Marietta pulled me to the group of people listening to the Meeting de Avance of Vice Mayor Agapito Solarte– my grandfather.
Nasa likuran ni Lolo sina Mommy at Daddy, pati na rin ang kapatid ko na si Summer at ibang mga kapartida niya.
"Hermoine, bakit hindi ka umupo roon?" usyoso ng kaibigan kong si Marietta na ang tinutukoy ang seats ng stage.
"Tsk. Bakit? Mapapanalo ko ba si Lolo 'pag umupo ako roon?" sarkastikong tugon ko.
Totoo naman, ah! Kahit pa kumaway-kaway ako sa harap ng stage ay 'di naman mapipigilan kung sino ang gustuhin ng mga tao.
Ngumuso siya at pilit na tinatanaw ang mga nasa gilid ng stage.
Ang mga dancers na lalaki lang naman ang gustong makita ni Marietta, eh!
Lolo stated his platforms. Madami. Maraming-marami. He has lots of plan to the island if ever he'll be the mayor.
"Sa tingin ko, girl, mananalo lolo mo, tingnan mo 'itsura ng mga tao. They are very pleased to hear your Lolo's platforms."
Hindi ako umimik at pinagmasdan lang ang mga tao sa paligid.
Yeah. They looked pleased. Same people with the same look when Lolo's opponent spoke also his platforms on the other day.
Alin ang totoo sa kanila?
Obviously, Lolo and his only opponent, Allejo Villarica had opposite platforms. From the infrastructure to economic run, malayong-malayo.
Villarica had this plan to export and import copra to other countries, which is good, anyhow. However, Lolo opposed the said plan. Ang sabi niya ay si Villarica lang ang makikinabang sa naturang plano. Alam naman ng lahat na ang laki ng koprahan ni Allejo kaya hindi sang-ayon si Lolo.
Both parties had good outlook. Pero pareho din na may mali. I had no idea about that said business but both are obviously thinking for their own good and advantage.
I shook my head and walked out in the group.
Gusto ko ng umuwi dahil nangangati na ang katawan ko sa pawis. Masiyado kaming binilad sa init ng P.E. teacher namin sa ginawang field demo. Hindi pa ako nakadala ng spare t-shirt.
"Hermoine, saan ka pupunta?" she asked, running towards me.
"Home," sagot ko sabay ayos sa backpack ko sa likod.
"Ano ba 'yan?" reklamo niya pa pero sumunod din naman.
She helplessly walked beside me.
"Hermoine!"
"Ano na naman?" naiirita kong tanong at napahinto sa paglalakad.
"Kain tayo ng fishball!" she giggled turo niya sa isang stall sa harap ng parke.
I saw the stand of fishball. Pinalubo ko pa ang pisngi at saka ngumisi.
"Fine." Napakarupok ko pagdating sa pagkain kaya kahit pagod ako, gusto ko pa ring kumain.
Iilan lang ang bumibili kaya malaya kaming pumwesto sa harap.
Nag-aagawan pa kami ni Marietta habang sinasawsaw ang fishball sa sauce.
"Excuse me." A baritone voice stopped our fun.
Tumabi kaming dalawa para bigyan ng espasyo ang kostumer.
We both giggled when the sauce spilled on out white uniforms! Ang sayang mamantsahan ang damit, ano?
Takam na takam pa ako sa kinakain nang siniko ako ni Marietta.
"What?" Binalingan ko siya, nakaawang pa ang stick sa bibig ko habang nagtatakang tiningnan ang kaibigan.
She pouted her lips back and forth.
"Anong trip mo?" tanong ko sa kanya.
Hinawakan niya ang baba ko at pinaharap sa lalaking nakatayo kaharap ng tindero.
He was tall. He smelled so good. His hair was clean.
Iyan lang ang kaya kong ilarawan sa lalaking nakatalikod sa amin na may itim na backpack na nakasablay sa kanang balikat.
Dahil sa bulong ni Marietta ay napalingon ang tinutukoy na lalaki ng aking kaibigan ko.
When his back looked gorgeous. He was twice gorgeous-gorgeous to describe. Redundancy is acceptable to describe him.
Behind his big eyeglasses showed his deep-set hazel gray eyes. His roman shape nose prominently became his best asset. His top lip is not so full but the lower lip is well, perfect. Something to sigh over...
Teka? Sino 'yan?
Nadako ang mg mata ko sa suot na uniform. He was a Villarican because of the logo on his polo. Obviously, he studied at Villarica Science University, isa sa pinakamalaking paaralan dito sa isla na pinagmamay-arian ng mga Villarica.
He glanced briefly to us and headed back to the van.
"Allejo Jasfer Villarica!" Tila nananaginip na saad ni Marietta habang yakap-yakap ang maliit na haligi ng fishball stand.
Nagalaw pa ito kaya sinaway ko siya. Mabuti na lamang at mabait ang tindero at ngumit na lamang sa amin.
"Villarica?" tanong ko na hindi pa rin hinihiwalay ang tingin sa van na papalayo.
