I felt the soft panic that could grow or fade depending on what I do next. A bulk on my lump couldn't be swallowed even the water I've been drinking now is very useless.
I could feel my pulse pounding in my temples. It's a relief to get to the nearest chair, because between the flat shoes and my legs shaking, I'm afraid I'll trip.
"Hermoine!" mahinang hiyaw ni Arcilla sa akin.
"H-Ha?" Napakurap ako sa katabing kaklase.
"Kanina ka pa tinatanong ni Ma'am Paramio, hoy!" aniya sabay tusok sa tagiliran ko.
After a get-to-know each other sa office ni Sister Evelyn, pinalipat kami rito sa library para makapag-meeting.
"H-Ha? Ano po ang tanong ninyo, Ma'am?" tanong ko sa assigned teacher para sa event.
"Are you okay, anak?" Ma'am Paramio asked with her concern voice.
"Opo!" agad kong sagot. Napatuwid ako ng upo.
Every pair of eyes darted on me. Nagtataka ang iba, even Alfe. I can not look at him directly. Nahihiya ako.
Susmiyo! Ganito pala 'pag may ultimate crush? Your whole system will crush!
"We've been asking if okay ba ang backdrop sa stage na naisip ni Mr. Villarica." Pinakita ni Ma'am Paramio ang isang papel na may sketch.
"Opo!" sagot ko sa walang pag dadalawang-isip.
She looked surprise to my immediate answer.
"Are you sure?" Tinig ni Alfe. His serious and baritone voice were like a melody to my ears.
"Y-Yeah..."
Narinig ko ang tikhim sa likuran ko.
"H'wag pahalata, girl," bulong ni Janine sa likod ko.
Gusto kong umirap pero nasa harap ako at tiyak, makikita nila iyon.
Alfe took the paper from Ma'am Paramio and walked towards me. Nagrurumentado na agad ang puso ko sa kaba dahil papalapit siya sa akin.
Lage kaming nagkakasabay sa tricycle pero iba 'pag kinakausap ka na niya.
"Tingnan mo'ng mabuti. Baka may maganda kang suggestion," he said, showing me the paper.
It's good. It's good dahil ikaw ang gumawa!
Nakagat ko ang labi sa naisip. Paano ba ako makakapag-isip ng tama kung isang Allejo Jasfer Villarica ang makakaharap mo?
Stalking his life made me fall for him every day. Only son of Deputy Director Junio Villarica and Attorney Cynthia Villarica. Aside from being the eldest grandson of Allejo Villarica, siya rin ang unang magmamana ng Villarica Oil Corporation na nasa Davao ngayon. An oil company from the direct buying of copra here in Samal. Their product will be exported to all Asia at sa narinig ko na sabi ni Marietta, dine-deal na rin nila ang European countries. Amazing, right?
"Oo. Okay siya. Lagyan na lang natin ng letterings, like theme ng festival," suhesyon ko. I'm just trying to be calm dahil masyado na akong halata.
Tumango-tango siya at inayos ang salamin sa mata.
"Okay, then."
Napag-usapan namin ang kanya-kanyang team. Me and Alfe will lead the whole groups. May grupo sa decorations, may grupo sa pag-aayos ng mga chairs at grupo sa program.
"So, kita tayo bukas. My students who'll participate for the preparation tomorrow will be exempted for the last period," ani Ma'am Paramio.
"Yes!" bulalas ni Arcilla sa likuran ko.
Ma'am Paramio raised her eyebrow.
"I... mean... Yes, Ma'am!" maang ni Arcilla at tumuwid sa kinatatayuan.
Math kasi ang last subject namin bukas kaya siya masaya, lalong lalo na may quiz pa. It's a relief naman talaga.
Nagpaalam na kami at nag-isa isa na ring nagsilabasan sa library ang mga estudyante, including Alfe. For the short time he talked to me, I felt like in a cloud nine, running and eating the chocolate, cloud9.
Napangiwi ako sa naisip na kakornihan.
I heard a whistle on my ear.
"Halata ka masyado, Hermoine!" natatawang komento ni Janine.
"Agree and not disagree!" segunda ni Arcilla.
"Halata ba masyado?" I asked.
Nagkatinginan ang dalawa kong kaklase at sabay sabing, "Yes!"
Siyempre, hindi sa lahat ng panahon magkasabay kami ni Alfe sa tricycle. Paglabas ko sa gate ng campus ay wala nang masyadong estudyante at saka baka sinundo siya.
Arcilla held my wrist. "Halika ka na, Hermoine. Sabay ka na, hatid ka na namin."
Patakbo naming tinungo ang mini van nina Arcilla at nakisakay na nga ako.
Nasa foyer pa lang ako ng mansyon ay sinalubong na ako ng dalawa naming kasambahay.
"Señorita, kanina ka pa hinihintay ni Señor Aga. May bisita po kayo," magalang na sabi ng isang katulong sa akin at yumuko.
Hindi na ako nag-abalang magbihis at tinungo na ang dining room sa taas. Tiyak akong kakasimula pa lang nilang kumain dahil hindi pa naman masyadong nagagalaw ang mga pagkain.
My eyes bore to our guests. They're not familiar. Pero parang nakita ko na ang babaeng kasing edad ko lang yata.
"Apo!" my Lolo called me. Inspite of the name he addressed me, I saw his jaw secretly clenched. Alam kong galit siya.
Lumapit ako para magmano but he kissed me on my forehead instead.
"You are late." Pigil ang galit sa boses niya.
Napalunok ako. Lagot ako mamaya nito!
"This is my eldest... granddaugther, Hermoine," pagpapakilala niya sa akin sa mga bisita.
"Magandang gabi po," bati ko sa kanila.
Aside from the teenage girl, beside her was a woman around forties and a man na ka-edad lang yata ni Lolo. The two smiled at me, except at the girl.
"She's so beautiful, Señor Aga. I mean, Summer is beautiful but... I didn't expect that Hermoine is so pretty like this." Imwenestra pa ng ginang ang kamay at itinuro ang kabuoan ko.
"Naku po! My ate is maganda talaga! Maraming nag-o-offer na magmodelo siya but she refused!" pagmamalaki ni Summer sabay sa nakakanuyang ngiti sa dalagang kaharap sa hapag.
At saka hindi totoo na maraming nag-o-offer. Isang beses lang ang may nagyaya sa akin at tinanggihan ko dahil focus ako sa pag-aaral lalo na't honor student ako.
Nakita ko rin ang pagtaas ng kilay ng babae. Her thick brow lifted as well as her tinted lip pouted when she heard the praises to me. Maganda siya. She has natural caramel skintone. Though, she was wearing light make up pero makikita mo sa kanya ang angking ganda. Ang agad kong nakita ay ang mahaba at tuwid niyang buhok. Her hair was same as the night sky and a silk glowed when the light from the chandelier reflected everytime her head moved. She was like a beauty queen.
"You should accept, iha. Sayang naman," nakangiting sabi ng ginang.
Nahihiya akong umiling. "Naku po, I need to focus on my studies."
"And that's the reason why we asked Asia to be the Solarte's representative in Mutya ng Babak," Lolo suddenly said.
Siya si Asia? I heard her name from my classmates. If I'm not mistaken, siya iyong nanalo sa beauty pageant during Pangapog, a thanksgiving celebration for an abundant reap featuring the way of life of the Sama, the indigenous individuals of Samal. It's like Kadayawan Festival in Davao or Sinulog in Cebu.
"Ikaw si Asia Seath Pichon?" nakangiti kong tanong.
Ibinaba niya ang kubyertos 'tsaka diritso akong tiningnan.
"Yes!" she proudly replied with a smirk.
I think this girl has a fishy attitude. May kayabangan ang awra.
"If Ate isn't busy with her study, for sure, siya ang representative ni Lolo, right, Lolo?" sabat ni Summer sabay taas ng kilay kay Asia.
Ngiti lang ang sinagot ni Lolo at binalingan ako.
"Sit down now, Hermoine," utos niya sabay turo sa bakanteng upuan.
Tumabi ako sa pagitan nina Summer at Mommy dahil ang pwesto ko ay inuupuan ni Asia ngayon.
Nakangiting tinitigan ako ng ginang. I do not know if she is Asia's mother. Hindi rin sila magkamukha.
"Ako nga pala si Sandra, tita ni Asia," sabi niya.
"Hello po, Tita Sandra," bati ko sa kanya.
"You are the carbon copy of Hera." The amusement of her voice made me smile, especially mentioning my mother's name.
Magkamukha ba talaga kami? Tuwing nananalamin ba ako ay nakikita ko rin ba si Mama? I don't have any good photo of her except sa isang lumang litrato no'ng kabataan niya. Sa sobrang luma nito ay 'di na halos makita ang mukha.
"Hera is like a goddess, kaya nga patay na patay si Jaime sa kan–ya..." And she stopped. Pati ako ay natigilan din.
Napalingon ako kay Mommy na tahimik na kumakain. Daddy Jaime was chewing his food, hindi makatingin sa nagsasalita.
"I am so sorry, Maricar. Dati na iyon," baling ni Tita Sandra kay Mommy.
"Of course! At... magkaibigan naman kayo ni Hera kaya normal lang na purihin mo siya ng ganyan." Mommy's voice was so sarcastic and I felt the tension between them.
May problema ba sila rati?
Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Tita Sandra.
Speak up, Dad! Gusto ko iyong isigaw dahil nananahimik lang si Daddy. Even Lolo was quietly eating, tila hindi pinapansin ang saringan ng dalawa.
"Ah... wala na po si Mama, Tita Sandra. Si Mommy Maricar po ang pinakamagandang nanay ko," sabi ko sabay sulyap kay Mommy.
Mom smiled at me and tapped me on my shoulder. Ayaw kong masaktan si Mommy. She was so good to me kahit hindi niya ako anak.
Nagpasalamat na lang ako nang natapos ang hapunan. I immediately ran to my room para makaiwas kay Lolo. Alam kong pagagalitan ako n'on.
Hindi pa ako nakakapasok sa banyo para magbihis ay pumasok na si Summer sa likuran ko at nakisamangot.
"Oh?" baling ko sa kanya.
"Alam mo ang yabang-yabang ng Asia na iyon? Maganda? Maganda?" nakabusangot na sabi ni Summer.
Iiling akong tumalikod sa kanya at tumungo sa veranda para matingnan ang nangingislap na mga ilaw sa siyudad na nasa kabilang dako ng isla.
The brilliant lighting of the city contrasts sharply with both the dark Davao Gulf to this small island.
I lifted my head to see out the dark sky, what I saw, took my breath away. The water infront of me was alive with lights like someone had taken a handful of glitter and thrown it as far as the eye could see. It was too dark to make out individual buildings, but the lights were enough for me. I sighed, amazed at the view laid out before me. The seawater was so calm, sana ganito rin ang puso at utak ko.
I heard Summer mumbling about Asia, but I didn't mind to listen.
I am like a cat on the hot bricks. Hindi ko alam ang dapat na maramdaman sa mga oras na ito.
Nangangatog ang mga tuhod ko habang papalapit sa open court ng campus namin kung saan naghihintay ang mga SGO ng VSU.
They are starting to clear the court from the dry leaves falling from the Talisay Tree.
Kitang-kita rin ng dalawa kong mga mata ang nagwawalis na si Alfe. The way he moved his arms seemed so suggestive. It's like a slow motion that every gesture was so valuable.
Siniko ako ni Janine. "Oh?"
She widened her eyes to warn me.
"Relax, okay?" natatawa niyang sabi.
"Baka sabihin na..."
"Na?"
She smirked and put her arm on my shoulders.
"Na marupok ka," nanunuyang dagdag niya.
Napairap ako sinabi ng kaibigan.
Hindi naman siguro. Marupok ba ako?
Hinawi ko ang pagkakaakbay niya at naglakad papunta sa court para makatulong na rin.
Umiiwas ako saan naroroon si Alfe dahil sa nagrurumentado na ang dibdib ko sa kaba. Ganito ba ka-eksaherado ng nararamdaman 'pag may crush ka? May crush naman ako rati, pero hindi ganito ka-wild. Nagka-boyfriend na rin ako pero hindi naman katulad ng excitement ko sa nobyo at kay Alfe.
Nag-gugunting ako ng mga na-print out na mga letters para sa backdrop ng stage nang bigla akong kinabig ni Arcilla at Janine.
"Bakit?" inosente kong tanong sa dalawa na parang mga kiti-kiti sa magkabilang gilid ko.
"Bhe, si crush will lande on you!" bulong ni Arcilla.
"H-Ha?"
She pointed the man wearing a navy blue pants and a white collared uniform.
Alfe!
Biglang tumayo ang dalawa at sinalubong si Alfe.
"Hi, Alfe!" they greeted synchronously.
Lumingon pa ang dalawa at sabay na kumindat bago umalis.
Nag-iwas ako ng tingin nang tumingin siya sa akin. Why is he here? Lumayo na nga ako.
"What's your name again?" he asked.
See? Hindi niya nga maalala ang pangalan ko?
I steady myself and faced him.
Relax, Hermoine. Si Alfe lang 'yan.
"Ha?"
"Ah, your name."
"Hermoine."
Tumango-tango siya at inabot ang isang Zest-O juice at mamon.
"Snacks?"
Napatitig ako sa pagkaing inabot ni Alfe– no... Not exactly the food but his hand. Bakit ang lalaking-lalaki ng mga kamay niya? He's rich, I was expecting na kasing lambot iyon sa mga kamay ni Timmy. But Alfe has two hands who can protect a woman. The small veins above his knuckles show that he was working hard in something else.
Gusto ko ng lalaking ganito. Iyong kaya kang protektahan at bubuhayin ka sa sariling sikap.
"Ah... ayaw mo sa food, Hermoine?" he asked again.
Nagising ako sa pagpapantasya at tumingala sa kanya. I am tall. At my age of sixteen, I already have a height of 5'4, pero sa tangkad din ni Alfe, hanggang baba niya lang ako.
"Ahh... no. G-Gusto ko. Sorry," hinging-paumanhin ko.
Tumango siya at tumalikod.
Napangiti ako habang hawak-hawak ang pagkain. I'll not eat this for sure! Itatago ko ito dahil bigay ito ni Alfe.
"Hermoine?"
"Oh! Ha?"
Shit! Nabitawan ko pa ang mamon at juice dahil sa gulat.
He glanced at me with furrowed brows.
Agad kong dinampot ang mga nahulog na pagkain at tumingin sa kanya.
When everything seemed okay, 'tsaka lang siya nagsalita.
"Can I call you... Moi?"
"Moi?"
"Yes? Moi."
Haaayyy... Kahit tunog pangalan ng unggoy ay okay lang...
"Ang haba na kasi ng Hermoine," aniya.
Wala sa sarili akong napangiti at tumango-tango.
"Call me whatever you want," wala sa sariling sagot ko.
Kahit baby pa, mahal or sweetheart. It's fine! As long as it's coming from you, Alfe. Everything is like the sweetest endearment.