"Kasalanan mo itong lahat skyler, oras na makita kong may kasamang ibang lalaki ang asawa ko ikaw ang pasusukahin ko ng dugo." gigil na anggil ni Dwight habang sakay sila ng private jet na pag=-aari ng pamilya nila Dennis. Napagalitan pa silang 5 ng Daddy ni Dennis dahil sa biglaan nilang pag gamit ng private jet ng mga ito na usually ginagamit lang kapag meron mga emergency flight. "Bakit ako?" natatawa pang tanong ni Skyler. "Anong bakit ikaw kung 'di ka pumayag na mag papicture sa mga babaeng yun wala sana tayong problema ngayon." angil naman ni Dennis. "Aba, malay ko ba naman na i-popost pala nila sa IG. Hindi ko naman alam na marami pa lang source si Aira na bantayan ang kilos mo." natatawang sagot pa ni Skyler na binatukan namn ni Railey. "Alam mong malakas ang saltik ni Mengga