"Oo! Panganay na apo ni Allejo Villarica na kalaban ng lolo mo sa paka-mayor. Galing siyang States pero lumipat dito sa Lolo at Lola niya," pahayag niya.
Napaisip pa ako.
Villarica's family is the richest clan here in Samal. They dominated almost the whole land of the island. They have different agricultural business; dairy farm, corn land, coconut land and even copra buying business. Even in politics ay pinasok na rin ng mga Villarica. And for lolo, they are threat.
Iyan lang ang alam ko sa kanila. I do not know them personally aside sa may dekalidad at magara silang eskwelahan.
Kung hindi nga lang magkatunggali sa negosyo at politika si Lolo at ang Villarica ay gusto kong mag-aral sa VSU.
Their school newspaper always won in division and in regional competition. Nananalo naman ang sa amin pero pumapangalawa lamang. They also compete international quiz bees. Of course with the finance and all expenses of the school.
"Alam mo ba iyang si Alfe, editor-in-chief din siya sa school newspaper ng VSU," pakli ni Marietta.
Oh. We have the same stance. Editor-in-Chief din ako sa The Grains, ang school newspaper ng Holy Cross of Babak.
Nagkibit-balikat ako.
I remembered, malapit na rin pala ang Inter-School Journalism competition. Excited na ako!
Will he compete also?
I shook my head. Why would I care, though?
Pumara na ako ng tricycle para mauna akong makauwi. If my family will go home first, tiyak na mapapagalitan na naman ako ni Lolo nito.
May sundo si Marietta. Magkaiba ang daan namin kaya nauna pa siyang nakalarga sa akin. Ayaw ko ring magpahatid kahit namimilit siya. Masiyado ng malayo at nakakahiya sa daddy niya.
"Caliclic po," sabi ko sa driver sabay abot ng bente.
Maliit lamang ang barangay namin, but our place has bunches of different beaches with white sand. Mura na maganda pa.
Set right in the middle of the Davao Gulf, the Island Garden City of Samal is blessed with a number of picturesque and gorgeous white sand beaches as well as interesting marine wonders. It is less than 30 minutes from Davao City and is very accessible by both public and private transportation. Ika nga, our island is mini the Boracay of Mindanao. But for me, it is more than beauty, it is paradise, a pathway to heaven.
May sumakay sa likuran ko na mga estudyanteng babae sa ibang skwelahan.
"Poblacion!" saad ng isa sabay abot sa pamasahe.
Umarangkada saglit ang tricycle ngunit huminto naman sa tapat ng simbahan ng Iglesia ni Kristo.
Inabala ko ang mga mata sa cellphone dahil naiilang ako sa ingay ng kababaihang estudyante sa likod.
Tawa sila nang tawa at minsan naghahampasan pa kaya napapayugyug ang maliit na traysikel. Napapakamot na lamang ang drayber at minsan sinasaway sila.
"Villarica." Napalingon ako sa sumakay.
My jaw dropped when I saw the Villarica himself.
Si Allejo.
Saglit siyang sumulyap sa akin. Tila may kung anong dagang napakalikot sa dibdib ko.
Shit! Bakit ako kinakabahan?
Ang dating maingay na mga estudyante ay tila mga bubuyog na nagbubulungan na ngayon sa likod.
Saan kaya ang sasakyan niya?
Huminto uli ang drayber sa tapat ng vulcanizing shop at nagpasakay ng isa.
I felt sad when Alfe went down to let the woman go inside.
"Dong, mauna ka na. Riyan lang ako sa may bakery," sabi ng babae.
Yes!
Wait... Why am I happy?
Poker face lang si Alfe at sumakay muli. Umusog pa siya papalapit sa akin para makasakay ang babae.
Nagkadikit tuloy ang mga binti namin. Hindi ako mapakali. Gusto kong lumundag sa kaba sa mga oras na ito! If Marietta is here, for sure naalog na ang tricycle. She will jump because of kilig, for sure.
"Bayad." Inabot ng ale ang bayad kay Allejo.
Sakto sa mukha ko ang braso niya.
Dios ko! Bakit kahit braso ay mabango sa kanya? Nahiya tuloy ako dahil baka may amoy na ako. Hindi pa ako nag-cologne dahil nabilad kami sa araw at pawisan. Ayokong humalo ang amoy ng pawis sa pabango ko.
"Sorry," he said when his arm touched the tip of my nose.
"Okay lang," agad na sagot ko.
Hinawakan ko pa ang ilong at pinigilang mapangiti.
Luh! Bakit ganito? Kanina ko pa siya nakilala, ah! Iba kasi karisma ng lalaking ito. Lakas makahatak!
Unang bumaba ang mga babaeng estudyante sa likod. Nasa tatlo lang pala sila, akala koy sobra dahil sa likot at ingay nila kanina.
Nagtitilian pa sila habang naglalakad papunta sa isang bakery.
Maraming tao ngayon sa poblacion. The two lane street was so busy and filled with tricycles going back and forth.
Nahinto kami sa harap ng isang bakery– Park 'n Go Bakery, isa sa mga pinakamatagal na panaderya sa poblacion Babak.
"Ka-trapik, Ginoo! Lupig pa sa kalsada sa Davao!" bulalas ng drayber na ang ibig niyang sabihin ay malala pa sa kalsada ng Davao sa ka-trapikan.
Wala namang jeep o taxi rito, tanging mga single na motor at tricycle ang kadalasang bumabyahe, minsan mga pribadong sasakyan o trak.
Fish Vendors in the side of road are probably the main reason why traffic is so damn annoying– for him, I mean the driver. Pero para sa akin, okay lang dahil katabi ko naman si... Alfe.
Jusme! Nakiki-Alfe na rin ako.
Idagdag pa ang dahilan ng trapik ang mga estudyanteng pauwi na at mamimili na nasa daan na minsan pumupwesto.
"Saan ka sa Villarica, dong?" tanong ng drayber kay Alfe.
"Sa mansion ng mga Villarica," seryosong sagot niya na nakahawak ang isang kamay sa steel support ng pedicab habang ang isang kamay ay nakahawak sa sling ng bag. Diritso ang tingin ng binata kaya naiilang tuloy ako.
"Oh!" tanging sambit ng drayber.
"Ikaw ba iyong anak ni Sir Junio at Ma'am Cynthia, dong?" usisa ng drayber.
Walang ganang tumingin si Alfe sa drayber at tumango.
Medyo masungit.
"Naku! Kay bait ng magulang mo, dong! Mabait pa si Konsehal Allejo. Gusto ko nga siya na maging Mayor kaysa kay Vice Mayor Agapito."
Nasamid tuloy ako sa sariling laway sa sinabi niya at napaubo. Grabe naman si Kuya!
"Okay ka lang, gwapa?" baling ng drayber sa akin.
Tumango ako.
Ilang tao ba ang ayaw kay Lolo rito? Everyday, our mansion was filled with people, asking for help in financial and medical. Okay naman si Lolo, ah. Strikto nga lang.
Sabagay, I can not stop them from choosing who they will vote this coming election. At isa pa, marami rin namang taga-suporta si Lolo.
"Saan ka pala sa Caliclic, 'day?"
Napalunok ako.
It was so awkward when a Solarte and Villarica were in the same vehicle, magkatabi pa. Idagdag pa ang sinabi ng drayber kanina patungkol sa abuelo ako. Ako na lamang ang nahiya.
"Christ the King," sagot ko.
"Hala! Sa taas?" Namilog ang mata ng drayber.
I knew it! Walang tricycle na babiyahe roon.
The road there is so steep and it's so difficult to ride. 'Tsaka, hindi ako taga roon. Nasa patag lang ang mansyon namin malapit sa dagat. Ayaw ko lang mapahiya ang drayber sa sinabi niya laban kay Lolo. At isa pa, katabi ko si Alfe, isang Villarica.
"Ihinto niyo na lang ako sa kanto," sabi ko.
From my peripheral vision, nakita ko ang pagsulyap ni Alfe sa akin. Saglit nga lang.
Or... did he really glance at me? Hmmm... Idiot!
Dahil medyo may kalayuan ang bahay ko, unang inihatid ng drayber si Alfe. Nasa isang pribadong village ang lugar nila at kailangang pumasok sa isang kanto ang tricycle.
From the highway, the driver suddenly turned. Hindi niya napansin ang batong nakaharang sa daan patungo sa kanto.
"Ay!" I exclaimed when I steered in front of the tricycle.
Napapikit ako dahil bakal at salamin ang kaharap ko. Siguradong may magkakabukol ang noo ko sa sobrang lakas ng pagkakabangga.
I was stunned when I didn't feel any serious pain. Masakit pero sakto lang, like someone just tapped on my forehead.
"Kuya, ingat po!" narinig kong sigaw ni Alfe.
Nakaharang ang kamay niya sa noo kong mababangga sana sa bakal.
Nahinto ang drayber at sinipat ako.
"Are you okay?" he asked. 'Di ko matanya kung nag-aalala ang boses niya o normal na sa kanya iyon.
When I raised my head and eyed to him, a mix of dark expression and concern painted to his face.
Umayos ako ng upo at sinipat ang ulo.
"O– Oo..." nauutal kong sagot.
Kinabahan ako bigla sa pagkakadikit namin.
"Hala, sorry 'day. 'Di ko napansin ang bato sa daan," hinging paumanhin ng drayber.
"Okay lang."
I eyed back to Alfe na ngayon ay nakatayo na sa labas ng tricycle.
"Kuya, ihatid niyo na lang siya sa lugar niya. Maglalakad na lang ako." His voice was very authoritative.
He gave his fare and walked going the small road.
Medyo may panghihinayang ako dahil kahit konting oras lang sana ay makasama ko siyang nakasakay. Lumiko ang drayber pero ang mata ko ay nasa rearview mirror ng tricycle.
Even he walked, he is so... gwapo!
Crush ko na yata siya!