Lulan kami ng isang private van ng paaralan patungo sa venue ng contest. It will take twenty minutes to get to Peñaplata Central School. Doon gaganapin ang patimpalak. Kinakabahan ako pero magkahalong excitement dahil magkikita kami ni Alfe! He messaged me good luck last night. Hanggang ngayon ay binabasa ko pa rin ang mga mensahe niya sa akin at nakakatuwa dahil kahit ilang beses ko ng nabasa ay kinikilig pa rin ako. Hindi naman mga cheesy words pero, ewan! Iba ang kilig na nararamdaman ko sa kanya. Kahit simpleng 'good morning' nga lang niya ay malaking halaga na sa akin. Nahihibang na yata ako. Agad hinanap ng mga mata ko ang puwesto nina Alfe nang narating namin ang paaralan. Marami kami ngayon dahil buong paaralan sa isla ang sasali. Kami nga na nasa sampu na sa iba't ibang lebel,

