Kabanata 6- Offer

2801 Words
Tama nga yata ang sinabi ni Arcilla na baka huling kausap ko na iyon kay Alfe. Nang natapos ang Bat Festival ay 'di na nga kami nagkikita. Bakit naman kami magkikita? Natatawa na lang ako sa sarili. "Ako pa sa 'yo, i-chat mo siya, kumustahin mo o 'di kaya ay i-congratulate mo, gano'n!" palatak ni Arcilla sabay ngisi sa katabing si Janine. Expectedly, Alfe won the writing contest at that event, habang second lang ako dahil si Asia ng VSU ang nanalo sa extemporanous speaking. "Agree!" segunda rin ni Janine. "Nakahihiya naman, baka isipin niya na masiyado akong despereda," tugon ko sa suhesyon nila. "Hindi desperada ang tawag do'n, camaraderie, girl. Kaya't chat na before regret later!" saad ni Arcilla na sinabayan nang malakas na tawa. Ewan ko na lang sa kanila. Kahit kailan! "Hermoine! Nandito ka lang pala," hinihingal na sabi ni Marietta sa akin. "Nagla-lunch kami. Sabi mo kasi ayaw mo rito sa canteen kumain," sagot ko sa kanya. "Hindi nga, hinahanap ka ni Sister Eve." "Bakit daw?" Marietta shrugged and took one small slice of meat in my plate. "Sarap nito," komento niya habang kinakagat ang pork chop. I finished my food and immediately went to the principal's office. Nadatnan ko roon sina Sister Evelyn at Father Dexter, ang mismong pari sa parokya namin. "Hermoine," malumanay na tawag ni Sister Evelyn sa akin. Nagmano muna ako kay father bago umupo sa katabinh silya ng pari. "Hermoine, Father Veloso wants to talk to you," Sister Evelyn said with her clear words again. "Bakit po?" magalang kong tanong. "Anak, alam mong malapit na ang piyesta sa parokya natin," aniya. Marahan akong tumango. Isang buwan na lang at magpi-piyesta na pala. Isa sa malaking ka-piyestahan sa buong Distrito ng Babak ang selebresyon ni Birhen Dolorosa. Tiyak na marami na namang tao rito sa poblacion at maraming mga pa-contest. Naisip kong baka may motorcycle racing at yayayain ko ang mga kaibigan na manood. "Nais sana namin na ikaw ang kuning pambato ng simbahan bilang Mutya ng Babak." Nagulat ako sa sinabi ni Father Dexter. Hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Bakit ako? I mean, mas marami ang maganda sa campus namin. At hindi ako bihasa sa mga ganyan, lalo na sa maraming tao. "Naku po, Father. Hindi po ako sanay sa ganyan at hindi rin po ako marunong," nahihiyang sagot ko. "Hermoine, you can learn. Why don't you give a try?" Si Sister Evelyn ang sumagot. "Oo nga," segunda ni Father. "Marami naman po rito, mas maganda." Tinutukoy ko ang mga senior year students at isa na si Katherine Lerio. Lage siyang sumasali sa mga pantimpalak dati, minsan nakakalaban niya si Asia. "May nakita kami sa Hermoine kaya napili ka namin, bagay kang mag-representa sa parokya natin." Parte ng isip ko na gusto at subukan pero takot din ako. Ayaw kong mapahiya sa lahat. "Pag-iisipan ko po," tanging sagot ko. Nakailang kurap ako bago ko tinuonan ng pansin ang mga titig ng mga kaibigan ko. Nasa kiosk kami malapit sa basketball court sa loob ng paaralan at nagpapalipas ng oras bago umuwi. "Alam ninyo kung yelo ako, eh baka kanina pa ako natunaw," angil ko sa apat– sina Marietta na katabi ko, si Janine, Arcilla at Janice na nasa harapan ko nakaupo. "Bakit hindi ka umuo, ha? Girl, pangarap ng mga kakabaihan iyan! Lalo na ako!" Ngumuso pa si Marietta at humalukipkip. Ang tinutukoy niya ay ang offer nina Sister Evelyn at Father na maging representante ng simabahan para sa darating na piyesta. Pangarap siguro nila pero hindi ako. "Oo nga, Hermoine. Matalino ka, matangkad at lalo na, maganda. Ano ba ang kinakatakot mo, ha?" segunda naman ni Janine. "Baka mapahiya lang ako! At baka hindi ako payagan." "Hindi ba si Asia na ang pambato ng lolo mo? At sa simbahan naman ito, hindi sa kalaban niya–" Natigilan si Arcilla sa pagsasalita at alanganing ngumisi. "I mean, for sure akong papayagan ka, hindi ba?" pambabawi niya. "Teka, bakit ba si Asia ang kinuha ng lolo mo na 'di hamak na mas maganda ka naman sa negrang