Kabanata 2- Accept

2883 Words
Titig na titig ako sa aking cellphone habang hinahanap ang kanina ko pa gustong makita. Naka-private siguro ang account niya kaya 'di ko mahanap. Nag-type na ako ng buo niyang pangalan. Alfe Villarica... Allejo Villarica... Jasfer Villarica. Bakit 'di ko makita? For two hours of searching, I finally gave up! "Busy, ah!" puna ni Marietta. She placed her haversack bag to her armchair. Hinihintay na lang namin ang first period teacher. "Wala. May tinitingnan lang," wala sa sariling sagot ko at pinatay na rin ang phone. She sat on her own chair beside me and opened her phone. "Yes!" she exclaimed. Nakakunot-noo kong tiningnan si Marietta bago kinuha ang notes sa bag ko. "He accepted my friend request!" she exclaimed in excitement. "Sino?" Probably, one of her crushes. "Si Alfe!" Alfe? Ano ang account n'ya? Bakit 'di ko siya mahagilap kanina? Gusto kong tingnan ang name niya sa sss pero baka makatiktik si Marietta na crush ko siya. "Look!" She showed me the notification from her sss. Alfe Samaniego. Why Samaniego? "Samaniego?" I curiously asked. "Duh! His mother's surname. 'Di niya ginamit ang Villarica!" Ngingiti-ngiting nag-scroll si Marietta sa phone niya, sakto ring dumating ang guro namin kaya tumigil kami. The class day ended like any normal days. Pero kailangan kong mag-stay for the preparation of the inter-school journalism competition. We have two months to prepare but our school newspaper must be done before the event. "Summer, please tell Mom and Dad na ma-le-late ako. I need to finish editing and check the lay out for the newspaper," sabi ko sa kapatid nang hinatid ko siya sa gate ng school. "Okay, Ate. Magpapasundo ka?" she asked. "H'wag na. Magta-tricycle na lang ako," sagot ko. "Okay." Nagpaalam na siya sa akin at sumakay sa SUV. Bumalik ako sa loob ng campus at dumiritso sa library kung saan nandoon na rin ang mga kasamahan ko. Iilan pa lamang kami at hinihintay na lang ang moderator. I decided to open my phone, then I remembered... I typed his sss name at bumungad nga ang sss account ni Alfe. I scrolled his profile pero tanging prof pic lang ang naroon. His posts aren't public. He was wearing a tuxedo on his profile photo. Suot niya pa rin ang salamin at kuha siguro 'to sa isang kasal. Nag-aalangan ako kung ia-add ko ba siya o hindi. Hindi ko makikita ang iba niyang larawan dahil nga naka-private ang lahat ng posts niya. "Hmmm..." I checked my profile picture. Okay naman. Kuha ito sa junior's ball namin last year. Nakasuot ako ng blue illusion neck gown. Not that bad dahil maganda naman ang make up ko. Gusto ko maganda tingnan ang profile ko kung sakaling i-accept ni Alfe ang friend request ko. "Okay na 'to," mahina kong sabi sa sarili. Pumikit pa ako ng mariin bago pinindot ang add friend button. I bit my lower lip. Paano kung hindi niya ako i-accept? Nah! Si Marietta nga! Para akong tanga dahil pinagtatalo ko ang sariling isip. Naghintay ako. Naghintay... Another minutes of waiting pero walang notification na in-accept niya ang request ko. I sighed because of dismay. I have crushes before but I felt different towards him. Iba kasi si Alfe. Hindi man siya katulad ng iba kong mga crushes na atlethic ang katawan, I admire muscular boys. Hindi naman siya payat o mataba, sakto lang. I mean, a teenage body of a boy, like that. But Alfe has something and I don't know why I really like him. His deep-set eyes, prominent nose and even his strong, wide cheekbones and defined, angular chin were so damn fascinating! Our moderator came kaya bigo akong ibinalik ang phone ko sa bag. Nag-meeting pa kami bago sinimulan ang pagle-lay out at edit. Ang daming kailangang basahin. Inisa-isa ko rin ang mga lay out na gawa ng mga ka-miyembro ko. We finished at past seven. Inayos ko na ang mga gamit at iuuwi ang ibang babasahin pa. Sumabay ako sa ibang mga kasamahan ko. The field of the campus was dark already. Patay na rin ang ilaw sa loob ng library and a small light from the pathwalk flashed my eyes. Beside our school was the church of Virgen Dolorosa Parish. May maliit na ilaw rin sa altar ng simbahan. The convent behind the church was bright, at kita mula sa balakonahe ng kumbento sina Father at ang ibang mga sakristan na mga estudyante rin sa HCB. Sa gitna ng field dumaan ang mga kasama ko kaya roon na rin ako. Sinalubong kami ni Chief, ang security guard ng eskwelahan. "Ingat!" sabi niya sa amin. We waved goodbye to him. May mga motor na naghihintay sa harap ng munisipyo sa kabilang daan. Ang iba ay may mga sariling sundo. I crossed the street. Ganitong mga oras talaga ay wala na masiyadong dumadaan na tricycle rito. Nasa itaas kasi ang paaralan namin at mga isang kilometro yata papunta sa poblacion. A tricycle stopped infront of us. "Ate, sakay ka po?" tanong sa akin ng isang grade ten contributor namin. "Didiritso ka po sa Caliclic, Kuya?" I asked the driver before deciding to answer the student. "Naku! Malayo ba?" balik na tanong niya. "Nasa unahan ng Christ the King po." Ang ibig kong sabihin ay ang patag na daan patungo sa amin. Umiling ang drayber. The student pitifully smiled at me. "May dadaanan pa rito," sabi ko sa kanya para 'di siya mag-alala. She nodded and hopped in to the tricycle. Ilang mga tricycle ang dumaan, ilang beses din akong inayawan. Gano'n ba talaga kahirap ang lugar namin? Hindi naman maputik doon, tambayan nga lang ng mga pulis na nanghuhuli ng mga motorista. Sana pala ay nagsabi ako kay Mang Kadong na magpasundo. Nahihiya na rin akong tumawag dahil baka nagpapahinga na rin and drayber namin. I fished out my phone from my bag. Nagtext na si Summer kung nasaan na ako. Ako: Pauwi na. Hintay pa tricycle I put a smiley face para hindi medyo bad vibes. Summer: Hurry! Lolo is waiting!!! Woah! Ang dami namang exclamation points. Galit kaya si Lolo? Kung gano'n lagot talaga ako. Masyadong maalinsangan ang panahon ngayon kahit malayo pa ang summer I took my hair bobbles at the pocket of my green checkered skirt and tied it in my neck length, curly hair. Nang maayos ko na ang sarili ay tumabi ako sa gilid para hindi gaanong masinagan ng mga mata ko ang ilaw ng mga paparating na sasakyan. I saw a tricycle from afar kaya pinara ko 'to. It slowed down and stopped in front of me. Maliit lang ang tricycle at isang maliit din na Honda XRM motorcycle ang nagpapatakbo nito. The front seat is vacant but there is a passenger at the back. 'Di ko nga lang kita kasi nakaharap ito sa gilid ng driver. "Kuya, biyahe ka po sa Caliclic?" tanong ko sa medyo may katandaan na drayber. Hindi siya sumagot agad at bumaling sa akin. "Magkano ba bigay mo?" tanong niya rin. "Bente?" I am not sure. Ten pesos lang naman kasi ang pamasahe kung umaga o hapon. Ewan ko lang 'pag gabi. "Saan ba sa Caliclic?" usisa niya. "Solarte," sagot ko. Nag-isip ulit siya, pinandyakan ang foot clutch at aakmang lalarga. "Kwarenta," singil niya. Kamahal naman! "Mahal naman, estudyante po ako, Kuya," protesta ko pero nanatili pa rin ang mahinahon kong boses. "Malayo ang sa inyo, pauwi na ako at iikot pa ako kung babiyahe ako roon," giit niya. Fine! Kaysa naman lamukin ako rito. I have enough allowance. Kaso, matipid ako. Ayaw kong masiyadong gumagastos dahil ayaw ko ring manghingi kina Mommy at Daddy 'pag may gusto akong bilihin. "Sige." Sumakay ako sa unahan ng tricycle Kakaupo ko pa lang ay naamoy ko na ang pamilyar na pabango. Same like... Yes, I just remembered. Baka in-accept na niya ako. I opened my f*******: account but... nothing, just bunches of likes and comments from my previous posts. Dismayado ako. Sobra... I heavily sighed and locked the screen of my phone. Itinuon ko na lang ang atensyon sa kalsada. As I expected, the road in the poblacion has a river of people, everyone moving in different directions. Nahinto kami sa isang gasoline station na katapat sa kabilang ibayo ng bakery. A man holding two full buckets of fish will join us in the ride. "Sa likod ako," sabi niya. "Dong, lipat ka sa harap. Baka mangamoy ka," saad niya sa pasahero sa likod. My back moved, indicating that the other passenger went out and would tranfer beside me. Walang lingon akong tumabi pa-kaliwa at hinigpitan ang backpack na nasa kandungan ko. Nadako ang mga mata ko sa binti ng katabi ko, his black shiny shoes with white socks, kita nang umangat ang pantalon niya. Isang estudyante ang katabi ko dahil sa uniporme. His navy blue pants told me that he was a Villarican. I raised my head to see the student. Why I felt so eager if I saw Villarican students? And it was like my world stopped when I saw him... Allejo Jasfer Samaniego- Villarica. Again in a ride? God! I even completed his name. Nakahawak siya sa hawakang bakal ng tricycle at diretsong nakatingin sa labas. My amusement became stare. Ang pagtigil ng hininga ko kanina ay naging kalabog ng tambol sa dibdib. If the road isn't that noisy, tiyak na naririnig niya iyon sa sobrang lakas. He didn't bother to glance at me but I did. When the tricycle moved, doon lang ako natigil sa kakatitig. Ang daming pumapasok sa utak ko. Sometimes, questions like, how old is he? Anong taon na siya? Is he the eldest or only son? Saan siya nag-aaral dati? Oh, my! The passenger at the back who's holding the buckets went down first. Nagpaalam ang driver na ihahatid muna si Alfe kaya agad akong tumango. Mabuti naman pala at pumayag ako sa kwarenta na pamasahe. Bawing-bawi naman. "Careful sa pagliko, Kuya," sabi niya sa driver. Lihim akong napangiti sa naalala. I was thinking right now that he was so concern, kahit alam ko na wala lang iyon dahil hindi niya naman siguro ako naaalala. Imposible na matandaan niya ako. We stopped at the big gate of the Villarica's mansion. Mas malaki at malawak ang mansyon nila kaysa sa amin. Their three-storey casa were in a hillock land. At tiyak dahil sa sobrang laki ng bahay nila, kitang-kita ang highway. Nag-abot ng bente si Alfe pero walang lingon na umalis. Idinungaw pa ng drayber ang ulo para tawagin siya. "Sukli," ani ng drayber. "Keep it," he replied without turning his head. If my crush feeling to him was on the 6th level. Mas tumaas ngayon into 9.9. Kulang na lang ay ngiti niya at perfect ten na siya for sure. Wala sa sarili akong ngumiti at inabot ang isang daan sa drayber nang marating namin ang bahay. Wala rin sa sarili akong tumalikod hawak-hawak ang dalawang sling ng bag kong nakasakay sa likod ko. " 'Neng, ang sukli," sigaw ng drayber. "Keep it!" Inulit ko lang sinabi ni Alfe. "Talaga? Wow! Salamat." Narinig ko ang pagliko ng tricycle at napagtanto ang lahat. Huli na nang nais kong habuli ito dahil humarurot na nang takbo ang tricycle. Tanga! Ang laki ng sukli. Sobra pa sa pamasahe ko! Sinabunutan ko ang sarili at padabog na pumasok ng mansyon. Alam kong gulong-gulo na ang buhok ko sa ginawa ko. Nakasimangot pa akong pumasok sa malaki naming pintuan. The strauss-crystal light of chandelier inside the mansion welcomed me. Tahimik ang patio and I knew, they were all in the living room. The first floor of the house was open. Just big photos of Lolo were posted on the marmol wall. Sa baba ng malaking hagdanan naman ay iilang family pictures namin. There's a door on the left side kung saan ang daan patungo sa maid's quarter at dirty kitchen. On the left corner ay may isang pinto rin para sa mga bisita. Lolo called it majlis. It's an arabic term, meaning meeting room or council room. Doon niya pinapadiretso ang mga bisita o mga taong nais humingi ng tulong. This house was inspired in Arabian house style, kaya bawat kwarto ay may sariling bathroom. Aakyat na sana ako nang lumabas si Manang Selya galing sa kaliwang pintuan bitbit ang isang tray na may lamang baso ng tubig. "Señorita, kanina ka pa hinihintay ni Señor Aga," nababahalang sabi niya sa akin. "Po?" "Ay, puntahan mo na't mapapagalitan ka na naman." Bumaba ako hagdanan at sumunod kay Manang Selya papunta sa majlis. When the door opened, the wide room was enveloped with the grandiose golden lights of chandeliers, the big curtains draped on the myriad and big windows. Matagal na ako rito pero kailanman ay 'di ko alam ilan ang malalaking silyang kulay ginto sa loob ng majlis. Nakaupo sa dulo si Lolo kasama ang isang lalaking sa tingin ko ay ka-edad niya lang. Tahimik akong sumunod kay Manang Selya sa likod. "Nandito na po siya, Señor Aga," pagbabalita ni Manang Selya. Ingat na ingat sa bawat salita niya. I moved on the side para makita ako ni Lolo. His smile faded when he looked at me. Nagbabanta rin ang mga mata niya. Bigla akong natakot nang umigting ang mga panga ng abuelo. "Is he Jaime's eldest daughter?" his visitor asked. Hindi sumagot si Lolo at kinuha ang basong tubig sa tray. Manang Elsa took my backpack and whispered, "Ayusin mo ang buhok mo." Nanlaki ang mga mata ko't dahan-dahan na itinaas ang isang kamay para ayusin ang buhok. "Upo ka rito, apo," ani Lolo. Hindi na ako nagulat. Apo ang tawag niya sa akin kapag may bisita siya, pero 'pag wala, matigas na Hermoine ang tinatawag niya. "This is Governor Romulo Cuevas," pagpapakilala ni Lolo. "Magandang gabi..." Governor trailed off. "Hermoine po, Gov." Ngumiti siya sa akin. "Nice name. She is beautiful Agapito," puri niya sa akin. I smiled sheepishly to him. "By the way, this is also my apo, Timothy." Doon ko lang napansin ang binatilyong katabi ni Governor. He was like a korean in his small eyes. His pointed nose was so girlish. Maliit ang mukha niya pero gwapo naman siya. "Hello," matipid na bati ako. "Hi," sagot niya sabay lahad sa kamay Inabot ko iyon. His hand was so soft, alam na alam kong utos-kain lang sa bahay itong si Timothy. Mas babae pa sa akin! Nakikinig lang kami sa kwentuhan nina Lolo at Gov. "Sasama kami sa last campaign, Aga." Governor's words were full of assurance. "Sasama ka rin?" biglang tanong ni Timothy sa akin. Napalunok ako. Never akong sinama ni Lolo sa pangagampanya. 'Pag may meeting de avance siya ay si Summer at iba naming pinsan ang kasama. Tumingin si Lolo sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. "Hin-" "Yes, she will come." Confusion probably sketched on my face. First time! Ang buong akala ko ay papagalitan ako uli ni Lolo. Pero nang umalis na ang mga bisita ay agad niya akong iniwan sa majlis na walang salita. I went straight to my room and tossed myself on my bed. Dapat ay masanay na ako sa pakikitungo ni Lolo sa akin. But inside of me longing to be treated like his other grandchildren. Suminghot ako at kinuha ang phone sa bulsa ng uniporme. Marietta messaged me, nagtatanong ng sagot sa assignments. I have few notifications from sss and messenger pero tinatamad ako. Wala rin naman lang iyong gusto kong makita. Boredom urged me to open the notifications. Likes and comments again... and... Napatayo ako sa kinahihigaan. Alfe Samaniego accepted your friend request. Yes! Ewan ko anong saya ang nararamdaman ko. I immediately scanned his wall at kita ko na ang mga posts niya. Wala siyang masyadong post. Puro shared quotes at tagged posts ang marami. I opened the comments on his profile pic. Gosh! 234 comments at 1.2k likes. Grabe! I saw a lot of comments. Ang latest lang ang binasa ko. From Trophee Villarica, Champion Jave Villarica ang mga nag-komento. Mga pinsan niya siguro sila. May ibang kababaihan na nag-mensahe. My eyes caught in two comments. Paris Gabriel Wilson: waiting to wear the same suit on my wedding Asia Seath Pichon: Look gorgeous. Wow, ha! Mahilig siya sa mga babaeng ang pangalan ay lugar. Nag-heart react na lang ako sa profile niya at flood likes sa mga shared posts. Naisip kong e message siya at magpasalamat na in-accept niya ako. Nah! Ang baduy! But my paradox was useless dahil nasa messenger na ako at nagtitipa. Thanks for accepting my friend request. And pressed send. Huli na nang mapagtanto ko ang kagagahan. Baka isipin niyang sinadya ko talagang hanapin siya. Kahit totoo naman. Gusto kong burahin pero nakita ko na online siya at na-seen na niya ang mensahe ko. Biglang nagrumintado ang puso ko when the tree dots appeared. Typing! Ang lalim ng bawat hinga ko sa bawat segundong gumagalaw ang tatlong dots. Ang haba naman ng tinayp niya! I've waited for almost two minutes when a messenger beep that made me stop from my breathing... I opened his message. . . . Damn! Thumbs up emoji!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD