Nag kalat na sa buong sala ang mga tissue na ginamit ni Hanna, kanina pa ito umiiyak sapol ng umuwi sila pero ang iyak nito hindi iyak ng nasaktan kundi iyak na galit na galit. Parang hindi pa sapat ang pananakit na ginawa nito sa kay Axia na iniwan na nilang walang malay at ina nitong speechless na lang dahil ngayon lang nito marahil nakita ang anak na nag wala ng ganun. "Gusto mo ng kasuntukan puwede naman ako kung gusto mo." sinamaan naman s'ya ng tingin ni Hanna . "Dapat hinayaan mo na muna ako bakit pinigilan mo pa ako." sisigok-sigok na wika ni Hanna. "Sasakit lang kasi ang kamay mo sa mga taong ganun." "Kahit pa madurog ang mga buto ko sa kamay wala akong paki-alam mabasag ko lang ang mga mukha nilang dalawa." "Gusto mo pabunutan na lang natin ng ngipin ang Mama mo na hindi gag

