Kabanata 3- Notice

2233 Words
If Timothy's often visit here in the mansion made me as my Lolo's favorite granddaughter ay siguro ang saya-saya ko. Pero alam ko sa sarili na pakitang-tao lamang ni Lolo ang pagmamahal niya sa akin sa harap ng bisita. "My grandchild is very smart, Timmy." Niyakap ako ni Lolo patagilid. I smiled a bit. Masarap sanang pakinggan pero mabigat sa loob. "I can see it, Uncle," pormal na sagot ni Timothy sabay ngiti sa akin. Timothy Cuevas, II is the only grandson of Davao del Norte Governor Romulo Cuevas. He studied at Ateneo de Davao University as a Political Science student. He is on his first year at pangarap niyang sumunod sa yapak ng lolo. He's good. Aside from being an achiever in ADDU, he is also an international model. Sa katunayan, this coming December daw, he will be having a runaway show in Paris sa isang sikat na clothing brand. "You can be a model, Hermoine. You are tall, slim and..." He trailed off. Sinulyapan ko siya. "You're beautiful." Umiling ako at umupo sa katabing duyan. Our grandfathers let us talk her outside. Kaya nandito kami sa garden at nag-uusap. "Wala sa isip ko ang ganyan. I want something else..." makahulugan kong sagot. Pumunta siya sa likod at bahagyang tinulak ang duyan na sinasakyan ko. "Then, ano ang gusto mo?" he curiously asked. Ano nga ba? Basta gusto ko lang maging ibang tao. Maging anak ng isang simpleng pamilya pero puno ng pagmamahal. Iyan ang pangarap ko. My parents loved me. I didn't question that. Pero may kulang pa rin at hindi ko alam kung ano 'yon. I shrugged and stood up. "I need to go inside, Timothy. Marami akong homework ngayon," sabi ko. Marahan siyang tumango at ipinasok ang dalawang kamay sa side pockets. He smiled at me. He's fine naman. Pero gusto kong mapag-isa na muna. I don't have homework. Alibi ko lang para makaakyat na rin ako. Ibinagsak ko ang sarili sa malambot na kama. Dapat ay masanay na ako sa set up at lugar ko sa bahay na 'to. Pero... parang hindi pa rin ako sanay at nasasaktan pa rin ako sa araw-araw na parang wala akong puwang sa bahay na 'to. Mariin kong ipinikit ang mga mata. Painful tears escaped from my eyes. A lot of if's keep taunting on my head. Pinahid ko ang mga luha nang tumunog ang sunod-sunod na notification sa sss ko. My classmates flooded my new profile picture with likes and comments. I checked it at inisa-isa ang mga naglike. Mostly ay mga kaklase kong lalaki nagpi-piyesta roon. It's just my photo in the veranda. Nakaupo ako sa rocking chair at pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Summer stole a shot from me at ipinasa niya sa akin kahapon. Nakaside view nga lang ako bitbit ang tasang may laman na tsokolate. I captioned it with, Sitting on the setting. My photo was uploaded two hours ago but it gained over 300 likes, may nagshare pa. What's so special with the picture? Kaharap ko lang naman ang dagat at ang papalubog na araw. Simpleng t-shirt at running pants ang suot ko. Maybe the photography? Magaling lang kumuha si Summer o 'di kaya ang mismong view ng sunset. I opened the door of my veranda para makapasok ang simoy ng hangin galing sa dagat. Papalubog na rin ang araw. Nagkukulay kahel na ang tubig dagat. The sun dropped below the horizon, the last gasp of glamour before the death of the day. Its glorious conflagration, blazing with fabulous colors but eliciting no warmth. "Mabuti pa siya, nakakapaghinga na." Itinukod ko ang mga kamay sa bakal na railings ng aking veranda. I was thinking, kung kasama ko siguro ang totoong pamilya, am I feeling the same way? I mean... magaan kaya sa pakiramdam? Si Daddy Jaime ang naituring kong ama. My Mom was pregnant when she got married to Daddy. Alam ni Daddy na hindi siya ang ama sa dinadala ni Mama. But his genuine love to my mother embraced also her extra baggage– it was me. Namatay si Mama nang ipinanganak ako. I used Daddy's last name as his legal daughter. A couple of year after Mama,'s death, he got married to Mommy Maricar. Napakabait ng madrasta ko. She even treated me as her own daughter. Ngunit, kasalungat sa pakikitungo ng mga tinuring kong mga magulang ang pakikitungo ni Lolo. Ayaw niya sa unang asawa ni Daddy, which is my biological mother. Alam