CHAPTER 2

993 Words
  Ang pogi nila!"   "Artistahin "   "Lapitan natin, girl."   "Kill me now. s**t! Ang wafu "   "Pogi, ano pangalan niyo?"   "Shitt!! "   "Nalaglag panty ko."   "Ang gagwapo "   "Magpakilala tayo."   "Ang gwapo nung nasa gitna, yieee"   "Calyx Chase Demir!!! Love you! s**t!"   "Voughn Royer, itanan mo ako!"   "Voughn Royer wahhhh!"   "Hunter Hayes Ferrer s**t!!"   "Hunter Hayes, ngiti mo pa lang hinuhubaran mo na ako shittt!!!!"   Napailing ako. Grabe iyong mga sigaw ng mga babae. Napakalandi-landi. Sabay-sabay kami napatingin sa may entrance nitong restaurant kung saan nagkukumpulan ang mga langgam. Napailing na lang kami.   Napatingin ako sa orasan at 3:30 na pala. Kailangan ko ng umuwi dahil baka nandun na iyong mga kaibigan ni Kuya. Alam ko naman na umo-oo lang iyon sa akin pero hindi talaga non hahayaan na makilala ko mga kaibigan niya pero ngayon sisiguraduhin ko na makikilala ko sila. Sigurado akong baka ngayon nandoon na ang mga kaibigan ni Kuya or papunta na.   "Mauna na pala ako. May bisita kasi si Kuya gusto kong makilala." sabi ko ng palabas na kami ng restaurant. Nahirapan pa nga kami makalabas dahil ang daming babaeng nagtitilian dahil dun sa mga gwapo daw. Hindi namin nakita iyong itsura ng mga tinitilian nila dahil sa sobrang kumpulan pero hindi ko rin naman gustong makita, ayoko man aminin na gwapo si Kuya pero gwapo talaga siya. Baka mas gwapo pa si Kuya kesa sa mga tinitiliin nila.   "Girlfriend?" Makahulugan akong tumingin kay Hillary. May gusto kasi si Hillary kay Kuya.   "Selos much, Hillary-girl?" mapang-asar na sabi ni Miskie. Nag-apir kaming dalawa ni Miskie habang tumatawa.   "B-bakit naman ako mag-seselos?" Nauutal na tanong ni Hillary na lalong nagpatawa sa amin. Pulang-pula din ang mukha niya sa sobrang hiya.   "H-hoy! Hoy! Hindi ako nag-seselos. Kaya wag kayong tawa ng tawa diyan." Defensive na sabi ni Hillary. Pulang pula talaga ang mukha niya, para siyang kamatis sa sobrang pula.   "Ikaw naman, Hillary. Selos agad," tumawa pa ako. "Mga barkada niya ang pupunta kaya wag ka ng magselos. Kung gusto niyo, sumama kayo."   At iyon nga dahil nagseselos si Hillary-girl, sumama sila hanggang bahay namin.   Agad silang pumasok. Agad silang naupo sa sofa at kinain ang pringles na nandoon. Ganyan talaga sila.   Paakyat na ako papunta sa kwarto para magpalit ng damit ng makasalubong ko si Kuya na may katawag sa phone.   "Papunta na kayo? Oo, sige. " Binaba na ni Kuya ang cellphone niya at tumingin sa akin.   "Bakit ang aga mo? Akala ko titira ka na sa may Mall." Napairap naman ako if I know ayaw lang talaga niya akong ipakilala sa kabarkada niya. Kinakahiya niya ba ako? Pero hello?! Sa alindog ko na ito, ikakahiya niya? Ang kapal naman ng mukha niya.   "Kailan pa naging bahay ang Mall, aber?!" Nakapamewang pa ako dito.   "My baby girl~" Nginitian ako ni Kuya tapos pinisil-pisil pa ang pisngi ko. Napairap naman ako sa ginawa niya. Pinakita niya ang credit card niya sa akin at winagayway pa sa pretty face ko.   "My baby girl, sayo muna ang credit card ni Kuya kahit ubusin mo pa ang laman niyan, ok lang." napangiti naman ako. Talagang ayaw ni Kuya akong ipakilala sa mga barkada niya at akala niya madadaan niya ako sa credit card niya. Bulok na ang style na 'yan. Kinuha ko ang wallet ko at nilabas ko ang lima kong credit cards. Ako naman ang nagwagay-way sa mukha niya. Napasimangot naman siya sa akin.   "Kita mo 'yan? May lima akong credit cards kaya hindi mo ako madadaan sa bulok mong style. Una na ako kuya, mag-bibihis pa ako. I'm so excited na mameet ang tropa mo." Pinisil ko pa ang pisngi ni Kuya habang busangot ang mukha. Masaya naman akong nagpunta sa kwarto ko at nagbihis.   Napatigil ako ng hindi ko makita kung nasaan ang aking cellphone. Hala siya! Saan ko ba iyon inilagay? Binitbit ko ba yun? Agad kong hinalungkat ang kwarto ko pero hindi makita ang cellphone ko. Aha! Baka naiwan ko sa sala.   Naka-crop top na kulay red and then short ako. Agad akong bumaba ng hagdan habang nagsusuklay pa ng buhok.   "Kuya, nakita mo ba ang cellphone ko?! Kanina ko pa kasi hinahanap." sigaw ko habang pababa na ng hagdan. Pagbaba ko ng hagdan nakita ko si Miskie at Hillary na papunta sa akin. Si Miskie pulang-pula ang mukha.   "Oh my! Oh my! Oh my gosh Synesthea-girl!" Impit na tumili si Miskie sabay hampas sa braso ko. Tinignan ko si Hillary pero magkibit balikat lang ito sa akin. Ano bang nangyayari kay Miskie?   "Are you crazy? Tabi nga diyan at hinahanap ko ang cellphone ko." Bahagya ko siyang tinabig at diretsong pumuntang sala. Pagpunta ko doon natigilan ako ng madatnan ko sila Kuya at tatlong lalaking nagtatawanan. Nakita ko naman ang cellphone ko sa couch katabi ng lalaki.   "Jezzz Synesthea-girl si Calyx Chase Demir yung asawa ko shittt." Bulong ni Miskie sa akin at bahagya pa itinuro ang lalaking nakatingin sa kanya? Akin? Ewan.   "Yung pinapangarap mong maging asawa?" Sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig nung Calyx daw. Bahagyang tumawa si Hillary at nakipag-apir pa sa akin. Bahagya akong kinurot sa tagiliran ni Miskie at pulang pula ang mukha niya. Napailing na lang ako.   Lumapit ako sa couch kung nasaan ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha. Sa pagkuha ko ng cellphone ko naamoy ko yung lalaking katabi ng cellphone ko. Ang bango niya s**t. Napalingon ako sa mukha niya. Brown long hair, blue-eyes s**t ang gwapo, pointed nose, perfect eyebrow, manipis na labi na medyo mapulang may pagkapinkish at yung panga niya sobrang perfect.   "Stop staring at me."   Agad akong napaayos ng upo at tumabi kay Hillary na katabi ngayon ni Kuya. Siguradong kilig na kilig ang gaga at ito namang si Miskie nakisingit pa doon sa tabi nung Calyx. Hindi ko maiwasang mapatingin duon sa lalaki. May headset siya habang nakasandal at nakikinig ng music? O ng kwentuhan nila Kuya? Ay ewan, bakit ba siya ang iniisip ko? Pero kasi naman ang gwapo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD