Malakas na nag palakpakan ang mga bisita na naroon ng tumayo si Hanna sa unahan para kumanta sa random song mula sa videoke. Napangiti pa si Hanna na mahigpit ang kapit sa kamay ng kapatid na ayaw ng bumitaw sa kanya mula pa kanina. Hindi pa rin s'ya makapaniwala na ito ang kapatid n'ya na kay tagal na n'yang hinahanap. Ibang-iba na ito sa hitsura ng batang na pulot nila noon. Wala pa silang napapag-usapan ni Dwight dahil wala na s'yang ginawa kundi yakapin ang ama at kapatid n'ya sa sobrang sa'ya. Kahit ang papa n'ya iba na ang hitsura kumpara sa picture na pinakita ni Dwight sa kanya, tumaba na ito at bumalik na din ang normal nitong kulay na maputi. Hindi na n'ya alam kung paano pa papasalamat si Dwight sa ginawa nito na sobra-sobra na at hindi na n'ya alam kung paano pa susuklian. U