niya rin na hindi ako anak ni Dad. Lolo Agapito has pride to be taken care of. Sumang ayon siyang dalhin ang apelyido niya at maging anak ni Daddy Jaime at apo niya. Pero walang araw na hindi niya pinaparamdam sa akin na hindi ako kabilang sa pamilya. I used his last name but not his blood, as what he always said to me. Ayaw ko na ring umangal dahil kung tutuusin ay maswerte na ako dahil marangya ang buhay ko ngayon. Kung ano'ng merong materyal ang totoong Solarte na si Summer ay meron din ako. But it does not include my grandfather's affection and acceptance. My phone beeped kaya nahinto ako sa pagsesenti. Nagmessage si Marietta sa akin at ang isa ay sa notification sa sss. My heart was pounding for joy when a notification from my profile picture appeared in the screen. Kinabahan ako. He noticed me! Alfe Samaniego liked your photo. "Oh, my!" I tossed my body on bed and rolled over there. Sa sobrang saya ko ay napunta na pala ako sa kabilang parte ng bed at nahulog! "No way!" I exclaimed in happiness. Nakahiga na ako sa malamig na sahig habang yakap-yakap ang unan na kasama ko na nahulog. "He noticed me!" I said to myself. Bumangon ako at kinuha ang phone sa ibabaw ng kama. I should say thank you for liking my post, 'di ba? Hmmm... actually, sa kanya ko lang din naisip iyan. I can not send messages to 300 plus friends of mine na naglike, no! But he has exception, anyway. Nag-isip ako ng ititipa. Hmmm... Thank you for liking my pic. No! Pangit! Howdy! Thanks sa like. Na! Ang conyo baka isipin niya na maarte ako. Appreciate your notice... Tss! Nagmukha akong papansin! Nag-isip ako ng e me-message sa kanya pero masyado akong overwhelmed para makapag-isip. Wala sa sarili akong nagtipa. Bahala na! Basta ang alam niya, appreciate ko ang paglike niya. Thankie. I send it. Inilagay ko sa dibdib ang cellphone. Kahit 'di siya magreply ay okay lang. Ilang minuto lang ang nakakalipas ay inulan na ang notif ko. Sunod-sunod na comments ang bumaha. Replying to your comment to your post Janine Serentas: Hala! Arcilla Payao: Wow! Raffy Escobido: pa-notice rin sa like ko @Hermoine Ritz Solarte. Pls. Joseph Edward Obias: Panotice @Hermoine Aingel Tapongot: me too. Jan Clinton Ibea: unfair ka naman Hermoine! Ako ang first liker mo! /: Shit! s**t! s**t! Kung pwede lang sabunutan ko ng malakas ang buhok at ilampaso ang sarili sa sahig ay ginawa ko na. Sa comment section pala ako nagtipa at hindi sa PM. Damn it! Ide-delete ko na sana ang comment ko nang may nag-notify. Alfe Samaniego liked your comment. Damn! "Monfort Bat Cave Sanctuary will be having Bat Festival and our school will be the host," anunsyo ng principal namin during flag ceremony. Naghiyawan ang mga estudyante dahil lahat ng eskwelahan sa Babak District ay rito pupunta sa amin. "Hermoine, tawag ka ni Sister," saad ng kaklase ko nang makalabas ako ng classroom for recess. I held my C2 juice with my biscuit at pumasok sa principal's office. Madadaanan ko lang ang lamesa ng mga guro kaya bumati ako sa kanila. I knocked twice before Sister Evelyn answered me. "Good morning, Sister," mahinhin na bati ko sa kanya. Sister Evelyn is around late 50's, she's petite. Istrikto rin siyang tingnan at ang isang nakakawindang sa kanya. EOP o English Only Policy 'pag nandiyan siya o sa loob ng campus. "Take your seat," she commanded with her very clear words. I am always spellbound how she emphasized the letter 't' on the word. And it is so fascinating! "This is Hermoine Ritz Solarte, our Student Body Government Vice-President, a junior highschool," pagpapakilala ni Sister sa akin sa isang guro rin yata pero sa ibang eskwelahan. I am not sure. Nasa hospital kasi ang Presidente ng SBG kaya nasa balikat ko ang obligasyon sa gaganaping event sa makalawa. "Hi, I'm Martin, Monfort Bat Cave Manager," pagpapakilala niya sabay lahad ng isang kamay. Nakipagkamay din ako sa kanya at ngumiti. Hindi pala siya guro. Para kasing tabas ng uniporme ng mga guro ang sa suot niya na may kaparehong pattern sa gilid. "The whole Babak District schools committed their presence for the coming Festival. Kaya, nandito kami para sabihing VSU will be joining your team for the preparation," sabi ni Sir Martin. Tumango ako. Mabuti