Kung saan nakikiayon ang damdamin ko, roon din mabilis umikot ang oras.
In a very short interaction with Alfe, it brought a very comfortable feeling towards him. Kahit masyado siyang seryoso at nagsasalita lang kong may itatanong o sasagot sa isang tanong ay parang malaking bagay na sa akin.
"Ano pa ang tinatayo-tayo mo riyan, Hermoine? Kausapin mo na si Alfe," sabi sa akin Arcilla.
Tapos na kami sa lahat; sa pagde-decorate, pag-aayos at maging sa mga gagawin bukas. It was past seven in the evening at dahil sa sama-sama naming paggawa ay natapos agad namin.
"Ha? Ano na naman ang sasabihin ko?" sagot ko at tinalikuran ang kaibigan.
"Hala! Hermoine, bukas hindi na kayo makakapag-usap, we will be like a busy bee tomorrow. After tomorrow, wala na," aniya.
Ako talaga ang gagawa ng paraan para makausap si Alfe? Kahit ultimate crush ko siya, hindi ko naman ipapahiya ang sarili ko para lang mapansin niya. At isa pa, hindi masyadong masalita at namamansin si Alfe. Nakakahiya rin.
Umiling ako sa sinuhesiyon ni Arcilla. Kahit gusto kong kausapin si Alfe at makipag-kwentuhan, it is not a very good idea.
"Hay! Ang hina!" maktol niya.
"Ako na nga!"
Ano raw?
"Hi, Alfe! May itatanong daw si Hermoine," aniya.
Nginisihan ko siya kasi alam kong jina-jamming at inaasar na naman niya ako.
"Sure, what is it?"
'Tang ina may sumagot!
"Moi?" His serious and baritone voice made me gulp a lot of times.
Pahamak na Arcilla 'to!
My friend widened her eyes when Alfe called me that name, sinabayan pa ng mapanuksong ngiti.
Napakagat ko ang labi sa inis kay Arcilla at kaba dahil pakiramdam ko nasa likuran ko na si Alfe.
I slowly turned around and smiled a bit.
Nakapamulsa siya at puno ng pagmamalaking nakaharap sa akin. His face was catatonic but his eyes were asking.
"Ah... kuan... may... s-sasalihan ka bukas?" Wala na talaga akong maisip.
Marahan siyang tumango at tumingin sa likod kung saan naroon ang stage.
"Ikaw?" he asked back.
"O... Oo?"
"Oo? Not sure?"
"Ha? I mean, yes. Meron. Extemporaneous speaking," kabadong sagot ko.
Tumango-tango siya at humakbang patungo sa isang monoblock kung nasaan nakalagay ang itim niyang backpack.
"Uuwi ka na? Nag-uwian na ang iba," saad niya sabay turo sa mga kasama naming naglalakad palabas.
"Oo, hihintayin ko lang si Arcilla dahil sasabay ako-"
"Hindi ka makakasabay, Moi!" sabat ni Arcilla. Idiniin pa talaga niya ang pangalang tinatawag ni Alfe.
Kunot-noo ko siyang tiningnan. Nag usap na kami kanina na isasabay niya ako dahil may delivery ng bulaklak sa may kampo na malapit sa amin. Arcilla's grandparents owned a small flower farm at suki na nila ang mga resort sa kampo.
"Puno ng bulaklak ang pick up. Allergic ka sa pollen, 'di ba?"
What? Kailan pa ako nagka-allergic sa pollen?
Pro-protesta na sana ako nang bigla niyang kinabig ang braso ko.
"Ano ka ba? May maganda iyang sasakyan. Pahatid ka na!" bulong niya sa akin.
"Ano?"
"Ah, Alfe. If you don't mind, makikisabay na sana si Hermoine. Ayaw kong magkasakit ang friend ko, baka... naman."
Kung may pinakamakapal na mukha sa buong mundo, kay Arcilla na 'yon!
"Hindi na kailangan, marami namang tricycle," agap ko.
"I hired a tricycle outside. We can ride together para may kita rin si Kuya Marlon," tugon niya.
"Ayon naman pala, eh!" Kinabig ako ulit ni Arcilla.
"No car? Pero ayos lang, at least, makakasama mo siya," bulong niya uli.
I can not believe her! Binubugaw niya ako.
"Let's go, Moi." Si Alfe.
Nauna nang maglakad si Alfe at tinulak ako ni Arcilla para makasabay ko itong maglakad. Kung wala lang si Alfe ay kanina ko pa siya sinabunutan.
Sumakay ako sa harap pero hindi tumabi si Alfe sa akin. Nasa likod siya nakaupo. Bakante naman ang katabi ko at kami lang namang dalawa.
Napanguso ako na baka napilitan lang siyang isabay ako ngayon. Dapat ay hindi ko pinapahiya ng ganito ang sarili. Alam kong iniisip niya na masiyado akong despereda. Halata pa naman sa kilos ko na nangangatog ako 'pag kaharap siya. If girls have strong intuition, what more in boys?
Tahimik kami habang nasa biyahe. Hindi ko rin siya matingnan dahil nahihiya nga ako. Akala ko kanina ay nasanay na ako 'pag kaharap siya pero pinahinga lang pala ako ng damdamin ko.
Gusto ko siyang tanungin kung ano ang sasalihan niya bukas pero hindi ko maibuka ang bibig. Marahil may punto si Arcilla, baka hindi ko na siya makausap bukas o sa makalawa... o sa ibang mga araw... o hindi na kailanman.
Alanganin akong lumingon pero nagbabasakali ako.
"Ah..." Iyan lang ang kayang mailabas ng bibig ko.
Nakaharap si Alfe sa cellphone. Inangat niya ang ulo at seryosong tumingin sa akin.
"Bakit?" tanong niya.
Napalunok ako sa malamig niyang boses. Bakit ba ang seryoso niya?
"Ah... may... sasalihan ka bukas?" tanong ko at agad na tumalikod.
Narinig ko ang mahina niyang halakhak kaya napalingon ako.
"You are asking the same question, twice," nakangisi niyang sabi.
Stupid! H'wag na nga lang akong magsalita baka kung ano pa ng mailabas sa bibig ko.
"Essay writing ang sasalihan ko bukas," sagot niya.
Hindi na ako umimik hanggang sa bumaba na siya ng tricycle. Inabot pa niya ang bayad sa drayber at ngumiti sa akin.
"Good luck tomorrow, Moi." Tumalikod na siya at pumasok sa malaki nilang gate.
If this moment is daytime siguradong makikita ang sobrang pamumula ko. The tiny powdered freckles above my nose clearly reveal everytime I am blushing because of romantic excitement or from of the heat of the sun. So, wala namang init kaya malamang dahil sa kilig.
Lumarga na kami pero naiwan ang diwa ko sa labas ng bahay nina Alfe at iniisip pa rin ang huling sinabi niya.
Moi...
Hanggang ngayon ay nasa tainga ko pa rin ang pangalang tawag niya sa'kin.
Kung maaga akong pumasok, mas maaga si Alfe na nag-aayos ngayon ng mga naamogang upuan.
When I checked my wristwatch it was still six-thirty. Tinungo ko ang kalapit na kiosk at doon iniwan ang backpack ko na ekstrang damit ang laman.
Nag-aalangan pa ako paano siya babatiin o kakausapin.
Good morning, Alfe. Aga mo yata! Offf! Ang pangit pakinggan at medyo sarkastiko.
Good morning, Alfe. Nandito ka na pala? Aga, ah! Malamang!
Pinalubo ko ang mga pisngi 'tsaka humakbang palabas ng kiosk. Bilang ang bawat hakbang ko, pilit na h'wag gumawa ng ingay.
Nasa likuran na niya ako at naghahanap ng tiyempo para magsalita. Ngunit hindi pa nakakabuka ang bibig ko ay lumingon na siya sa akin dahilan para magulat ako at ma-istatwa sa harap niya.
"Moi," he uttered. Tinanggal pa niya ng salaming medyo nanlalabo dahil sa amog.
"A-Alfe?" Nangangatog ang mga tuhod ko habang inaangat ang tingin sa kanya.
"A-Ang aga mo," tanging nasabi ko.
"Ah, oo. Umambon kasi kagabi kaya nag-aalala ako sa stage," aniya.
I was thinking how good leader he is. Mana talaga siya sa lolo niya. Hindi naman maikakaila na maraming natutulungan ang abuelo ni Alfe, lalong lalo na sa mga magsasaka rito sa Babak. Konsehal nga lang ito pero marami nang nagtutulak na maging Mayor dito sa isla at kalaban ng lolo ko sa tinatakbuhang posisyon.
"You're early, too," saad ni Alfe.
"Ha? Ah... Oo."
Tumalikod na siya at nagsimulang mag-ayos. Hanggang sa nagsidatingan na ang mga estudyante. Even students from other schools were arrived already.
The program started. Ang mga kaklase ko na sina Jill Nadine at Geal Ross ang naging hosts.
Matagal na ako sa isla at naririnig ko ang Monfort Bat Cave sa may Barangay Tambo. I've never been so interested before. But when the owner of the said bat sanctuary talked about the conservation of those millions of bats– 1.8 millions to be exact and counting, I was so captivated. Ang galing lang dahil ang kinakatakutan natin ay parang cute na mga alaga ni Miss Norma Monfort, ang mismong founder ng cave.
Halos sabay na sumigaw ang mga estudyante nang sabihin ng may-ari na papasok kami sa loob ng naturang sanctuary na libre.
After a small break, the contests started. Una ay ang jingle contest. Kasama si Marietta, Janine at Arcilla sa patimpalak na iyon. Right after the said contest, I prepared myself for the extemporanous speaking. Medyo kabado ako pero alam ko na kaya ko. I've been to such competition numerous times. Pero ang kaunting kaba ko ay naging kalabog ng naghahabulang daga sa loob ng dibdib ko nang makita ko si Alfe na nakaupo sa may gilid ng court.
Tapos na pala siya sa essay writing na sinalihan.
Unang tinawag ang VSU, at si Asia ang kasali. Dumaan siya sa harap ko at pasimpleng umirap. Hindi ko alam ano ang problema niya sa akin. Before she went up to stage, she waved her hands to Alfe. Nakita ko rin ang pagkaway ng lalaki sa kanya.
Magkakilala sila?
Bahagya akong nainggit nang pumalakpak si Alfe nang nasa entablado na si Asia. How I wish, Alfe would clap at me, too.
Asia delivered her speech well. Kahit sa kaunting minuto na ibinigay sa amin na pag-isipan ang topiko ay nagawa niyang palawakin ito.
Ako na ang kasunod kaya nang matapos ang kalahok sa ibang eskwelahan ay ibinigay na sa akin magiging topic ko.
The time is up kaya naghanda na ako. When my name called, I heard my schoolmates loud cheer. Natural, home court namin kaya kung may audience impact ang contest na ito ay baka dagdag points pa.
Kagat-labi akong sinulyapan si Alfe na seryosong nakatingin sa akin. Nakaupo lang siya ng tuwid habang hinihintay na magsalita ako.
When I started to speak, I motivated myself that I should be the best. Nakatingin si Alfe sa akin at dapat akong magpakitang-gilas.
The seven-minute ended and a loud cheer howled the whole court.
"Bff ko 'yan!" Narinig kong sigaw ni Marietta sa harapan. Napailing na lang ako sa kanya.
Okay kaya ang pagkaka-deliver ko? Tama ba?
Alfe clapped kaya masayang-masaya ako. Okay na iyon. Panalo na para sa akin.
Nilibot namin ang buong sanctuary. Dati ay hindi pa gaano itong naaayos. Pero ngayon, nilaanan talaga ng may-ari ng atensyon ang mga paniki.
An abundant amount of fruit bats, visitors can get an up close look from outside any of the five entrances. Ang sabi'y mas maganda kung dapit hapon na pupunta dahil sabay na magsisiliparan ang mga paniki. Since it's too early, nagpasya kaming maglibot-libot nina Marietta at Janine. Arcilla are with Janice and Kristine na nagpapa-picture sa gilid ng kweba.
"Hermoine, kunan mo nga ako ng litrato rito. Solo ha?" utos sa akin ni Marietta na pumwesto sa nakaharang na kawayan sa isang banging puno ng paniki.
Kinuha ko ang phone niya at kinunan siya ng litrato.
Nahagip ng mata ko si Alfe sa kabilang banda at nakatingin sa baba. Napangiti ako at wala sa sariling kinuha ang sariling cellphone.
"Pipicturan kita gamit ang phone ko, Marietta!" ani ko sa kanya.
"Talaga? Sige!" game na game na tugon niya dahil sa adik din siya sa ganito.
"One... two... three!" But the picture taken was not for her. But for Alfe.
"Hermoine! Sigurado ka sa kuha mo? Bakit parang hindi sa akin nakaharap ang camera?" angil ni Marietta.
"Sa iyo!" nakangiti kong sagot habang tinitingnan ng nakunan.
"Kailangan lang ng angle," turan ko.
Narinig ko ang mahinang halakhak ni Janine at saka tumikhim.
"Maganda ang kuha, Marietta! Magandang-maganda!" She was teasing me. Nakita niya siguro na hindi talaga si Marietta ang kinunan ko ng larawan kundi si Alfe.
"Patingin!"
"H'wag na," protesta ko sabay tago ng phone sa bulsa.
Nagpupumilit si Marietta na tingnan kaya nawala ang tingin ko kay Alfe. Nang tingnan ko ulit ang gawi niya kanina ay wala na siya roon.
Kainis!
"Let's take a photo together," yaya ni Janine.
"Wait... hanap lang ako ng kukuha ng larawan sa atin."
Nakasimangot akong luminga-linga. Nagbabasakaling makita ulit si Alfe. Pero bigo ako.
"Hermoine! Pwesto na!" utos sa akin ni Janine.
Malungkot akong tumalima at tumabi sa kanila. But my disappointment disappeared when I saw him, holding Janine's phone.
"Sige na Alfe!" Si Janine sabay siko sa akin.
"Okay, ready... one... two... three..."
I smiled. I smiled so sweetly because of him.