A soulmate is someone that just gets you. It's a connection of mind, mutual respect, an unconditional love and a total understanding. It's about being yourself and knowing, not only that person is following and understanding your thoughts, but is right there with you, side by side...
Good night, Moi...
Napangiti ako sa mensaheng pinasa ni Alfe sa akin. Nakakatuwa na kahit ang lalim na ng gabi ay bumati pa talaga siya sa akin.
Ngingiti-ngiti akong humiga at itinabi ang cellphone sa gilid ko. Sa kaunting panahon na nakilala ko si Alfe ay tila ang dami ko ng alam sa kanya.
The egg yolk sun poured through the cracks in the blind and awaited entrance into my eyes. Sight still in the clutches of the night's glue, I hesitantly rubbed the dreams away. Thoughts of the visions in sleep come and go in waves, clinging on to the very last memory of the night but with little success.
Ang sarap sa pakiramdam nang bumangon ako. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Alfe na 'date' namin umano iyon.
Kakaligo ko lang at naghahanda na ako dahil pupunta pa ako sa paaralan para sa final drafting.
Ngunit bigla akong napaupo sa kama at nakalimutan ang lahat nang mabasa ang mensahe galing kay Alfe.
Alfe Samaniego:
Good morning, a blessed day.
Hindi muna ako nag-reply. Tila sinasamsam ang bawat salitang nabasa ko.
Kalaunan ay nagtipa na rin ako.
Me:
Good morning, too.
May ngiti ako sa labi habang pababa ng hagdanan. Napawi lamang ito dahil ang nakakunot-noong si Lolo ang bumungad sa akin sa baba, tila sinasadyang hintayin ako.
Napahigpit ang hawak ko sling ng aking shoulder bag at nakayuko para batiin ang abuelo.
"G-Good morning, Lolo," bati ko sa kanya.
Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niyang tila papel akong sinisilaban.
"Sino ang naghatid sa 'yo kagabi?" malamig na tanong niya.
"P-Po?"
"I don't want to repeat it, Hermoine. Alam kong narinig mo ang sinabi ko."
Halos mapalundag ako sa lakas ng boses niya. Hindi ko mawari ang kulay ng mukha ngunit sa tingin ko, namumutla na ako.
I swallowed the lump in my throat before giving him my response. Nakita niya kaya ako? O nagsumbong ang security guard sa kanya?
"Kaibigan po, Lo."
I am not lying. Kaibigan ko naman si Alfe.
Sana lamang ay 'di siya magtanong kung sino dahil ayaw ko ring magsinungaling.
Malamig na ngayon ang mga matang tinitigan ako ni Lolo bago naglakad sa harap ko at pumantay sa akin.
"Siguraduhin mo lang na hindi mo ako ipapahiya. I already cleaned your mother's mess, so please!" May diin ang bawat salita niya.
Napapikit na lamang ako sa kaba at dismaya. Hindi ko alam gaano kalaki ng kasalanan ni Mama sa kanya at galit na galit siya gayong wala na ito. Dahil ba anak ako kaya sa akin lahat nabunton?
Mabigat sa dibdib akong pumara ng traysikel para pumunta sa paaralan. Mabuti na lamang at nandoon na si Janice at ang ibang kasama naming mag-aayos ng lay out at draft.
Nagkukwentuhan at nagsisitawanan muna kami sa kiosk. Walang ibang estudyante ngayon maliban sa amin.
After an hour, Sir Marfa arrived. Dumiritso agad kami sa library. Masiyadong maliit at mainit ang opisina ng aming guro kaya pinagamit muna sa amin ni Sister Evelyn ang silid aklatan.
Hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa at agad na ginawa ang kanya-kanyang mga trabaho. I was so busy printing the samples, while Janice was editing some of the articles.
"Good job, everyone!" bati sa amin ng coordinator.
Matapos ang kaunting kainan na inihanda ni Sister, nagpaalam na agad ako na aalis na dahil kailangan ko pang magpraktis sa bahay nina Ate Katet.
"Sama ka?" tanong ko kay Janice.
Maaga pa naman at iisang lugar lang naman ang bahay namin.
"Sige, para makita ko rin bahay nina Ate Katet," tugon niya.
Dahil malapit lang naman ang Moncado gym, kung saan kaharap ang bahay nina Ate Katet ay nilakad na lamang namin ito. Tipid pa sa pamasahe at nag-e-enjoy pa kaming nakikipaghabulan sa mga aso.
"Ulol yata 'yon, Hermoine," natatawang saad ni Janice habang sinusukbit ang bag sa balikat.
"Baka nga. Kung hindi sinipa ng drayber na naka-motor ay baka hinahabol pa tayo hanggang ngayon," tugon ko.
Ang masaklap ang drayber na naman ang hinabol ng aso. Good luck na lamang kay kuya!
Pababa kami sa isang maliit na pangpang. Tanaw na namin ang bahay nina Ate Katet kaya mas binilisan namin ang paglalakad.
Ito ang mga bagay na gusto kong gawin araw-araw. Ang maglaro, ang makipaghabulan at ang maging malaya.
Naka-preso ako sa sariling pamilya, lalo na sa kamay ng aking abuelo. He will never accept me as his family. Malabong mangyari iyon at kahit na siguro sa kamatayan at hindi niya ako matatanggap.
"Kakahingal!" reklamo ni Janice.
"Libre mo talaga ako ng pamasahe mamaya, Hermoine. Pinagod mo ako sa kakatakbo," ika niya na huminto muna saglit.
Napairap siya nang may tumahol na aso.
"Time's up muna mga doggies! Pagod na ako!"
Natatawa akong hinila siyang tumakbo kaya ang mga aso ay parang naghahabol ng buto.
Ang bilis ng takbo namin at halos maputol na ang bitbit kong bag dahil sa kakahila ni Janice.
"Sira ulo ka, Hermoine!" komento niya sabay hampas sa aking braso.
"Pagod na nga ako, mas pinagod mo pa ako. Basang-basa na iyong kilikili ko sa kagagahan mo!" reklamo niya.
Nag-e-enjoy ako sa ginawa namin. Mga bagay na 'di ko ginagawa at nagagawa sa amin.
Gusto ko ngang nasa paaralan na lang parati dahil doon, malaya ako, masaya ako. At hindi ko kailangang maging perpekto para matanggap ng sino man.
Pinahiran ko ang pawis sa noo bago pinindot ang doorbell ng gate nina Ate Katet.
"Hingan mo ako ng tubig, ha? Nauuhaw ako," turan ni Janice.
"Opo!"
The gate opened. Ate Katet smiled at us. Pinapasok niya kami sa bakuran nila.
Malawak iyon. Puno mg berdeng damo ang paligid. May mga bulaklak na sa tingin ko ay 'di lang ordinaryo na nakikita mo sa mga bahay-bahay.
Malaki rin ang bahay nila kahit bungalow lang ito. Ang ceramic tiles na imbis pintura ay pumapalibot sa buong kabahayan.
Sa gilid naman ay ang maliit na pool. May dalawang sun lounge sa gilid at maliit na lamesa.
Maganda kahit simple.
Naririnig namin ang ingay ng mga pinsan o kapatid niya yata na tila naglalaro dahil sa tunog ng bolang dini-dribble.
"Pasensya ka na, nandito lahat ng pinsan ko," aniya.
"Lahat?"
"Yes, lahat."
Nagulat ako dahil sumagot si Ate sa tanong ko na dapat sa isip ko lang iyon.
Nandito kaya si...
"Moi!"
Nandito nga siya.
Bitbit ang isang bola at nakasuot ng itim jersey shorts at puting t-shirt si Alfe. Medyo pawisan na rin siya, halatang kagagaling lang sa laro.
"Pinsan ko nga pala. Pero mukhang..."
Palipat-lipat ng tingin si Ate sa aming dalawa ni Alfe.
"I know her. Magkasama kami kahapon."
Nabilaukan tuloy ako sa sariling laway dahil sa sinabi ni Alfe. Gano'n ba siya ka-prangka?
"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.
"Y-Yeah..."
Sinundot ni Janice ang tagiliran ko at nanunukso ang mga matang nakatingin sa akin.
Inirapan ko lang ang kaibigan dahil masiyadong halata. Baka isipin ni Alfe na pinag-uusapan namin siya.
Nginitian ko si Alfe. Ate Katet hel my wrist and brought me at the side of the pool.
Agad kaming nag-praktis. Mayamaya ay may kaibigang dumating si Ate Katet. His name is Oscar. Siya raw ang naging handler ni Ate tuwing may pageant.
"Ganda mo, girl! Kahit medyo pancit canton ang buhok pero malambot naman..." Inamoy pa ng bakla ang buhok ko.
"Mabango pa! May laban!" Maarte niyang hinawak-hawakan ang buhok ko.
Nahihiya akong ngumiti. Hindi niya alam, hindi ako naligo kanina. I wash my hair every other day and use shampoo thrice a week.
Ayaw kong abusuhin ang buhok sa mga kemikal na nilalagay. Kahit pagpapa-rebond ay 'di pa naranasan ng buhok ko.
Nakangiting nakatingin sa gawi namin si Alfe. Narinig kaya niya ang sinabi ni Kuya Oscar? Nakakahiya lang kasi.
Mag-aalas singko na nang natapos kami. Inaayos ko na ang bag at nililinis ang high heeled sandal na ginamit.
"Moi, hatid ko na kayo," presenta ni Alfe.
Nadako ang tingin ko kay Ate Katet na tinaasan ng isang kilay ang pinsan.
"H'wag na–" I grunted when my crazy friend pinched the skin of my waist.
"Sige, Alfe. Okay lang ba?" Si Janice.
"Oo naman, magbibihis lang ako." Agad kaming tinalikuran ni Alfe at binato sa nanunuksong si Ate Katet ang towel na dala.
"Hokage moves si Kuya Alfe," biro ni Ate.
He changed into black t-shirt. Amoy pabango na rin siya. I am not familiar with the men's perfume pero swabe at banayad sa ilong ang kay Alfe. Hindi masakit at amoy fresh pa.
Nasa backseat kami sumakay kaya napatingin si Alfe sa aming dalawa.
"Puwedeng may isa rito? Mukha akong taxi driver nito," natatawa niyang sabi.
Agad akong tinulak ng kaibigan kaya ako na ang sumakay sa unahan.
Hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako sa kanya. Nakakaasiwa ang presensya ni Alfe lalo na ngayong alam na ng mga pinsan niyang nagkasama kami kagabi.
Ayoko kong ma-kwestiyon na naman ako ni Lolo kaya sa harap ng bahay nina Janice kami huminto. Ilang lakad na lang naman ay amin na.
"Sigurado ka? Maglalakad ka pa sa inyo," ani Alfe.
"May tatapusin lang kami ni Janice," sagot ko.
"Talaga? Ano?" sabad ni Janice na kinataas ko ng kilay.
Kung nananampal ang kilay ko ay baka dumapo na ito sa pisngi ni Janice nang gumalaw ito. Hindi na lang talaga marunong sumakay, ano?
"Mayroon, Nhe, hindi ba?" Pinandilatan ko siya kaya roon pa niya nakuha.
"Ay, oo nga pala!"
Bumaba na kami ng sasakyan.
"Thank you, Alfe. Malaki na ang utang ko sa 'yo," sabi ko.
Bahagya akong pinisil ng kaibigan na nagpipigil lang.
"Pay me next time, Moi. Maniningil ako." Nakangisi siyang itinaas ang windshield ng sasakyan.
Sure, babayaran ko siya!
Nagpaalam na rin siya at tumulak na paalis.
"Bongga! Ang dating pinapangarap, ngayon ay dini-date na! Naks!" panunukso ni Janice.
"Date? Friendly date lang iyon," sagot ko.
"Asus! Saan ba nagsisimula lahat?"
Parang kiti-kiting naputulan ng katawan si Janice nang pumasok siya sa bakuran nila habang nakangiti pa rin akong tinatanaw papalayo ang sasakyan ni Alfe.
The experience of ‘falling in love’ is out of this world. Highly desirable, rare, and impossible to keep - although it has been known to come and go, it is the initial unparalleled rush that creates addicts. The entire world stops. Suddenly everything that ever caused you pain fades away and you are filled with a feeling of delirium. The universe around you seems to explode with happiness and you believe that you have discovered something that no one has ever experienced before. The love that you feel is unique and new, it is marvelous and unstoppable. You will be in love with this person for eternity and nothing can ever happen to stop the incredible rush.
Masiyadong kalabisan ang pagkakalahad ko pero iyon ang nararamdaman ko sa bawat oras na magkausap, magkasama at magka-chat kami ni Alfe.
My dreadful life became hopeful when I know him. Iyong tipong nawalan ka na ng gana sa mundo dahil sa pinaparamdam sa iyo ng isang kapamilya pero nagbago bigla. Tila may sariling buhay ang isip at puso ko tuwing nakikita ko si Alfe.
I remembered the quotes that he sent me.
For me, soulmate makes you feel entirely whole, healed and intact, like no piece is missing from the puzzle. It's a tenacious, profound and lingering emotion which no words can encompass. You might experience this with your best friend or your mother, but it is the telltale sign of a soulmate. Soulmates often see their relationship as "us against the world." Like it feels so linked together that they're ready and willing to take on any feat of life, so long as two people have their soulmate by their side. Soulmate relationships are founded on compromise and unity above all else.
Who would know that someday, he might be soul mate?