naman kung gano'n para hindi kami masyadong mapagod. Balita ko maraming contest ang inihanda at may prizes din from the owner of the bat sanctuary. "Makikipag-coordinate ang Presidente ng VSU SGO today, after your afternoon class," he added. Nagpaalam na ang manager at pati na rin ako. I went back to my classroom bitbit pa rin ang C2 at biscuit. I saw Marietta smiling on her phone. "Masaya, ah! May sagot ka siguro sa quiz kanina," panunukso ko. "Naku! Sure ako, wala akong matinong sagot do'n. Sudden quiz? Hello?" She scoffed. Natawa ako sa sinabi niya. Our math teacher gave us an unexpected test kaya hirap na hirap kami kanina. "Eh, ano ang espesyal sa mga ngiti mo?" ngumunguya kong tanong. "Wala lang. Naglike lang si Alfe sa prof ile pic ko. Hmmm one of the reasons iyon!" she yelled sabay pakita ng profile pic niyang naka-wacky face. Nawalan ako ng gana sa narinig. If he liked my profile pic and liked Marietta also... meaning... pinahiya ko lang ang sarili kagabi? Ahhh! Ngumuso ako't tinupi ang plastik ng biscuit at binulsa. Kainis! Liker ng bayan pala itong si Alfe! As usual, pinauna ko na si Summer dahil magme-meeting pa kami sa faculty kasama ng mga student officers ng VSU. I didn't bother to ask Mang Kadong na rin kasi alas 7 ay pahinga na niya. Papakyaw na lang ako ng tricycle mamaya. Maaga pa at ang sabi'y around 5:30 raw ang meeting. Nasa baba lang naman ng library ang faculty at office ng principal kaya nagpaalam ako sa mga teachers na magbabasa muna. May mga english novel kasi ang silid-aklatan kaya magbabasa muna ako. Blood Harvest by Agatha Cristie ang napili ko. It's a mystery book. I was on my Chapter three when a grade 9 student told me na nasa baba na ang ka-meeting namin. Nakita ko ring papasok na sina Janine, ang representative ng Grade 11 at Arcilla na secretary ng SBG, both of them are my classmates. Patakbo akong pumasok sa faculty at tumungo sa office ni Sister Evelyn. Medyo puno ang opisina ng principal. Nakatayo na rin ang iba. I didn't bother to look at the VSU students dahil nahihiya ako. Bitbit ko pa ang novel book na hiniram sa library. I stood beside Janine na nakangiti sa akin. "Thanks Alfe," bulong niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata. "Are we all here?" Sister Evelyn asked. Tumango ang lahat at pinigilan ko na rin ang sarili na pansinin ang panunukso ni Janine. I felt nervous at the very moment, knowing that in front of us are Villaricans, not only malaking katunggali namin minsan sila sa mga pasiklaban but because Alfe is a Villarican. Nandito kaya siya? Wala siguro. Nakatingin ang mga mata ko kay Sister Evelyn habang nilalaro ng isip ko si Alfe. He's liking profile photos kaya 'di na ako mag-a assume next time. "This is our first time to collaborate with other school and it's a pleasure," ani ng teacher ng VSU. "Us too," tipid na sagot ni Sister sabay kaway sa akin. I sheepishly walked in front and stood beside our principal. "This is our SBG Vice-President, Hermoine Rirtz Solarte, but you can call her..." She trailed off and tapped me. "Hermoine," I said. "Nah! I'd rather call her Ritz," she kidded. Ngumit ako kay Sister Evelyn at yumuko. Ang haba rin kasi ng pangalan ko. "She's smart and creative that's why my confidence is all with hers," pagmamalaki ni Sister. Nahihiya akong ngumiti at hindi makatingin sa lahat. Pinakilala rin ni Sister ang ibang mga officers namin. When the Villarican's turn, bumalik ako sa tabi ni Janine. "We are so privileged to be with you guys," the teacher sweetly said to us. "Anyway, let me introduce to you our SGO President," she said, pointing to someone at the corner. Natabunan kasi ng mga ibang estudyante kaya 'di kita. Sana babae ang president para 'di ako mailang. "Allejo Jasfer Villarica." Pumalakpak ang lahat, pati na rin ako ay sumunod sa ginawa ng mga estudyante. Allejo Jasfer... wait... Did she said, Allejo Jasfer Villarica? The guy stood up. He was so tall kaya't hanggang balikat lang ang maliit nilang teacher. I was stunned, captivated and... getting insane. My heart beat isn't normal anymore. I will be working with... Alfe! Ahhhhhhhhh! In my personal thought, I was really screaming!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD