Kunot-noo ko siyang tiningnan. Ano ang ibig niyang sabihin? Ano'ng offer ang tinanggap ko?
"Ha?"
He smiled a bit and handed me the paper bag with the gown inside.
"You accept the offer as the being the representative of our church."
Sa totoo lang, biglang nag-init ang pisngi ko sa gulat at hiya. Paano niya nalaman?
Nakaawang ang bibig ko at 'di ko na alam ang sasabihin. I don't know how to react this time.
"Katherine told me now. Galing ako sa kanila, tugon niya sa nagtatanong kong reaksiyon.
How did he know Ate Katet?
"Pinsan ko siya."
Seryoso?
"Teka, pinsan mo si Ate Katet?" 'di makapaniwalang tanong ko.
Nagkibit-balikat siya at inayos ang salamin. Tumingala pa ako sa kanya dahil ang tangkad niya pa rin kahit naka-tsinelas lang.
"Kapatid ng lolo ko ang lola niya," he answered, giving more detailed information and explanation to my confusion.
"H-Hindi ko alam na mag-pinsan kayo, I mean... nasa Holy Cross siya nag-aaral na may paaralan naman kayo," tanging sagot ko na lang.
He chuckled. Lumabas tuloy ang mapuputi at pantay niyang ngipin.
"Katherine is stubborn. Lahat ng gusto niya nasusunod. She wanted to be unique. Iyan ang lage niyang sinasabi," saad niya na nakangiti.
Amusement was in his eyes. Feeling ko, close sila ni Ate Katet. Mas dadalasan ko ang pagpunta roon para sa praktis.
"Anyway, I need to go, uuwi ka na?" tanong niya.
"Oo," nahihiya ko pang sabi.
Ang dami kong dala. May dalawang paper bag– sa gown at high heels sandals. Idagdag pa ang tatlong libro ko nakasukbit ngayon sa gilid ko.
"You need help?" presenta niya.
Umiling ako. "Naku, hindi na–"
Pero 'di pa ako nakasagot ay naagaw na niya ang dalawang paper bag sa kamay ko.
"Hatid na kita," aniya na ikinagulat ko.
Kinawayan pa niya ang tricyle na papalapit.
"Alfe–"
Inilipat niya ang isang paperbag sa kabilang kamay at hinawakan ang palapulsuhan ko.
Halos manginig ako sa kakaibang sensasyong nararamdaman. Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin, mapahawak o kausap man lang.
Inalalayan niya pa akong makapasok sa loob ng tricyle at sumunod din siya.
"Alfe, hindi mo na kailangang ihatid ako–"
"Kampo," sabi niya sa drayber at hindi man lang pinansin ang pagpo-protesta ko.
"Alfe."
"I would like to congratulate you," ika niya na dahilan para makalimutan ko ang sasabihin.
Ano nga ba iyon? May sasabihin sana ako, eh!
"Salamat. Congratulations din pala, mukhang nakakatakot dahil magaling ang makakalaban namin, ah!" Ang ibig kong sabihin ay ang pagka-panalo niya sa Essay Writing competition at ang Journalism sa susunod na linggo.
I heard his chuckle. "Are you going to compete also for the Journalism?" he asked.
Tumango ako.
"Senior naman ako, sa Junior ka. But we can see each other there."
Biglang nag-init ang mga pisngi ko sa mga sinabi niya. Iniisip ko tuloy na pati siya ay gusto rin akong makita.
Wait... naririnig ko ba ang sarili ko?
He smiled at me. First time niya akong nginitian ng ganito!
The way his lips lifted upward. The way his one dimple crinkles. The way his teeth are perfectly aligned. The warm glow his happiness gives. His smile is a ray of sunshine, and I am a sunburn!
Bakit kay sarap niyang titigan 'pag nakangiti?
Napakagat-labi pa siya, tila pinipigiln ang anumang halakhak.
"W-Why?" I nervously asked. Mukha yata akong timang kaya niya ako pinagtatawanan.
Bumalik ang tingin niya sa akin.
"That..." He formed a small circle on the air using his point finger in front of my face.
Napapaisip pa ako bago napagtanto na baka lumabas na ang mga sumpa ko sa mukha, lalong-lalo na 'pag pinapamulahan ako.
"Oh!" Agad kong tinakpan ang pisngi ko gamit ang mga kamay.
