Pagka naming kumain ay tsaka pa lang bumaba si Kino. “Kuya Haze, ate Hannah,” naka ngiting bati niya sa amin. Ngumiti naman ako sa kanya at inakbayan ko siya. “Ready ka na ba sa basketball tournament na gaganapin?” Naka ngiting tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin. “Oo naman kuya, ready na ready na kaso kailangan ko pang mag hanap ng sapatos na gagamitin , na sira kasi yung luma ko,” naka ngising sagot niya sa akin. “Eh paano pagka mahal mahal ba naman ng sapatos na gusto niya, manong kahit gusto mo bilhan ay hindi mo ma bibilhan,” sanbit ni tita sa kanya. Napa kamot nalang sa ulo si Kino sa sinabi ni tita. “Maganda kasi iyong gusto niya tita, mas comfortable sa paa kapag mag lalaro siya,” naka ngiting sambit ko sa kanya. Napa tango naman si tita sa sinabi ko. “Hayaan

