perfect na perfect na sana siya kung mabait siya, halata ko na agad ang ugali niya. Masyado siyang masungit pero hindi ko alam pero parang mas naattract ako sa kanya.
Agad akong napabangon ng marealize ang iniisip ko.
"Wait what? Naattract ako sa kanya?" Hindi ko makapaniwalang sabi.
Kusa lang iyon pumasok sa isip ko at kahit ako ay nagulat. Hindi naman ako iyong tipo ng tao na natingin sa panlabas na kaanyuan ng tao pero hindi ko ba alam kung anong meron sa kanya at bakit iniisip ko parin siya hanggang ngayon.
Sa totoo lang ay ayaw ko sa lalaking masama ang ugali, masama na nga ugali ko magkakagusto pa ako sa masama ang ugali pero pakiramdam ko mas malala ang ugali non sa akin.
Tingin ko palang sa kanya alam ko na agad na mas malala ang kasamaan ng ugali non kesa sa akin.
"Bakit ko ba siya iniisip?" irita kong tanong sa sarili ko.
Dapat ngayon ay natutulog na ako pero dahil sa Voughn na iyon ay gising pa ako at iniisip siya. Inis na lamang akong napapikit para matulog.