SIMULA
HAZE
“Mom.” Sambit ko habang excited na binababa ang aking bag sa sala.
“Not now Haze.” Seryosong sambit ni Mommy kaya napatahimik ako.
Agad ko rin naman ibinaling ang atensyon ko kay Daddy. I was so excited to tell them na eith highest honor ako at possible ako ang mag speech sa graduation namin.
“Can't you see Haze? We're both busy.” Inis na sambit ni Daddy matapos ko siyang kalabitin kaya agad na napatikom ang aking bibig. I was so closed to cry pero pinilit ko nalang ang sarili kong ngumiti at tumango.
“Okay po, later nalang po.” Pilit ngiting sambit ko at saka dahan dahang kinuha ang ibinaba kong bag para umakyat sa aking kwarto.
Wala akong kapatid, busy ang parents ko, madalas ay mga kaibigan at pinsan ko lang ang nakakasama at napag kukwentuhan ko. “Haze kamusta school?” Nakangiting sambit ni Kuya Salvius.
“Kuya!” Gulat kong sambit at agad na tumakbo papalapit sakanya.
“So, how's your study young boy?” Biro niya kaya bahagya akong napangiti.
“With highest honor kuya!” Mayabang kong sambit habang nakangisi dahilan para bahagya siyang matawa.
“Naks naman, ikaw mag speech sa graduation niyo?” Kuryosong sambit niya.
Agad naman akong tumango at ngumiti, “possible po kuya, yun ang sabi ni Teacher.” Sambit ko.
“Ayos yan, nasabi mo na ba kila Tita? Tiyak na matutuwa ang mga yon.” Sambit ni kuya Salvius.
Napawi naman ang ngiti ko at napakamot sa aking ulo. “Sasabihin ko po sana kanina kaso hehe, busy po sila Kuya e.” Sambit ko at nag iwas ng tingin.
Ginulo naman ni Kuya Salvius ang aking buhok at agad na tumayo. “Gayak ka, bili tayo ice cream, gagala tayo.” Sambit niya kaya agad na nag liwanag ang aking mukha.
“Huwag mo na intindihin sila Tita, ako bahala sa'yo.” Tumatawa niyang sambit kaya mabilis akong tumakbo pabalik sa aking kwarto upahg mag bihis.
Nang matapos ako ay nasa baba na si Kuya Salvius at hinihintay ako. “Oh siya, halika na?” Natatawa niyang sambit kaya masaya akong tumango.
Sa tuwing busy sila Mommy ay palaging si Kuya Salvius ang sumasapo sa akin para malibang. Ngunit madalas ay wala rin siya rito sa bahay kaya palagi akong mag isa. May mga maids naman kami, at close ko rin sila kaso iba pa rin kasi sa pakiramdam kapag mismong parents na yung nag bibigay ng atensyon sa akin.
Nakaka inggit nga minsan kapag nakikita ko yung mga kaklase at kaibigan ko na kumpleto silang family. Tipong gumagala sila, sabay kumakain, nag bobonding, at kung ano ano pa, samantalang kami ng pamilya ko ay wala.
“Huy! Tulala ka.” Biro ni Kuya Salvius dahilan para mapakurap kurap ang mata ko.
“Nandito na pala tayo Kuya?” Nagtatakang sambit ko habang napapakamot sa aking ulo.
“Masyado atang malalim iyang iniisip mo Haze?” Biro pa ni Kuya. Alam ko naman na kahit hindi siya mag tanong ay ramdam niya kung bakit ako nag kakaganito.
I really envy those people na complete family at nakakapag bonding. How I wish na sana, sana kami rin ng family ko.
“Huwag ka na malungkot, para sa'yo rin naman yung ginagawa nila Tita.” Sambit ni Kuya Salvius habang sinusubukang pagaanin ang loob ko.
Tumango ako ng bahagya at ngumiti ng pilit. “Sige na nga, tara na Kuya. Ayun na si Mamang Sorbetero.” Sambit ko habang pinipilit na pasiglahin ang aking boses.
Nang makauwi kami ay nagulat ako dahil naka bihis sila Mommy. “Good thing nandito na kayo. Manang paki bihisan si Haze.” Seryosong sambit ni Mommy kaya napakurap kurap ako. Pati si Kuya Salvius ay nagtataka.
“Aalis kayo Tita?” Takang tanong ni Kuya Salvius at tanging pag tango lang ang itinugon sakanya nila Mommy.
Hindi na muling nag tanong pa si Kuya Salvius, nag paalam nalang din siya sa akin at nauna na siyang umalis.
“You ready, Haze?” Seryosong tanong ni Daddy kaya bahagya akong tumango, “Opo.” Sambit ko.
“Saan po ba tayo pupunta Mommy? Daddy?” Nagtataka kong tanong sakanila. They look so serious kaya medyo nakakaramdam na rin ako ng kaba.
“We're just gonna eat somewhere, I heard kay Kuya Salvius na with highest ka raw?” Tanong ni Daddy habang seryosong nakatingin sa harapan at focus sa kaniyang pagmamaneho.
“Yes po. Possible po na ako po yung mag valedictory speech po sa graduation.” Nakangiti kong sambit.
Nakita ko naman ang bahagyang pag ngiti nila pareho kaya gumaan na ang loob at pakiramdam ko.
“Mabuti naman, aabangan namin yan ha?” Sambit ni Daddy at bahagyang lumingon sa'kin.
“Kiro!” Rinig kong sigaw ni Mommy at saka mabilis akong hinitak papalapit sakanya.
Nang maidilat ko ang aking mata ay umuusok na ang unahan ng sasakyan. Sinusubukan kong gisingin si Daddy ngunit hindi na siya dumidilat o miski humihinga. All I can see is blood in their head, arms, at halos buong katawan nila.
Hindi ko naiintindihan ang nangyayari, nagsisimula na rin akong matakot at umiyak. “H-haze.” Pag tawag ni Mommy sa akin dahilan para mapabaling sakanya ang aking atensyon.
“M-mom!” Umiiyak kong sambit habang pilit na hinahawakan siya sa kaniyang kamay. Kitang kita ko kung paano siya manghina at mahirapan gayong naipit siya sa kaniyang kinauupuan.
“L-labas na ikaw dito.” Nakangiti niyang sambit habang hinang hina niya akong tinataboy.
“Mom, I-i don't get it.” Umiiyak kong sambit habang umiiling. Ayokong iwan sila ni Daddy dito sa kotse.
“P-please Haze? A-alam kong nag kulang kami ni D-daddy mo sa'yo. I-iligtas mo ang sarili mo, nakikiusap a-ako.” Sambit niya habang bahagyang pumapatak ang luha sa kaniyang mata.
Wala akong naiintindihan sa nangyayari, nakakaramdam na rin ako ng kirot sa aking katawan ngunit balewala lang ito sa akin dahil sa pag aalala kila Mommy.
“H-haze leave us here. M-masaya si Mommy at Daddy na with h-highest ka, p-proud kami palagi sa'yo a-anak. M-mahal na mahal ka namin H-haze.” Hinang hinang sambit ni Mommy na mas lalong ikinaiyak ko.
For the first time sa tanan ng buhay ko, narinig kong tawagin ako ni Mommy ng ‘anak’ at narinig ko rin na sabihin niyang mahal nila ako.
“M-mom.” Umiiyak kong sambit.
At bago pa ako makapag salitang muli ay tuluyan na akong nawalan ng malay. Nang magising ako ay nasa isang hindi pamilyar na silid na ako.
“Kuya Salvius?” Nagtataka kong tanong nang mapansin kung sino ang lalaking nasa gilid ko.
“Kamusta ang pakiramdam mo?” Seryosong tanong niya habang titig na titig sa akin.
Bago pa ako sumagot ay naalala ko na agad sila Mommy. “Kuya sila Mommy po?” Mabilis kong tanong habang nakakaramdam na ng kaba sa aking dibdib.
Agad na nag iwas ng tingin si Kuya Salvius. “You should rest for a while. Hindi ka pwedeng mabinat.” Mahina ngunit seryosong sambit niya.
“Kuya.” Mahina kong sambit habang nakatingin sakanya.
Panaginip lang naman yon hindi ba?
“Haze.” Sambit ni Kuya Salvius at muling nag iwas ng tingin.
“Kuya ano po bang nangyari?” Takang tanong ko habang titig na titig sakanya.
“N-naaksidente kayo Haze. Bumunggo ang sinasakyan niyo sa isang truck dahilan para maipit sa unahan si Tito at Tita.” Seryoso niyang sambit.
Hindi naman ako ganon ka walang muwang sa mundo para hindi maintindihan at malaman ang nangyayari. Pero hindi ko rin mapigilang mapatulala habang pinoproseso ang nalaman.
“K-kuya kamusta po sila?” Mahinang tanong ko.
“Haze.” Seryosong sambit ni Kuya Salvius kaya mas lalong kumabog ang aking dibdib. Alam ko na ang kaniyang sagot ngunit mas gusto ko pa rin na malaman at marinig kay Kuya ang totoo.
“P-pwede ko po ba silang makita?” Mahinang sambit ko habang pinipigilan ang aking luha.
Tumango si Kuya Salvius at inalalayan ako para lumabas sa aking kwarto at puntahan sila Mommy.
I saw them lying in the hospital bed, may takip na puti ang buo nilang katawan. I was so lost, sa murang edad ay nawalan ako ng magulang, ni hindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal nila, ni hindi ko man lang naranasan na sabay kaming kumain tatlo, gumala, o kahit mag bonding.
Ang tanging nilu-look forward kong valedictory speech sa graduation ay nawala nalang din ng parang bula. Wala na si Mommy at Daddy, wala na akong parents.
Tulala lang ako habang nakatayo sa harap ni Mommy at Daddy, si Kuya Salvius naman ay nasa gilid ko lang at mahigpit ang hawak sa kanang kamay ko.
Wala na akong maramdaman, blanko ang utak ko at hindi na rin matigil ang pag buhos ng luha ko.