"Juno, kilala mo ba ang mama mo?" tanong ni Dwight sa batang naka-upo sa witness stand para mag bigay pahayag sa kasong nakasampa laban sa ina nito. "Hindi po. "Kung ganun, paano mo nasabi na ang babaeng iyon ay iyong ina kung hindi mo s'ya kilala." turo ni Dwight kay Sara na pilit na ikinukibli ang mukha. "Sabi po n'ya s'ya mama ko." "Saan mo s'ya nakita Juno?" "Dun sa kainan, lapit s'ya sa akin tapos sabi n'ya s'ya Mama ko. Sama daw ako sa kanya pupunta daw kami ate ko." kuwento ni Juno. "Maari mo bang ikuwento sa amin ang buong nangyari sa'yo pagkatapos kang sumama sa mama mo." "Sakay kami kotse white tas iyak ako kasi wala papa, iwan namin dun tindahan." hindi pa man tapos ni Juno ang kuwento nakakaramdam na ng sobrang galit si Hanna na nilingon ang gawi ng Mama n'ya na bumubulo