"P-Pasensya na, mainit kasi kanina kaya..."
"Hey!" He held my hand away from my face.
"It's fine. You look... cute."
Tama ba ang narinig ko? Cute?
"Dito lang ba, 'Day?" untag ng drayber sa amin nang nasa harap na ako ng gate namin.
Ang bilis naman naming makaabot!
"Ah... opo."
Nakababa na si Alfe ng tricyle at nag-abot ng bayad. Kinukuha ko ang pitaka ko nang biglang umandar ang motor.
"Kuya, bayad ko," habol ko.
"I paid it," nakangiting sabi ni Alfe.
"Ha? No!"
"Bayaran mo na lang ako next time!" sigaw niya nang makalayo sila.
Next time. So, may karugtong pa itong pag-uusap namin ngayon?
Araw-araw, tuwing break time kami nagpa-praktis ni Ate Katet. Alam kong baguhan pa ako at nangingimi pa, pero ubod ng pasensyosa si Ate kahit ang dami kong palpak.
"You are getting better, Hermoine. Ilang araw pa lang ay ang dali mong makakuha, ah!" puri ni Ate sa akin na hinuhubad ang high heels sandals.
"Salamat, Ate. Dapat kong pag-igihan, nakakahiya po sa inyo kasi nagugugol 'nyo ang oras sa akin kaysa sa magpahinga ka," sagot ko sa kanya.
"Naku, ayos lang! Malalagot ako kay–" Tumigil siya sa pagsasalita at uminom ng tubig.
"Kumain ka muna ng lunch, Hermoine. Tama na iyong thirty minutes natin, sa sabado na lang sa bahay, okay lang ba?"
Binalewala ko na lang ang una niyang sinabi at iniisip kung ano ang gagawin ko sa sabado.
"Ate, pwede bang alas tres ako pumunta, kailangan ko munang tapusin ang final draft para sa newspaper. Next week na kasi ang Journalism."
Tumango siya. "Sure, buong araw ako sa bahay. Kaya hihintayin ka namin."
Namin?
Napakunot-noo ako. May maghihintay pa ba sa akin na iba maliban sa kanya?
"I mean, namin ng family ko. At baka, nando'n din ang kaibigan kong nagtuturo sa akin dati."
I nodded and asked permission to go and eat my lunch. Medyo gutom ako dahil hindi ako nag-recess dahil nga sa praktis namin.
Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Alfe kahapon.
We still have our next time! I will prepare a ten pesos, then.
Sabay kaming umuwi ni Summer ngayon at naabutan namin sina Mommy at Daddy, kasama si Lolo sa sala. Tila malalim ang pinag-uusapan nilang tatlo.
I kissed to my parents' cheek and bowed down to Lolo. Hindi niya ako pinapamano, maliban lang kung may bisita. Nais ko pa ring maging magalang kaya simpleng pagbati lang ang ginawa ko sa kanya.
"Hermoine, I want you to quit!" mariin niyang sabi.
Nagkatinginan pa kami ni Summer sa gulat. Mom and Dad shook their head in disappointment.
"I want you to quit! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? Ang apo ko..." Diniin niya pa talaga ang pagkakasabi ng salitang apo.
"...ay kinakalaban ako?"
Umabante ako nang bahagya para makausap siya.
"Lo, I already committed to them. Naayos na po ang lahat. Nakakahiya po kay Father at Sister kung ayayaw pa ako," protesta ko.
Nagtiim-bagang siya at tumayo. Bigla akong natakot sa postura ni Lolo. Para siyang nakatatakot na diyos na kaya akong parusahan ano mang oras.
"Papa, hayaan ninyo na ang anak ko, alam na naman ng mga tao na may nakuha ka na. At isa pa, sa simbahan naman siya mag-representa. If Hermoine will win, hindi ka pa rin mapapahiya," paliwanag ni Daddy.
Lolo smirked at me. Hindi muna siya nagsalita bago ngumisi nang nakaloloko.
"Make sure, you will beat the Villarica, or else..." Puno ng pagbabanta ang tono ng boses niya at natatakot ako.
Lolo's statement gave so many thoughts and what if's in my mind. Ano ang gagawin niya 'pag natalo ako? Paano kung pareho kami ng manok niya na uuwing luhaan?
Lolo has his full confidence to Asia kaya tila isang banta ito dahil na sa kalaban pa niya pumanig. Bakit ba naman kasi?
Bigla tuloy akong nainis sa mga Villarica, I am not referring to Alfe pero... parang gano'n na nga!
"Argh!" I exclaimed and tossed myself on the bed.
Siya ang dahilan bakit lumipat ang kiti-kiting si Asia na iyon. Sarap talagang balibagin!
God! I am so violent. Kung ano-ano na ang naiisip ko. Pero hanggang isip ko lang naman, duwag ako kung harapan na.
Tinamad na tuloy akong magbihis at madilim na sa labas ay naka-uniporme pa ako.
Ewan ko, masiyado na akong ma-drama. Nasasanay na yata ang buong sistema ko sa ganito. Iyong tipong, 'di ko na kailangang manood ng mga soap opera kasi mismong buhay ko ay puno ng sentimental.
My phone suddenly vibrated. Naka-silent kasi ito kaya walang tunog.
Tamad kong kinuha sa bulsa ang cellphone.
May mensahe galing sa messenger. Hindi kita kung kanino dahil naka-hide details ang setting ng notifications ko.
Tiyak na si Marietta ito at magtatanong na naman ng sagot sa assignements. Tamad pa akong gumawa. Baka bukas na nga siguro ng umaga ko gagawin ang takdang-aralin.
I put it on my side and stared at the white ceiling of my room.
It keeps on vibrating, parang may tumatawag.
Nang tingnan ko naman ay mukhang sa messenger at 'di ko naabutan ito.
"Ang kulit talaga!" maktol ko.
Alam akong hindi ako titigilan ni Marietta kaya sasagutin ko na lang siya.
I swiped the screen and there!
Inilapit ko pa ang mukha sa screen at sinigurado na tama ang nakikita ko.
Si Alfe! Nag-message sa akin.
Alfe Samaniego:
Hi, good evening...
Are you busy?
You missed a video chat with Alfe.
Seryoso ba ito?
Nanginginig ang kamay sa pagtitipa. Online pa siya kaya dapat ay mag-reply na ako. Minsan ko lang siyang nakikitang online.
Teka, naiinis ako kanina sa kanila, 'di ba? Kasama na roon si Alfe, pero bakit ang saya ko pa ngayon.
No! Keep your word, Hermoine.
I closed the tab and placed my phone on my side.
Pero, 'di naman kasalanan ni Alfe, ah! At saka, baka iyong malanding si Asia lang ang lumipat.
Fine!
Magre-reply ako out of respect dahil may utang akong sampung piso sa kanya.
Me:
Hello, good evening din. Kakauwi ko lang.
Binuntutan ko pa ng smiley face emoji.
Mas lalo akong natuwa nang biglang lumabas ang tatlong tuldok.
Nagtitipa si Alfe!
Alfe Samaniego:
I see. Ano'ng category ka sa Journalism?
Kahit sa pagcha-chat sa messenger ay napaka-pormal. Nahihiya tuloy akong mag-shortcut ng mga salita.
Me:
Feature writing. Ikaw?
Ang sabi nila, 'pag gumagalaw raw ang video button sa taas, meaning nakatutok siya sa convo 'nyo. At gumagalaw ang kay Alfe!
Alfe Samaniego:
Same. Pero hindi tayo maglalaban. Senior ako.
Oo nga! Pero kahit magkalaban kami ay okay lang.
Ang out-of-respect reply ko lang sana ay naging mahabang conversation namin.
Natigil lang nang tinawag ako na kumain dahil bawal gumamit ng cellphone sa hapag. Nang natapos ay agad akong tumaas sa kwarto ko at chinat si Alfe.
Nalungkot pa ako dahil hindi na siya online.
"Ano ba 'yan?" maktol ko.
Minabilis ko pa ang pagkain para maka-chat siya pero offline na pala siya.
Mag-a-assignment na lang ako.
I did. Yes, I did. Pero wala pa akong nasasagot sa kakahintay na baka mag-online siya.
"Come on! Baka bored lang iyon kaya ako chinat," sabi ko sa sarili at ibinaba ang cellphone sa lamesa.
Kinuha ko ang ballpen at nagsimulang sumagot.
Natapos na ako sa ginagawa ay bigo akong maka-chat siya kaya inihiga ko na lang ang dismayado kong puso.
Katabi ko pa ang cellphone na ipinatong ko sa unan. Baka naman... mag online ulit siya.
The messenger tone rang kaya napatayo ako.
I frowned when I saw Marietta's face.
Marietta Graece Lim:
Ano sagot mo sa #4?
As usual. Kinailangan ko pang tumayo para picture-ran ang solution na ginawa ko sa assignment namin sa Math.
Me:
Wag mo gayahin lahat! Baka mahalata ni Miss Bacasmot.
Well, ipinasa ko na lahat dahil panimula niya lang iyan. Ang totoo, lahat ng numero ay iisahin-sahin niya, 'di mo namamalayan na ikaw na pala sumasagot.
Marietta Graece Lim:
Opo, Madzam!
Natawa na lang ako sa reply niya. Kahit kailan talaga!
Pero si Alfe, wala na. Nganga! Paasa! Hmmp!
Ito ang araw na kinahihintay lahat ng mga estudyante. Ang Biyernes. Obviously, tomorrow is Saturday kaya excited ang lahat, maliban sa akin. Tila ganadong-ganado mag-aral ang mga mag-aaral ngayon. Participative nga kanina sina Arcilla at Marietta, laging tinataas ang mga kamay. Himala!
Sabado, ay narito ako sa school para sa tatapusing lay out ng newspaper, para sa Lunes ay ma-imprinta na ito at ma-prepare namin para sa paparating na Journalism sa dadating na Huwebes.
"Girl, ang laki ng sumpa mo sa ilong!" bulalas ni Jayrom, ang isa sa mga kaibigan kong bakla na absent buong linggo dahil sa Cebu trip nila.
Call-sick ang alibi niya. May dala pa talaga siyang medical certificate at 'di ko alam saan niya kinuha.
Hinawakan ko ang taghiyawat na nakapatong sa dulo ng ilong ko. Medyo masakit pa dahil may kalakihan. Minsan na nga lang akong tini-tighiyawat, ang laki pa.
Pag-gising ko kaninang umaga ay mayroon na akong ganito. Sinisisi ko tuloy ang paghihintay kay Alfe.
Sino ba ang nag-utos sa akin na hinatayin siya? Masiyado ko lang pinapaasa ang sarili ko!
Pagkalabas namin ng campus ay agad na dinala kami ni Jayrom sa kaharap na park. Nakatingin pa ang mga pulis sa amin dahil tila may tinatagong bagay si Jayrom. Nasa harapan kasi ng munisipyo ng Babak at presinto ang naturang park.
"Mukha kang may dine-deal na drugs nito, Rom. Bakit mo ba kasi kailangang itago?" humahagikhik na tanong ni Arcilla nang makaupo kami sa bermuda ng maliit na park.
"Ano ba kayo, mahahalata na 'di ako nagkasakit!"
Inilabas niya ang isang plastik nang maraming otap sa loob ng bag niya and take note, walang ibang laman kundi pasalubong lang. At inisa-isa pa kaming bigyan.
"Wow!" bulalas ni Marietta.
Excited niyang binuksan ang isang balot na otap.
"Sarap!" she exclaimed.
"Thank you," sabi ko. Kahit scammer 'tong kaibigan namin ay mapagbigay naman.
"You are welcome, Marietta," sarkastikong tugon ni Jayrom sa kaibigan namin dahil sa lahat, si Marietta lang ang hindi nagpasalamat.
"Thank you, besh!"
Too late!
Nagpaalam na kami sa isa't isa. Naghihintay na rin ang van namin sa labas ng campus.
"Gusto mo?" yaya ko sa otap kay Summer.
Nilantakan agad ng kapatid ko ang pagkain, I gave two pieces to Kuya Kadong.
Ang totoo, isa lang ang nakain ko dahil inubos na ni Summer.
Nakatingin na lamang ako sa bintana. Dahil sa marami ng estudyante ay medyo mabagal ang takbo ni Kuya Kadong.
Pagod akong tumitingin sa mga estudyanteng naglalakad pababa ng poblacion. Naisip ko rin minsan, maglalakad ako next time. Mukhang masaya kasi tingnan.
I was smiling and enjoying the little scenery outside. My beam faded when I saw someone...
Bakit sila magkasama?