iyon?" tanong ni Janine. "Hoy, grabe ka naman sa negra, baka charcoal." At binuntutan pa ng halakhak ni Arcilla. "Kayo talaga, ano? Maganda kaya si Asia. Hindi siya maitim, morena siya," pagtatanggol ko. "Maitim ang ugali! Alam mo ba na ang yabang niya no'ng inanunsyo na nanalo siya? Like, er! Iyong isang judge nila, alumni ng VSU, natural na papanalunin siya," nanggigigil na turan ni Janice na kanina lang ay tahimik na nakikinig sa amin. "Agree, at mas maganda iyong sa 'yo, Hermoine. Straight to the point!" palatak ni Arcilla. I slowly shook my head. "Siyempre, mga kaibigan ko kayo kaya nasasabi ninyo 'yan." "Hindi, ah! Hindi rin kami bias!" giit ni Marietta. "Teka, balik tayo. Accept the offer na, kami ang mga supporters mo! Magpapa-tarpaulin talaga ako," kinikilig na saad ni Janine. "Oo! Isali natin si Alfe sa squad!" Nanlaki ang mga mata ko sinabi ni Arcilla. Hindi alam ni Marietta na crush ko si Alfe. "Teka, bakit nasali si Alfe?" takang-tanong ni Marietta. "W-Wala. Biro lang ni Arcilla 'yon," sabi ko. Arcilla rolled her eyes. "Bakit ka ba naglilihim kay Marietta na crush mo si Alfe? At isa pa, crush lang naman 'yon!" Face palm! Ewan ko ba bakit ang tabil nitong si Arcilla. "Seryoso, Hermoine?" gulat na tanong ni Marietta. "Kuan... hindi naman totally–" "Hanggang ngayon ay nililihim mo sa akin ang mga crushes mo? Grabe ka, bestfriend pa naman kita!" Nakangusong tumalikod sa akin si Marietta. Saan siya nagagalit? Sa pagtatago ko na crush ko si Alfe? O crush ko sa Alfe na crush din niya? "Eh, kasi alam kong crush mo si Alfe!" sagot ko dahil hinahawi niya ang kamay ko tuwing hahawakan siya. "What?" Lumingon siya sa akin na naninigkit ang mga mata. "You kept that from me because of that reason? Ang babaw mo!" Hala! Ang drama niya. Natatawang nakamata ang tatlo sa amin. Mas close kami ni Marietta dahil noon pang elementarya ay magka-klase na kami. "Hermoine Ritz Solarte! Crush ko si Alfe, crush ko si Sir Marfa, crush ko ang mgapl sakristan sa simbahan, crush ko nga si Father Dexter, lahat ay crush ko! Bakit naman ako magagalit kung crush mo si Alfe, aber?" Oo nga naman. Lahat yata ng lalaking gwapo at bet niya. "So, hindi ka galit dahil crush ko si Alfe?" "Of course, no! I mean, yes! Hindi ako galit, Dios ko naman!" Medyo nakahinga ako roon, ah! Akala ko magagalit si Marietta. Ayaw na ayaw pa naman niyang inaagawan siya. "Pero, Hermoine! Say, yes! Sayang ang offer at alam kong hindi na iisipin ng lolo mo 'yon, remember, they already chose Asia!" May kung ibig sabihin ang tono ni Arcilla. Alam nila na malayo ang loob ko sa abuelo at alam din nila– tanging sila lang ang nakakaalam na 'di ako totoong Solarte. "Pag-iisipan ko," tanging sagot ko. Hindi na ako sumabay kay Summer sa pag-uwi dahil may usapan kami ng mga kaibigan na kakain sa bagong panaderya sa poblacion. Sabi'y masarap daw ang ensaymada roon at halo-halo. "Halo-halo na walang yelo." Sabay kaming apat na napalingon kay Marietta. Is she joking? "I am not joking!" Nagkamot pa ng ulo ang nagseserba sa amin. Ano'ng trip niya? "Ano ang lasa n'on?" ani ng serbedora. "Basta, Ate walang yelo, nakakataba raw ang malamig." Iiling-iling kami sa ka-werduhan ng kaibigan. Minsan naiisip namin, saa'ng planeta kaya 'to galing? Walang nagawa ang serbedora kundi sundin si Marietta. Ensaymada at halo-halo rin ang in-order naming apat nina Janine, Arcilla at Janice. Nagku-kwentuhan kaming lima nang biglang pumasok ang isang grupo ng mga estudyanteng babae. Mga apat sila at medyo maarte yata ang pagkakapasok ng mga ito. Dahil sa asul na uniform at logo na asul na libro na may agilansa loob, alam naming taga VSU sila. We are not against with them. Pero ang HCB at VSU ang laging nagkakatunggali at hindi naiiwasan ang irapan ng bawat estudyante kung nagkakatagpo o nagpapang-abot sa isang lugar. Ewan, minsa nagiging personal na ang kompetensiyon. Nakita namin ang pagtaas ng kilay ng isang estudyanteng may pink na ribbon sa buhok. Magkaharap pa kami ng lamesa kaya kitang-kita paano niya kami tinatarayan. "Ano?" bulong ni Janine sa amin. "Ssshh!" I hissed. Ayaw ko ng gulo. Basta 'wag lang kaming pakikialaman. They reserved a seat. May kasama pa yata silang isa. The glass door opened at bumungad ang nakataas-noong si Asia. To be honest, I was so stunned by her beauty. Her tannned skin, straight black hair at ang mahaba niyang pilik-mata. Nakakainggit. Marietta secretly made a face. "Akala mo ang ganda," bulong niya kaya siniko ko siya. Naghahanap talaga ng gulo, eh! Tumahimik na rin ang apat kong kaibigan kaya medyo nakahinga na ako nang maluwang. Our order was served at sarap na sarap kami na hindi napigilan ni Arcilla na tumili. Napalingon ang mga customers, ang iba ay natawa, pero ang ang grupo nina Asia ay nanunuyang tiningnan kami. "Low class," narinig naming sabi ng isa. Aakmang tatayo si Arcilla pero pinigilan ni Janice. "Hayaan mo na! Bakit ka ba kasi tumili?" tanong ko. "Eh, masarap, eh!" tugon niya. We tried to eat normal pero nagpapasaring na ang grupo sa kabilang lamesa. "Oh, my God, Asia! Ano ang gift ni Alfe sa 'yo? Is it a congratulatory gift?" sabi ng kasama niyang nakapuyos ang buhok. Ipinakita ni Asia ang kamay. She was showing them a bracelet. "Yes. You know how proud Alfe for me," mayabang na tugon ni Asia. Maarteng nagtawanan ang lima. Hindi ako naiinggit. Wala naman kami ni Alfe, hindi nga kami nagkakausap. Pero bakit ang sama sa pakiramdam? "Wow, bagay nga! Ang galing mo kasi, no wonder nanalo ka sa extempo!" Idiniin pa talaga ng isang kasama niya ang huling salita habang nakatingin sa akin. Nagtinginan kaming lima. Ano ba ang problema ng mga ito at pinag-iinitan kami– ako. "Alam mo girls, if hindi sa kanila ang isa sa mga judge baka nanalo si Hermoine," sagot ni Arcilla. Napapikit ako sa inis ng mga ito. Pinatulan pa. Nagsinghapan ang lima at sabay na napatingin sa amin. Inuudyok ako ng apat na patulan si Asia pero hindi ko sila sinunod. Hayaan na lang silang bumula ang mga bibig sa pambu-bully riyan, basta hindi lang ako sasaktan ng pisikal. "Maiba tayo, ikaw na pala ang bagong representative ng mga Villarica?" Agad kong nilingon ang grupo nila. Paano nangyari? She committed to Lolo already. Lolo hired a coach from Davao, na nagtuturo daw ng mga kandidata sa Mutya ng Davao para turuan si Asia. Malaki na ang gastos ni Lolo! "Of course, si Alfe ang escort ko, how can I refuse?" sagot ni Asia. Hindi ko alam saan nanggagaling ang inis ko sa loob-loob. Bakit gano'n? Ang laki ng pag-asa ni Lolo na si Asia ang lalahok para sa kanya tapos dahil kay Alfe ay lilipat siya? Did they offer her like that? Grabe naman! Ano kaya ang reaksiyon ni Lolo? Alam kong devastated siya ngayon lalo na at malapit na ang piyesta. Tama nga ako. Galit na galit si Lolo. They hired someone to be the coach, paid a gown designer but Asia betrayed! Sa kalaban pa ni Lolo lumipat. "Papa, we can find someone," alo ni Mommy. "Sino? Si Asia lang ang magaling na alam ko." Marami namang magaling, ah! Ano ang mayroon kay Asia? Nagtitinginan sina Mommy at Daddy. "What about Summer," suhesyon ni Mom. Napangiwi si Summer. "God! Mommy, ang liit ko. Hindi bagay at mapapahiya lang si Lolo, for sure!" tanggi niya. She glanced at me. Bigla na lang sumilay ang ngiti niya. "Oh... my! Bakit hindi si Ate?" "No!" Agad na sumagot si Lolo na halos dumagundong sa buong sala. Ang lakas ng boses niya at ang diin ng pagkakasabi niya ng "no". Pangit ba ako? "Papa!" saway ni Daddy. "Makakahanap ako, but not Hermoine. Baka mas lalo akong mapahiya." Ang sakit ng sinabi ni Lolo. Bakit siya gano'n? Alam kong 'di niya ako gusto pero h'wag naman sanang harap-harapan ang pang-iinsulto niya. "Anak..." Hinawakan ni Mommy ang kamay ko. "Okay lang, My. At totoo naman. Baka mapahiya ko lang siya." Pinigilan kong maiyak. Tila may tumutusok sa loob-loob ko at gusto kong maiyak. Nagpaalam akong papasok na sa kwarto at doon ko binuhos ang luha. My own family embarrassed me. Pinahiran ko ang mga luha at tumungo sa veranda. At least, nakagagaan ang nangingislap na karagatan. I was weaponised an emotional indifference.Tears escape my eyes again, running away upon my cheeks, leaving my body as if they cannot bear to witness yet another verbal assault. When he shamed me, I couldn't speak, I could't fight back and talk. Sino ba naman ako? It just hurts. But in that context, the word 'hurt' holds a lot more meaning than usual definitions. It is a lingering pain, one you can only shake by gaining a greater perspective, by standing back and imaging yourself. Kahit nandiyan naman sina Mommy at Daddy para aluin at suportahan ako, iba pa rin ang bigat na aking nararamdaman. Ano kaya ako ngayon kung buhay ang totoo kong mga magulang? Will they protect me? Paano kaya kung nandito si Mama? Ipagtatanggol kaya niya ako kay Lolo? Ang sakit lang talaga sa pakiramdam. Tinitigan ko ang magandang tanawin sa harap ko. Ang tahimik na ng paligid at tanging ang hampas ng alon ang naririnig ko. Moving through my depths, I become aware of the currents; the sea is more as rivers in three dimensions with no need of banks. Nilanghap ko ang sariwang hangin. I slowly closed my eyes and felt the breeze embraced and calm me.The wind had become the orchestral conductor of the sea to my ear, sending waves into its crescendos' all through the ballad that was the night. All about us was the perfume of the salty water and the fine spray that came as boldly as any viola flurry. It was as if life myself had entered the water and the energy was so great that this great pulse came upward to form a steady rhythm. Bigla kong naisip ang offer ni Father. Would they mind if I join the contest? I mean, bilang representante ng parokya? Iniling ko ang ulo sa naisip. Bakit ko ba naisipan iyon bigla. "Makakahanap ako, but not Hermoine. Baka mas lalo akong mapahiya" Umalingawngaw sa tainga ko ang sinabi ni Lolo. Bakit ko naman siya ipapahiya? I have confidence in answering questions, ang pagdadala na lang sa sarili ko ang kailangan kong pag-aralin. I decided! "I want to join the pageant." Nagulat ang lahat sa sinabi ko. Ibinaba ni Lolo ang kubyertos at tiningnan ako. Kasalukuyan kaming nasa hapag at kumakain ng agahan. "I already found my representative, Hermoine," malamig na sabi niya. "Father Dexter offered me to represent the church." Mahinang humalakhak si Lolo. "Tsk. I felt pity for you. But suit yourself there, Hermoine. Good luck!" Tumayo si Lolo kahit hindi pa siya tapos kumain. "We are here to support you, anak." Si Mommy. "True. Nasa likod mo lang kami." Tinapik ni Daddy ang balikat ko. I accepted the offer. I gave them a heads -up na wala akong suporta kay Lolo dahil may representative rin siyang kailangang gastusan. Umintindi naman sina Father. Si Ate Katet, ang dating Mutya ng Babak na Senior High School ng HCB ang magtuturo sa akin, iyong personal coach din daw niya ang isasama para mas mabihasa ako. "Kasya sa 'yo ang mga gown ko. Ipapahiram ko sa 'yon iyon." Simple akong ngumiti sa kanya. Dahil sa pumunta ako sa bahay nina Ate Katet, nag-tricyle na naman ako. I was waiting at the corner of the road. Magtatakip-silim na kaya baka mahihirapan na naman akong makasakay. Bitbit ang paper bags na may lamang mga gown at sandal, I waved my hand to call for a tricyle. "Oh, shoot!" bulalas ko nang magsihulugan ang dala ko. I bent my back to get it but a hand held it already. Ang pamilyar ng amoy. Iniangat ko ang ulo at ang naka-jersey short na itim at simpleng puting t-shirt na si Alfe ang tumambad sa akin. Hindi ko alam kung eksaherado bang sabihin na tila kumukulo ang tiyan ko sa kabang nararamdaman. Kung ang sabi'y tila may paru-paro sa tiyan, baka 'sang daang insekto na siguro ang sa akin. Hindi ko alam ang itutugon sa kanya dahil tila ayaw bumuka ang bibig ko s gulat at kaba. "Did you accept the offer?" he suddenly asked. I didn't get it, but I chose to nod. "Good to know." Teka, what does he mean? What offer?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD