Kabanata 8- Date

2000 Words
Hindi ko maiwasang sumimangot na bumaba ng sasakyan. Kahit si Summer ay nagtataka sa pagbabago bigla ng mood ko. Paano ba naman, magkasama sina Alfe at Asia. Mukhang ang saya pa nila. Makakangiti ka pa ba niyan? Ano nga ba ang karapatan ko? Hindi nga alam ni Alfe na gusto ko siya. At masiyado na yata akong assuming para magselos ng ganito. "Ate? Ito, oh!" tawag ni Summer sabay abot ng otap. Tinitigan ko ang kamay niyang nakalahad sa harap ko pero wala roon ang isip ko. Nasa daan kung saan magkasama silang dalawa. "Nagtira ka pa!" Pumasok ko ng kwarto at pilit na pinapakalma ang sarili. "Come on, Hermoine!" panenermon ko sa sarili. Napatayo ako sa kinauupang kama nang bumukas ang pinto. "Ate..." sambit ni Summer. Bakas ang pag-aalala sa hitsura niya. She looked so scared, holding the case of the otap. "Summer?" takang-tanong ko sa kanya at nilapitan siya. "Ano'ng problema?" Ako naman ngayon ang nag-aalala sa kanya, namumuo ang mga luha niya sa mata at nagbabadyang iiyak. "Sorry..." hikbi ng aking kapatid sabay yakap sa akin. Tatlong taon lamang ang agwat namin ni Summer pero iba ang tingin niya sa akin. Para bang ate na ate talaga kahit alam niyang 'di naman kami tunay na magkapatid. "What happened?" Hinahagod ko ang likod niya, pilit na pinapatahan. Bihir lang talagang umiyak si Summer kaya nakakatakot dahil alam kong may malalim na dahilan bakit siya umiiyak. "Sorry dahil kinain ko lahat ng otap. May natira pa naman." Pinakita niya ang plastik na may kalahating piraso. She seriously ate it all! Masarap din naman kasi. Naiinis ako sa sarili dahil pati kapatid ko ay nadamay ko pa. Hindi naman dahil sa otap ang dahilan bakit ako biglang nainis. "Sorry, hindi ako galit. Pasensya na talaga, Summer." Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kapatid. Ayaw kong umiyak siya dahil sa kagagahan ko. We never had a fight before, mahalaga sa akin si Summer kaya lagi akong nagpapakumbaba sa kanya. "Eat it, nakatikim na ako at okay na 'yon," sabi ko sa kanya. Nangingimi pa siya bago kinain lahat ng natira. When I convinced her that I am not mad, pinapasok ko na siya sa kanyang silid para makapagbihis na rin. Nasa veranda ako at hinihintay ang paglubong ng araw. Napakaganda ngayon dahil maliwanag. Tila walang karapatan ang ulan para sirain ito. I closed my eyes to the lullaby of the ocean, breathing in it's poigant salty breath. Every kiss will remind me of the waves that pound the beach in white foam spray, but right now it's just the perfect coolness to keep my mind right here in the present where we're happiest. Ibinuka ko ang mga mata nang marinig ang pagtunog ng cellophone na nakapatong sa aking kama. Pumasok pa ako sa loob para tingnan at kunin ito. One message from Alfe Samaniego. Alfe Samaniego: Sorry, 'di na ako naka-reply kagabi. I watched PBA. Napasimangot ako. Watched PBA o nakikipaglandian sa iyo si Asia. "Stop, Hermoine!" galit na sabi ko sa sarili. Wala nga akong karapatan, okay? I must know my limitations. Me: Okay. Ibinaba ko ang phone at ipinatong sa upuan. Nagtatampo ako kaya, iyan lang. Ayaw ko rin isipin niya na masiyado akong interesado sa kanya. Hindi nga ba? Alfe Samaniego: Are you mad? Sorry talaga. Pwede bang bumawi? Libre ko. Fishball. Seryoso siya? Itinikom ko ang bibig para hindi mapangiti. Ang O.A ng reaksiyon ko pero nakakakilig! Me: Hindi ako galit, 'no. At paano mo ako malilibre, aber? Umupo pa talaga ako para ma-reply-yan ko siya nang maayos. Ang totoo, Hermoine? Galit ka, 'di ba? Alfe Samaniego: Can you go out now? Hintayin kita sa harap ng school 'nyo. Papayagan kaya ako? Me: I'll ask first, kung papayagan ako. Dali-dali akong bumaba at naabutan ko sina Mommy at Daddy na nagte-tea. Nasa harap din nila si Lolo na nagbabasa ng diyaryo. "Oh, Hermoine..." Humalik ako sa pisngi ni Mom. Ibinaba ni Lolo bahagya ang diyaryo at agad din naman na ibinalik ang mga mata sa binabasa. "Mom, Dad, Lo, pwede po ba akong pumunta sa poblacion? Nagyaya po kasi ang kaibigan ko na mamasyal," sabi ko sa kanila. Mom sipped the tea first before glancing to Daddy. "Go, ahead. Wala namang pasok bukas. Basta h'wag lang magpapagabi masiyado. Alas otso, uwi ka na," sagot ni Daddy. "Papahatid ka kay Mang Kadong, Hermoine at i-text mo na rin 'pag uuwi ka na," ani Mommy. "Magta-tricycle lang po ako, Mommy. Saglit lang din naman ako," sagot ko. I eyed to Lolo, naghihintay sa kanyang sagot pero wala akong nakuha. Wala siyang pakialam sa akin. Mom tapped my hand and slowly nodded. Alam niyang wala akong mapapala kung maghihintay lang ako. "Alis na po ako, Mom, Dad, Lo..." Tumalikod na ako nang magsalita si Lolo. "Siguraduhin mo lang, Hermoine na kaibigan talaga ang kasama mo." I stiffened to what he said, but I am not lying. Kaibigan ko lang naman si Alfe. "H'wag mo akong ipapahiya," dagdag niya. Hinarap ko siya at nakayukong sumagot, "Kaibigan po talaga, Lolo." Umakyat muna ako at sinipat ang damit kung okay lang ba. Dahil masiyadong simple ay nagbihis ako ng puting pantalon at itim na blouse. Ipinuyos ko rin ang buhok dahil tiyak, magugulo ito dahil sa hangin kung sasakay ako ng tricycle. Pilit kong winawaglit sa isipan ang sinabi ni Lolo. Hindi naman ako nagsisinungaling na kaibigan ang nagyaya sa akin. Alfe is a friend. Mabuti at online pa si Alfe kaya chinat ko siya na paalis na ako. I nervously sat on the tricyle seat while going to the place where he said. Sabi niya may nakita siyang nagbebenta ng street foods malapit sa baywalk kaya roon ang usapan namin. Hindi ko maiwasang kabahan. Akalain mo? Makakasama ko si Alfe Villarica? Inihinto ako ng drayber sa gilid ng b****a ng baywalk. Maraming tao ngayon lalo't hapon na. May nagtitinda ng barbecue sa harap at may mga streetfoods stalls nga. Idagdag pa ang mga pasahero na kakababa ng bangka. Sa unahang parte kasi ay pantalan na kung saan ang biyahe papuntang Davao. There are two options in going to Davao, either ride a motorboat, intended only for human passengers or ferryboat where vehicles can transport. Pero madalas, kung luluwas ako ng siyudad ay nagfe-ferryboat ako. Bukod sa malapit lang sa amin, hindi masiyadong hassle dahil kung sa bangkang de motor ako sasakay, madadaanan ko pa ang palengke ng Sasa, isang barangay na parte na ng Davao City. I went out in the tricyle. Nang makabayad ako ay hinanap ko agad si Alfe. Masiyadong maraming tao kaya 'di ko agad siya makita. I took my phone and check the messenger if online ba siya, pero hindi. "Hey..." Napalingon ako sa likod ko. Nasa likuran ko pala si Alfe, nakangiting nakapamulsa sa suot niyang itim na pantalon at puting t-shirt. It was so odd, magkapareho pa kami ng kulay ng suot. Kaso, baliktad nga lang, itim ang damit ko habang puti naman ang sa kanya. "K-Kanina ka pa?" tanging tanong ko sa sobrang kaba. Hindi ko na naririnig ng sarili kong tinig dahil tanging kalabog ng aking puso ang nararamdman ko. "A little bit," sagot niya. Hindi ko mapigilan ang makagat ang mga labi sa sobrang kilig. Bakit ganito na lang ang epekto nitong si Alfe sa akin? First date... Wait? Date? Iniling ko ang ulo sa kagagahang naiisip. Hindi dapat ako mag-assume nang bonggang-bongga. "May problema ba, Moi?" he asked. Nakita niya siguro ang pag-iling ko. "Wala. Tara, saan tayo rito?" turo ko sa mga stall. He held my wrist kaya napatingin ako sa kamay niya. Well, if other man will do this to me ay baka natulak ko na, lalo na't kaka-meet lang namin, but for Alfe, I didn't mind. "Oh, sorry!" Agad niyang binitawan ang kamay ko kaya medyo na-dismaya ako. Masiyado yata akong natulala. Sometimes my own fascination led me to disappointment. Napakurap pa ako bago naisipang unahan siya sa paglalakad. Kainis naman. Okay na sana. I ordered a fishball while he bought a kwek-kwek. Bumili rin siya ng buko juice at iginiya ako sa seawall ng baywalk. Sabay naming pinagmamasdan ang palubog na araw. Mas umingay rin ang paligid at marami na ang nakikiupo kasama namin. "Ilang taon ka na nga, Moi?" he asked. Nilunok ko muna ang natirang fishball sa bibig. Natawa pa siya dahil hindi agad ako nakasagot. "Sixteen, ikaw ba?" Napakamot siya sa batok at nahihiyang iniwas ang tingin. "Nakakahiya, pero nineteen na ako," sagot niya. Natigilan ako sa sinabi niya. Talaga ba? "I stopped two years ago dahil palipat-lipat kami ng bansa," dagdag niya. Naiwan ko tuloy ang stick sa bibig ko. "Nakaka-turn off ba ang edad?" biglang tanong niya. What does he mean? Of course, not! Umiling ako. "Hindi kasi halata na nineteen ka na," agap ko. "Magse-settle ka na rito sa Pinas?" He shrugged. "Maybe, kung mayroong rason para mag-settle." Oo, mayroon. Si Asia mo! Bigla tuloy uminit ang batok ko. Baka nga girlfriend na niya si Asia tapos nakikipagkita pa siya sa akin. "Naku, Alfe baka isipin ng girlfriend mo na ano ang ginagawa natin," sabi ko. Kumunot ang noo niya sabay nang mahinang tawa. "Ano'ng girlfriend? I mean, sino?" "Si Asia!" Mas kumunot ang noo niya. "Asia is my friend. Magka-klase rin kami. That's it." Siguraduhin mo lang. I nodded. A relief, then. "Ikaw baka may boyfriend ka na, ha?" Umiling ako. "Ang bata ko pa para magka-boyfriend ulit." "So, nagka-boyfriend ka na?" "Oo, once. Pero three months lang. Naisip kong masiyado pa kaming mga bata para sa mga ganyang bagay." Namasyal pa kami malapit sa may pantalan at nanonood ng mga batang naliligo sa dagat. Ang saya tingnan, minsan naisip ko ring maligo sa dagat ng ganito, kaso baka mapagalitan ako. Ilang beses na ngang nagyaya ang mga kaklase ko noon, pero nangingibabaw ang takot sa akin. "Uuwi na ako, sabi ko kina Mommy na uuwi ako agad," paalam ko sa kanya. "Hatid na kita. I brought my car para ihatid ka. Mahihirapan ka na namang makasakay." Hindi naman. Narito kami sa poblacion at maraming tricyle rito. Pero, sige. Sayang din ang kinse o bente ko. Dinala niya ako sa dulo malapit sa highway. Nakaparada roon ang itim na kotse niya. Tiyak, may lisensya na siya dahil nasa tamang edad na naman pala siya. He opened the door for me kaya nakapasok ako. Tahimik kami habang nasa daan. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na kasama ko ngayon si Alfe. Akalain mo iyon? Naiinis din ako sa bilis ng takbo ng oras. Dalawang oras pala kaming magkasama ni Alfe pero tila kay bilis naman. Nasa harap na nga kami ngayon ng bahay ko. "Salamat, Alfe ha? Or should I call you kuya." He grimaced. "Please, don't!" mariin niyang tanggi. Natawa ako sa reaksiyon niya. "Okay, Alfe. Thank you ulit. Nag-enjoy talaga ako." He nodded and stared at me. Naiilang tuloy ako sa titig niya. "Teka, ano iyang nasa ilong mo?" Naku! Natanggal na pala ang concealer na nilagay ko. "Er! Nakita mo na. Pimple ko iyan. Ang laki." "I see, parang 'di ko iyan napansin kanina," he said. "Nilagyan ko ng concealer. Eh, natanggal na." Hinawakan ko pa ang dulo ng ilong at sumimangot. Bakit ba lagi niyang nakikita ang mga pangit na bagay sa aking mukha. "It's fine. You look cuter." I don't know if maiinis ako o kikiligin. Kailan pa naging cute ang magkaroon ng malaking pimple sa ilong? Bumaba ako ng sasakyan at nagpaalam na sa kanya. He waved his hand and smiled at me. "Thank you for coming with me, Moi. I must call it a date, then." Tila nawala ang isip ko at humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan nang sabihin niya iyon. Nakaalis na ang sasakyan niya pero nanatili pa rin ako sa kinatatayuan. Is that really our date? Allejo Jasfer Villarica dated me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD