Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at agad na inilayo ang sarili kay Alfe. "Asia..." anas ni Alfe. "Magkakilala kayo?" she asked. Lumapit na siya sa amin na nakataas ang kilay at palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa. "Bakit mo siya ihahatid? Magkaano-ano ba kayo?" usisa niya. "A-Asia–" "Did your grandfather know what you are doing Hermoine? You are using the pageant to flirt with Alfe?" "Asia!" sigaw ni Alfe. Nagulat ako sa sinabi niya at biglang namuo ang kaba ko sa dibdib. Paano kung magsumbong siya kay Lolo? Malalagot ako at baka pahintuin pa ako sa pagsali. Ang masaklap, baka sa pag-aaral din. Kilala ko si Lolo at iba siya magalit. Bigla ng lang napahalakhak si Asia at hinawakan ang kamay ko. Ano ang nangyayari sa kanya? "I'm just kidding, girl. Don't mind me, okay?

